NAKAUPO si Ysabel sa isang bench at nagbabasa ng notes niya habang naghihintay ng oras para sa next subject nila ng lumapit si Jaden sa kanya at may inabot sa kanya. "Para saan 'to?" gulat na tanong ni Ysabel. "I told you, I will give you chocolates. Kaya yan na 'yon," nakangiting sabi ni Jaden. "Seryoso? Akala ko ba hindi maganda sa katawan ang chocolate?" "Hindi masama kapag sa akin galing!" bulong ni Jaden. "Anong sabi mo?" "Wala. Ang sabi ko okay lang paminsan minsan," pag-iiba ni Jaden sa sinabi. "Saan mo 'to binili? I mean diba magkasama tayo mula pa kaninang umaga, wala ka namang dala nito," tukoy ni Ysabel sa kahon ng imported chocolates . "Pinabili ko kay Manong Alan. Hinatid niya nalang dito" "Sana hindi mo nalang pinabalik-balik pa dito si Manong Alan. Pwede na

