CHAPTER 25

1145 Words

MAY MGA nagsasabi noon kay Anje na ang kasunod ng sobrang kasiyahan ay trahedya. Hindi siya masyadong naniniwala roon dati. Ngunit ngayon naniniwala na siya. Tama siya ng pakiramdam kagabi. Na kapag nagising siya kinabukasan ay para siyang magigising mula sa isang magandang panaginip. Hayun sa harap niya ang galit na galit na si Rob. Hayun ang pakiramdam na gustong bumaligtad ng sikmura niya sa tensiyon. “I can’t believe this! You really have to be in a scandal right before your world tour!” nanggigigil na sigaw ni Rob. Inihagis pa nito sa center table ang sangkaterbang tabloids na sa lakas ng impact ay napangiwi siya. Nagising si Anje sa malakas na pagtawag ni Rob sa pangalan niya kani-kanina lang. Hindi pa man niya ito nakikita alam niyang may malaking problema na siya ang may kagagawa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD