Chapter Three

1114 Words
PABALIKWAS na bumangon si Zee mula sa pagkakahiga nang magisingan niya ang hindi pamilyar na kwarto. Hindi niya maalala kung papaano siya napunta sa kwartong ito. Ang huli niyang natatandaan nang mag gabi na ay muli silang huminto para magpahinga at hindi niya namalayang nakatulog pala siya. Inalis niya ang kumot at umalis sa ibabaw ng kama. Dumiretso siya sa pinto at nang pihitin niya 'yon ay nagulat pa siyang nang hindi iyon naka lock. Ang lubos din niyang iniisip kung bakit hindi siya sa underground cell diniretso kundi dito sa magargong kwarto? Ano ba talaga ang pakay sa kanya ng lalaking 'yon? Hinila niya pabukas ang pinto at maingat na inihakbang ang hubad niyang mga paa palabas ng kwarto. Luminga-linga siya sa paligid bago muling naglakad. Nang makita niya ang hagdan ay maingat siyang bumaba roon. Ang laki ng bahay na ito pero walang katao-tao? "Buti gising ka na. Handa na ang umagahan." Napa piksi siya nang may magsalita sa kanyang likuran. Hindi na niya kailangang tanungin kung sino ang nagmamay-ari ng boses na 'yon. Marahan siyang pumihit paharap rito. He's just wearing a plain white t-shirt and a faded blue jeans. Simpleng tingnan pero mayroon pa rin 'yon dating sa kanya. Naaagaw din ng atensyon niya ang matitipuno nitong pangangatawan na humuhubog sa suot nitong manipis na damit. May hawak itong plato sa magkabilang kamay nito. "Follow me." Utos nito na nauna nang maglakad palabas sa garden. Inikot niya ang mga mata at walang salitang sinundan niya ito. Inilapag nito sa lamesa ang platong dala kuway tumingin sa kanya at sinenyasan siyang lumapit at maupo. Naguguluhang sumunod siya rito. Why he's being nice to her? She's a hunter and his enemy. Dapat pinapahirapan na siya nito ngayon, pero bakit kabaliktaran ang nangyayari? Ano ito, bubusugin muna siya bago kakainin? "Sit down." Anito na naupo sa kaharap niyang upuan. Pero nanatili lang siyang naka tayo. "I-I don't get it. Why are you doing this?" Puno ng kuryosidad na tanong niya. Tiim ang bagang na binitawan nito ang kubyertos at walang emosyo na nag-angat sa kanya ng tingin. Ang bilis magbago ng pagkatao nito. "I'm trying my best to treat you nicely. So woman, just do what I say. Do you understand?" He said between his teeth. Nakita niya ang mabilis na pagpalit ng kulay ng mga mata nito pero agad din 'yon bumalik sa dati. Hugot ang hiningang naupo siya sa kaharap nitong upuan at tahimik na kumain. Pero hindi niya maiwasang mailang sa minsang pagtitig nito sa kanya. "What's your name?" Maya'y tanong nito. "Zee..." "Zee.." ulit nito sa pangalan niya. "Stone." "A-ano?" Napa angat siya ng tingin rito. His deep blue eyes really captivated. "My name is Stone." Ulit nito. Ang puso niya at mabilis na tumahip. Dahil siguro sa takot. Hindi niya alam. Nagpauloy na ito sa pagkain. "Your age?" Lumunok muna siya bago sumagot. "Twenty five." "Thirty." Hindi ko naman tinatanong... Niya na minabuti na lang na isarili. Hindi alam ni Zee kung para saan ang pag-uusap nilang iyon. Marahil inaalam nito ang pagkatao niya. Pero sisiguraduhin niyang mag-iingat siya sa bawat isasagot niya. "Ilang taon ka naging hunter?" Muling tanong nito. Nagsimula na siyang magsalin ng pagkain sa plato niya. "Sumali ako noong seventeen palang ako." Noong panahong namatay ang kanyang pamilya, dahil walang awa silang pinantay ng mga Lycan. Nakita niya ang pagtiim bagang nito. "Do you know how much I wanted to hurt you right now?" Ramdam niya ang galit sa boses nito. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kubyertos at sinusubukang hindi ipahalata ang takot na nararamdaman niya ngayon. Pero ramdam na niya ang pagnginig ng kanyang kamay kaya itinago niya 'yon sa ilalim ng lamesa. Isa siyang hunter at pinatapang ng panahon kaya hindi dapat siya matakot rito. Pero iyon ang nararamdaman niya ngayon. Sinalubong niya ang nanlilisik nitong tingin. "Alam ko dahil pinatay ko ang mga kasamahan mo." Sagot niya na iniiwasang mapiyok. Tumango-tango ito. "Kung alam mo lang kung gaano ko pinipigilan ang sarili kong saktan ka ngayon. Ang taong marami ng pinatay na kauri ko at higit sa lahat ang mag-ina ko." He murmured. Mag-ina? May asawa't anak na siya at siya ang pumatay sa kanila? Ito din ba iyong sinabi nito noong unang gabi? Sila ba ang tinutukoy nito? Pero wala pa siyang natatandaan na may pinatay siyang bata. Napasinghap siya nang tumaob ang lamesa nang ihagis nito 'yon. Mabilis siyang tumayo habang habol ang kanyang hininga. Ito na ata ang kamatayan niya. "You killed my wife and my son!" Humakbang ito palapit sa kanya at sa isang iglap ay hawak na nito ang kanyang leeg. "Naghintay ako ng walong taon para lang makaharap kita at mapatay ng sarili kong mga kamay...at ngayon kaharap na kita, sisiguraduhin kong maghihirap ka!" Mariin siyang pumikit nang humigpit ang pagkakahawak nito sa leeg niya. Nauubusan na siya ng hangin at ano mang sandali tiyak maaaring wala na siyang buhay. Nangiwi siya. "H-hindi ako ang pumatay sa mag-ina mo... h-hindi sa'kin ang b-baril na 'yon." Aniya na hirap sa pagsasalita. "Liar!" Inihagis siya nito sa pader dahilan para mawasak 'yon. Hindi niya maigalaw ng katawan dahil sa sobrang sakit. Halos hindi na niya maramdaman ang sariling katawan at ang paningin niya ay onti-onti na rin nanlalabo. "H-hindi ko sila pinatay... hindi ako ng pumatay sa k-kanila." Iyon ang huling katagang nasabi niya bago siya lamunin ng kadiliman. . . . . . NAKATITIG lang si Stone kay Zee na hanggang ngayon ay wala pa ring malay. Buong araw na itong tulog at hanggang ngayon ay hindi pa nagigising. Walong taon niyang hinanap ang taong pumatay sa pamilya niya at sa kanyang mag-ina. Ang tanging nakita lang niyang palatandaan sa Hunter na 'yon ay ang De Chavez na naka ukit sa sniper gun nito at hawak iyon ng babaeng ito. Inalis niya ang tingin rito. Hindi dapat siya madala sa maamo nitong muka. Hindi din dapat siya maniwala sa sinabi nito na hindi ito ang pumatay sa kanyang mag-ina, dahil kung hindi ito, sino? Sino pa ang pwede niyang paghinalaan? Nakuyom niya ng kamao. Kung nais nitong makipaglaro puwes pagbibigyan niya ang larong gusto nito at sisiguraduhin niya na sa larong ito hindi siya ang matatalo. Tumayo siya at kuyom ang kamaong yumuko para bulungan ito. "You want a f*****g game?" Tumaas ang sulok ng labi niya. "Then let's play, Huntress. Can't wait to hear your voice begging for me." Aniya, kuway tumayo ng diretso. Pinukulan niya muna ito ng isang matalim na tingin bago nagpasyang lumabas na ng kwarto nito, baka hindi niya pa mapigilan ang sariling mapatay ito ng walang laban. Pero pinigilan niya ang sarili dahil hindi pa dito nagtatapos ang paghihirap nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD