Chapter 6-4

863 Words
NAGULAT si Señora Beatrice ng makita ang nakabendang paa ng anak. ''Anong nangyari sayo? Bakit ganyan ang hitsura ng paa mo?'' Mababakas sa boses nito ang sobrang pag-aalala. ''Mommy, don't worry I'm fine. Baka bukas okey na ako,'' bagot na sagot ni Jaden sa ina. ''Anong I'm fine... Kita mo nga at hindi ka makalad sasabihin mo sa akin na I'm fine.'' Humarap si Señora Beatrice kay Ysa. ''Anong nangyari sa Señorito mo, Ysa?'' ''Señora, naaksidente po siya habang naglalaro ng basketball.'' At ipinaliwanag ni Ysa ang eksaktong nangyari. ''Iyan na ngaba ang sinasabi ko eh. Hindi ba at sinabi ko na saiyo na itigil mo na ang paglalaro ng basketball na yan at sakit lang ng katawan ang aabutin mo diyan!'' Litanya ni Señora Beatrice. ''Ysa, tawagin mo ang driver at dadalhin natin sa ospital ang Señorito mo.” ''Opo Señora.'' At tumalikod na si Ysa para tawagin ang driver. ''Mommy, ang OA mo naman! Sinabi ko na sayo na okay lang ako eh. Hindi ako sasama sa hospital. Ayaw ko doon!'' Pagmamatigas ni Jaden. Naki sabat na si ate Marie ang isa sa mga katulong. ''Señora hilot lang po ang katapat niyan. Naniniwala po ako na may naipit lang na ugat diyan kaya nahihirapan si Señorito ilakad ang paa niya.'' Sandaling nag-isip si Señora Beatrice. Nang minsan maaksidente siya at natapilok ay ipinahilot niya ang paa niya kay Marie at maayos naman ang naging resulta. ''Sige nga Marie at hilutin mo ang paa ng Señorito mo. Pero huwag mong pipilitin kung hindi mo kaya ha!'' ''Sige po Señora. Kukuha lang po ako ng langis.'' Umalis sandali si Marie at pagbalik ay may dala ng langis at pumwesto na ito sa may paanan ng batang amo. Walang nagawa si Jaden kundi ang ipahilot ang paa niya sa katulong nila manahimik lang ang Mommy niya.  Biglang napabilis ang paglalakad ni Ysa ng mapansin na hihilutin ni ate Marie ang paa ng amo nila. Mabilis siyang pumwesto sa may tabi ni Jaden. ''Arayyyy...'' Reklamo agad ni Jaden kahit hinahawakan palang ng katulong ang paa niya. Naghanap ito ng makakapitan at nahagip ang kamay niya ang kamay ni Ysa at doon siya mahigpit na humawak. Nabigla naman si Señora Beatrice at ang iba pang naroroon sa nakikitang posisyon ni Jaden at ni Ysa. May sumilay pa na ngiti sa labi si Señora Beatrice. Si Ysa ay hindi naman napansin ang mga mata ng mga tao sa paligid nila nasa magkawak na kamay na nila ni Jaden nakatingin hindi sa paa na hinihilot ni ate Marie. Sobra siyang nag-aalala sa nakikitang hitsura ni Jaden. Mukha talaga itong nasasaktan ng sobra. Halos matadyakan naman ni Jaden si ate Marie dahil sa sakit na nararamdaman niya. Mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni Ysa. Pakiramdam niya ay doon siya kumukuha ng lakas na tiisin ang sakit na nararamdaman. Nang matapos na hilutin ni ate Marie ang paa ni Jaden ay binilinan niya itong huwag monang babasain ang paa nito at huwag pwersahin na itapak mona. Naramdaman naman ni Jaden na nabawasan ang sakit matapos mahilot ang paa niya. Mukhang mabisa naman pala ang hilot ni ate Marie. ''Anak, wala ka pa bang balak bitawan ang kamay ni Ysa?'' May himig panunudyo sa boses ni Señora Beatrice. Biglang namula naman ang mukha ni Ysa ng mapansin ang pagkakahawak kamay nila ng amo. Hindi niya iyon pinagtuunan ng pansin kanina sa sobrang pag-aalala dito. Malaki nalang ang ipinagpasalamat niya at busy yata sa kusina ang Mama niya at hindi iyon nakita. Ngunit hiyang hiya siya kay Señora Beatrice.  Si Jaden ay parang napaso at binitawan si Ysa. Tinapunan pa ng naiinis na tingin ang mga tao sa paligid nila. Lalo at pare-parehong nanunudyo ang mga tingin ng mga ito sa kanila ni Ysa. *** ''BAKIT parang tuwang-tuwa ka ata riyan?'' puna ni Señor Rafael sa asawa. Nagtataka talaga siya sa ikinikilos ng asawa dahil imbes na mag-alala ito sa nangyari sa anak ay parang tuwang-tuwa pa ito. Iniabot ni Señora Beatrice ang bihisan ng asawa saka ngumiti rito. Hindi niya maintindihan parang kilig na kilig siya sa nakitang pagkakahawak kamay ng anak niya at ni Ysabel. Sa totoo lang ay kung sakaling si Ysabel ang gugustuhin ng anak niya na mapangasawa ay butong buto talaga siya. Baga man at hindi galing sa mayaman na pamilya si Ysabel at katulong lang nila sa bahay ang mag-ina ay hindi iyon hadlang para hindi niya ito magustohan para sa anak. Mabait na bata si Ysa at wala siyang maipipintas sa ugali nito.  ''Sweetheart, hindi mo na ako sinagot! Bakit para kang iwan diyan na nakangiti?'' Ikweninto ni Señora Beatrice sa asawa ang pangyayari kanina habang hinihilot ang paa ng anak nila. ''Sinasabi ko na ngaba at may iba ka pang dahilan kung bakit ginawa mong yaya ng anak mo ang kasing edad lang niya. Sa sobrang pagmamahal mong diyan sa anak mo ay pati ang mapapangasawa niya ay gusto mong kilalang kilala mo,'' Napapailing na wika ni Señor Rafael sa asawa. ''Hindi ko naman dinidiktahan ang anak mo na si Ysa ang gustohin niya. Pero syempre hindi mo maaalis sa akin na matuwa sa nakitang hitsura ng dalawa kanina.''  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD