NASA terrace ng kwarto nila ang mag-asawang Aragon. Mababakas ang kasiyahan sa mukha ni Señora Beatrice ang kasiyahan sa nakikitang tagpo sa ibaba. Sa swimming pool sa ay naroroon si Jaden at Ysabel. Masayang nagtatawanan habang tinuturuan ni Jaden lumangoy si Ysabel. "I can see na nagtatagumpay ka sa gusto mong mangyari, Mahal," komento ni Senior Rafael sa asawa nito. "Ang cute nila noh? And they really look good together,Mahal!" nakangiting sagot ni Señora Beatrice. "Yes true, they look good together! Pero hindi ka ba natatakot? Hindi lingid sa kaalaman natin ang ginagawang kalokohan ng anak natin sa mga babae. Paano kung masaktan niya lang si Ysabel?" mababakas ang pag-aalala sa boses ng Senior. "I know. Pero wala ka bang tiwala sa anak natin? His hard from the outside pero napakal

