"MOMMY, nakita niyo po si Ysabel?" tanong ni Jaden sa ina na nasa harden at nagbabasa ng fashion magazine. "Kanina ko pa po hinahanap diko makita eh!" "Abay umalis makikipagkita daw ata sa kababata niya," sagot ni Senyora Beatrice na hindi manlang nag-abalang tingnan ang anak. "Ho? Bakit niyo pinayagan? Sino ba daw pong kaibigan?" inis na tanong bi Jaden. "Hindi ko alam! Tsaka bakit naman hindi ko papayagan? Linggo ngayon at day off ni Ysa." "Eh si Aling Anna kasama niya po ba?" "Hindi. Nasa kusina si Anna at may ginagawa. May kailangan ka ba? Iutos mo nalang muna kay Marie." "Hindi na po, ako nalang. Punta nga po pala ako sa bahay ng kaibigan ko." "Anong gagawin mo doon? Hindi pa pwedeng dito ka nalang muna at wala akong kasama maglunch. "Bakit si Ysabel pinayagan mong pumunta sa

