Malaikah's PoV PAGSAPIT ng hapon, pinili naming maglaro ng volleyball. Magkalaban pa rin ang team love at wedding and events. May ternong jersey ang team wedding and events habang kaming team love tanging ganda na lang at kaguwapuhan ang taglay. Kanya-kanyang kami ng outfit at may sari-sariling style. Nakayapak ang lahat maliban kay Drei na siyang referee. Magaling ako sa paglalaro ng volleyball dahil tinuruan ako noon ni Angelo. Bukod sa magaling itong varsity player ay volleyball player din ito. Habang naglalaro kami ay may hindi inaasahang bisita ang dumating. “Happy birthday, Uncle Trex!” nakangiting sabi ng lalaking nakasuot ng hoodie jacket, black shades, at suot na itim na hikaw. Nakatsinelas lang ito at mukhang galing sa isang private resort dito sa Botolan. Natigilan kami s

