MMD 11

1146 Words
Maru I'm still young. Madami pa kong malalaman, madami pa din akong makikilalang tao, madaming pwedeng matutunan at kung ano ano pa. Sa sobrang bata ko pa, na eexcite na ko. Gusto ko nang lumaki at maranasan yung mga naranasan ni mommy. Tutal meron na din namang nawawala saakin as a kid. Minsan gusto ko maging si mommy or someone na hindi ko masabi kung sino and i think, pareho kami ng ugali. Ayokong ikulong sarili ko sa iisa lang, gusto ko yung makapag explore pa ko. "We are not friends, Peyton. " naasar kong sabi habang pinag lalaruan yung stick at nag dadrawing sa lupa dito sa park. "Maru! " saway saakin Vance pero hindi ko siya pinansin, nakita ko naman yung paglungkot ng mukha niya especially those eyes i admire pero she still smile despite what i did. "It's okay. " sabi nito habang inaalis yung kamay ni Rica sa likod niya, she don't want to look weak or nakaka awa sa harap ng mga tao lalo na saakin. "Bakit ba ayaw mo maging kaibigan si Peyton? She's a good person naman. " naiinis na tanong saakin ni Vance. "Simply, I don't like her being a friend. " pagkasabi ko nun wala nang nagsalita, tumahimik na lang sila at wala nang kumibo hanggang sa tumayo na si Peyton at dahan dahan naglakad paalis. "Pey, saan ka punta? " tanong ni Rica na tumayo na din. "Maglakad lakad lang. " naka ngiti nitong sabi. "Samahan na kita. " maglalakad na sana papalapit si Rica sakanya ng umiling ito. "Hindi na, salamat na lang Rica. " nag paalam na siya at naglakad kaya wala nang nagawa si Rica kaya umupo na lang siya sa swing. Tinignan niya ko saka ngumiti ng malungkot at umiling. Tinaasan ko lang siya ng kilay at umiling bago nag drawing ulit sa lupa. Who cares? First of all, siya yung lapit ng lapit. I kept pushing her away pero anong ginagawa lagi ni Peyton Aziel Marlon? Pinag sisiksikan niya sarili niya sakin, bahala siya sa buhay niya. Hmp! "Maru, you're mean and you're not like that. Susumbong kita kay tita Mau pag hindi ka nag sorry kay Pey. " sabi ni Vance na ikina simangot ko. Sasagot na sana ako nang may marinig kami na papalapit saamin. "Maru, let's go. " nagitla ako ng marinig ko boses ni mommy sa likod ko kaya lahat kami tumingin dito. "Mommy? " nagulat na lang tanong ko, dapat si nanay mag susundo sakin ngayon pero si mommy ang dumating. "Yep, maaga ako nag out for you. " naka ngiti niyang sabi bago lumapit saamin, tinignan niya si Rica na ikinagulat niya. Napatigil pa nga siya sa paglalakad e, para bang nag ningning yung mga mata ni mommy. Hindi ko alam kung masaya siya or anytime may tutulo na luha sa mga mata niya. "Uhm, may dumi po ba ko sa mukha? " nahihiyang tanong ni Rica na ikinatawa ko dahil ayun din ang tanong niya saakin nung una kami magkita agad na umiling si mommy, lumapit siya dito at lumuhod para magkasing pantay na sila. Ako naman ay nagtataka sa mga inaakto ni mommy, ngayon lang siya ganito kapag na memeet ng bago kong kaibigan kasi nung na meet niya si Pey hindi siya ganito but she's still sweet towards Pey. "Can i know your name? " nanginginig na tanong ni mommy kaya nagkatinginan kami ni Vance. What the heck is going on? "I'm Aussie Rica Silvestre po. " napalunok si mommy bago hinawakan niya yung mukha ni Rica at hinalkan ito sa noo. "You're more look like Astrid. " bulong nito na sila lang atang dalwa ang nagkarinigan, hindi ko maintindihan kung malungkot ba o masaya si mommy. "How did you know tita As–" "Shh. My pleasure to meet you. " now, alam ko na kung ano nangingibabaw kay mommy. Happiness, napa simangot naman ako kaya naihagis ko ng malakas yung stick nahawak hawak ko kaya tumama ito kay Peyton na papabalik na. "Ouch! " "Maru!? " "Pey!! " This is me when i feel jealous, wala akong pake sa nararamdaman ng iba. This is my toxic attitude that I don't want to feel as long as possible because I can hurt someone. No matter how painful it is and who is she/he. Nauna ako sa sasakyan at nag takip ng mukha, naramdaman ko naman na may pumasok at pagalit na sinara yung pinto. "What was that, Maru!? " galit na tanong ni mommy pero hindi ako sumagot, inaalala ko yung nangyari kanina. "You're more look like Astrid. " Astrid.. Siya ba yung babaeng minahal ni mommy? Siya ba yung babaeng nasa diary ni mommy? Gaano ba kamahal ni mommy yung babae na yun? Impossible naman na may anak sila dahil parehas silang babae but who knows? Iba na ang nagagawa ng teknolohiya ngayon at noon. "I'm asking you Maru Raeka!? " "I'm jealous mom! You look happy nung nakita mo si Rica, yung eyes mo hindi ganun kapag ako kasama mo. Hindi siya nag titwinkle kapag kasama mo ko, sabagay. Ampon mo lang naman ako mommy e. " napa iyak na ko nung sinabi ko yung last part at humagulhol, naramdaman ko naman na yinakap ako ni mommy pero hindi ako gumalaw para yakapin din siya. – Tahimik lang yung buong byahe habang sumisinok pa din ako at paminsan minsan ay may natulo pa ding luha. Ramdam ko din na patingin tingin saakin mommy habang nag dadrive siya. Nang makadating na kami sa mansion ay nauna na kong bumaba ng sasakyan at pumasok. "Maru.. " napatigil ako nung tawagin ako ni mommy, tumingin ako dito pero hindi ngumiti at hindi nag bigay ng emosyon sa mukha. "I'm sorry, na excite lang ako. When i see that kid, i remember someone that i really love– nadala lang ako. " napa buntong hininga siya at lumapit saakin. Lumuhod din siya para magkasing tangkad na kami. "I'm happy and blessed to have you Maru. In the end, i still have you kahit na wala na siya. Hindi ka ampon, papatunayan ko yan sayo. You have a special place here, in my heart. " Lagi yan sinasabi saakin ni mommy na hindi ako ampon, papatunayan daw niya. Bata pa ko pero advance ako mag isip at hindi din ako uto uto, ampon ako. Ampon ako ni mommy, kahit balik baliktarin pa ang mundo. I'm not the real daughter of Maureen Hortillano. I'm not a Hortillano. "Mommy.. " "Yes, baby? " "Who's Astrid? " Tumitig lang siya saakin at napangiti na para bang may inaalala. "Someone that i really love till now, baby. " simple niyang sagot pero kita mo sa mukha niya especially in her eyes na totoong totoo ang mga sinasabi niya. "Really? Can i meet her? " tanong ko. "Of course but not now baby, someday. I promise. " ––
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD