MMD 13

1048 Words
Maru life is unfair and cruel even with those who have a good heart. Minsan sila pa yung napapasama at namamatay kaagad. Hindi pa nabibigyan ng hustisya. "Pey. " mahinang tawag ko sakanya dito sa garden ng school, tumingin siya saakin at ngumiti. How can she smile like that to me? I hurt her, ang sama ko sakaniya kahit wala naman siya ginagawa kung hindi ang intindihin ako at makipag close saamin. "Hey. " tinignan ko yung kaliwang braso niya yung saan tumama yung tinapon kong stick, may patulis pa naman iyon kaya may bandage siya. "I'm s-sorry. " sabi ko saka nginuso yung braso niya. Linagay niya yung braso niya sa likuran at tumango. "Okay lang, hindi naman na masakit. " "Why did you forgive me that easily? " tanong ko saka tumabi sakanya, pinaglaro laruan ko yung flowers sa harap namin. "I love you and i want to be your friend, kaya pinatawad kita ng ganoon kadali saka sabi saakin ni mama na huwag mag tatanim ng galit kahit kanino kasi masama yun. " napatingin ako sakanya habang pinapanood siya na panoorin yung mga fish sa fish pond. Humahangin yung curly niyang brown hair, ang ganda din nung brown eyes niya kasi na aarawan. Ngayon ko lang napagtanto na, ang gandang pagmasdan nung mata niya. Naalala ko yung sinabi ni nanay kahapon about Astrid. "Sa kabutihan niya, she trusts everyone but someone a***e it and take advantage na ikinasira niya even your mom and everyone. " "Dapat yung mommy mo ang unang una mag cocomfort sakanya at tutulungan siya from that accident but she's the one who totally ruined Astrid hindi ko maipagkakaila yun, hindi ko siya sinisisi but that's the truth. Nakagawa ng mommy mo ng pagkakamali, nagpadala siya sa emosyon niya. " "Pag sobrang buti ng isang tao, she deserve someone who will protect her no matter what will happen. " Am I the one who will protect Peyton? Cause now, she's also protecting me. Tumingin din siya saakin at ngumiti, she hug me and placed her face on my neck. Savoring the moment I just close my eyes and feel her. "Were friends now. " Nakangiti kong sabi. "Really? Thank you! " masaya niyang sabi na ikina ngiti ko lalo, close naman na talaga sila ni Rica saka Vance pero gusto niya din talaga na saakin din. – "I want ice cream Pey, can you buy me? " naka pout na sabi ko sakanya habang naka tingin sa bagong tayong ice cream parlor katabi ng school namin. "I'm not your mother to buy you an ice cream Maru but okay, I'll buy you one just this time. " pumalakpak naman yung tenga ko sa tuwa nung marinig ko yun kaya agad agad ko siyang hinila papasok at hindi ko namalayan na may papalabas kaya nabunggo ko siya dahil sa maliit ako, napa upo ako sa sahig. Dang, bato ba siya? "Maru! Are you okay? " tanong agad ni Pey saka ako tinulungan maka tayo. "I'm sorry, she's just to excited to eat an ice cream. " pag paumanhin ni Pey dito kaya tumingin ako sakanya habang hinihipo hipo yung pwet ko dahil masakit. I found myself starring on her sa nakabunggo saakin at ganoon din siya, tila bang kinakabisado bawat parte ng mukha ko. May pagkamatanda na din siya. "I-im sorry. " "It's okay, be careful next time kids. " tumango kami ng sinabi niya iyon saka ngumiti pero dala pa din niya doon yung aura ng pagkamataray. "I'll buy you two an ice cream, just sit there. " turo niya dun sa gilid na upuan. "No, thank you Miss but it's okay we can buy naman po for ourselves. " nahihiyang iling namin ni Peyton, kabilin bilinan pa naman ng parents namin is huwag mag intertain ng strangers lalo na huwag tumanggap ng kung ano ano din from them. "No, it's okay. Besides ang cute niyo parehas, don't worry im a good woman. " nakangiti niyang sabi saka nag punta sa counter, kami naman ni Peyton ay umupo ng magkatabi sa tinuro niyang upuan. "Sa tingin mo tama tong ginagawa natin? " tanong ko sakanya ng maka upo kami, she just hold my hand ang smile. "Don't worry, ramdam ko naman na she's a good woman katulad ng sinabi niya. " tumango na lang ako at mag hintay sa ice cream. Dumating siya na may tag isa kaming cup ng ice cream mula sakanya kaya nag pasalamat muna kami bago iyon kunin. "Nasaan parents niyo? " tanong niya. "Nasa work pa po sina mommy at daddy. " sagot ni Pey at saakin naman tumingin yung babae. "Nasa work din po si mommy saka galing po kaming school. " tumango naman siya at tumingin talaga saakin. Nagulat ako nung punasan niya yung amos ko saka ngumiti, it melt my heart. Ganito ba ang may lola? "What's your name you two? " "Her name is Peyton Marlon, and my name is Maru. " pagpapakilala ko saka binigyan ng tissue si Peyton at tinignan yung matanda sa harap namin. "Maru what? " curious na tanong niya. "Hortillano, Maru Raeka Hortillano. " hindi na ko na offend nung nagulat siya at napa takip pa ng bibig, nag patuloy lang ako sa pagkain at hindi na pinansin yung pinupukol niyang tingin hanggang sa matapos na kami kumain at ready na bumalik sa school. Hinatid kami ng babae hanggang sa gate ng school para daw safe kami at pinag sabihan na wag kami lalabas ng school premises pag walang kasamang matanda. "Maru. " tawag niya saakin kaya tumingala ako dito. "Say hi to your mother for me. " "Okay, can i at least know your name po? " tanong ko para masabi ko din kung sino yung kumakamusta kahit na i'm sure pag sasabihan ako ni mommy na don't talk to strangers. "Mellisa. " ako naman ang nacurious. "Mellisa, what po? " "Hortillano too. " naka ngiti niyang sabi na may lungkot sa mata. "I love you apo. " nagulat naman ako at hindi nakapag salita sa narinig ko, umalis na lang siya bigla sa harap ko na ikina lungkot ko. Bakit hindi pinakilala saakin ni mommy yung mga magulang niya? Alam ba nila na ampon lang ako? but to be called apo melted my heart. ––
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD