MICHELLE's POV
Iritang-irita ako ngayon.
Iritang-irita ako sa pagmumukha ng kapatid ni Ian na si Yuki.
Iritang-irita ako sa sobrang kabaitang ipinapakita sa akin ng aking pinsang si Rannicia.
Iritang-irita ako kay Ian sa hindi nito pagtatanggol sa akin.
Nagsabi na ako kay Ian na mahal ko na ito. Pwedeng hindi totoo iyon, pero hindi naman nito alam na nagpapanggap lamang ako.
Hindi ba rapat ay nagpapakita na ng concern si Ian sa akin ngayon? Hindi ba rapat ay nag-aalala na ito sa pwede kong maramdaman? Hindi ba rapat ay maging sensitive na ito sa feelings ko?
Nagtapat ako ng aking nararamdaman para kay Ian at hindi iyon basta-bastang emosyon lamang. Pagmamahal iyon.
Kahit hindi iyon totoo, ipinaramdam ko naman kay Ian na mula sa aking puso ang lahat ng aking binigkas na mga salita rito.
Oo nga, pwedeng hindi lang gusto ni Ian na magduda ang asawa nitong si Rannicia kung halimbawang magpakita ito ng concern sa akin, pero hindi ko pa rin mapigilan ang aking sarili na mairita sa mga nangyayari.
Gusto kong kahit papaano ay may makita man lang akong progress sa pagitan namin ni Ian.
Kaninang umaga nang magkita kami ni Ian sa loob ng kusina ay nasilip ko ang pag-aalala sa mga mata nito. Gusto kong isipin na pag-aalala iyon para sa tingin nitong nararamdaman ko para rito.
Pero bakit iba ang mga ikinikilos ni Ian sa harapan ng asawa at kapatid nito?
Shocks.
Oo nga.
Tama.
Siguro ay talagang hindi lamang gusto ni Ian na magduda rito ang misis nito kung magpapakita ito ng pag-aalala para sa akin.
Bakit nga ba hindi ko agad naalala ang eksena sa pagitan namin ni Ian sa loob ng kusina kanina?
Oh, yes.
Iba ang ikinikilos ni Ian sa tuwing kaming dalawa lamang ang nasa loob ng isang kwarto kung ikukumpara sa ikinikilos nito kapag nasa harapan ito ng asawa at kapatid nito.
Napahaplos ako sa aking kaliwang dibdib. Bumuntung-hininga ako ng malalim. Pinapakalma ko ang aking sarili.
Bumulong ako sa hangin.
Michelle: Yes, Michelle. You're making a good progress. Effective ang bagong tactic ng iyong seduction kay Ian. You should be proud of yourself.
Sa oras na iyon ay medyo gumaan na ang aking pakiramdam.
Ngumiti ako sa harap ng malaking cheval mirror sa loob ng aking inookupang kwarto. Ngiti ng tagumpay.
Pahalang kong ibinagsak ang aking katawan sa ibabaw ng aking kama. Muli akong bumuntung-hininga ng malalim. Ang sarap sa pakiramdam na maisip na gumagana ang aking mga plano.
Michelle: Malapit na. Malapit na kitang maipaghiganti, Lola Fely.
Muli akong nakaramdam ng lungkot nang maalala ang aking Lola Fely.
Ang aking kawawang Lola Fely.
Kung hindi kami ipinagtabuyan at pinagsalitaan ng mga masasakit na salita ni Tita Melba nang araw na iyon ay hindi sana nagdamdam ang aking Lola Fely.
Melba: Karma ang nangyari sa ina mo. Kung hindi siya nagrebelde sa aming mga magulang, sana ay buhay pa siya ngayon. 'Yan ang nararapat sa kanya. At 'yan din ang mangyayari sa 'yo rahil kung ano ang puno ay siya ring bunga.
Tinakpan ko ang aking dalawang tainga.
Parang naririnig ko sa aking magkabilang tainga ang tinig ng boses ng aking Tita Melba.
Ang tinig ng boses ni Tita Melba na punung-puno ng panghahamak sa aming dalawa ni Lola Fely.
Melba: Ano bang itinutunganga mo riyan? Umalis ka na! Wala akong panahon sa 'yo at diyan sa matandang hukluban na kasama mo!
Ipinikit ko ang aking mga mata.
Malinaw na malinaw pa sa aking isipan kung paano ako at ang aking Lola Fely na ipinagtulakan ni Tita Melba mula sa labas ng gate ng kanilang malaking bahay.
Melba: 'Yan ang bagay sa mga hampaslupang katulad ninyo. Sinasayang ninyo ang oras ko!
Nagsimula nang tumulo ang mga luha mula sa aking mga mata.
Muli kong naalala kung paanong nanakit ang katawan ng aking Lola Fely matapos tumama ang katawan nito sa semento. Awang-awa ako sa kalagayan ng aking Lola Fely nang mga oras na iyon.
Bakit pati si Lola Fely ay kailangang madamay sa galit ni Tita Melba sa aking ina at ama?
Walang ginawang masama si Lola Fely kay Tita Melba.
Nang araw na iyon ay sobrang dinamdam ng aking Lola Fely ang mga sinabi ni Tita Melba sa aming dalawa.
Simula rin nang araw na iyon ay naging malulungkutin na ang aking Lola Fely. Bihira na ako nitong kausapin at kung minsan ay nakikita ko itong umiiyak sa tuwing nagpapahinga ito sa paborito nitong tumba-tumba.
Hanggang sa isang araw habang ako ay naglalako ng mga kakanin sa isang bayan sa aming probinsya ay humahangos na ibinalita sa akin ng isa sa aming mga kapitbahay na natagpuang walang buhay ang aking Lola Fely sa tabi ng isang liblib na kalsada sa kabilang bayan.
Base sa imbestigasyon ng mga pulis ay nasagasaan ng isang kotse ang aking Lola Fely habang parang wala sa sariling naglalakad ito sa kabilang bayan. Wala na ring buhay ang driver ng kotseng nakasagasa sa aking Lola Fely nang matagpuan ang mga ito ng mga taong nag-report ng insidente sa pulisya.
Pinahid ko ang mga luhang dumadaloy sa aking magkabilang pisngi.
Masakit.
Masakit pa rin sa pakiramdam sa tuwing naaalala ko kung paanong nasawi ang aking Lola Fely na punung-puno ng lungkot at hinanakit ang puso nito.
Muli na namang bumigat ang aking pakiramdam. Sa tuwing naaalala ko ang aking Lola Fely ay bumibigat ang aking pakiramdam.
Kailangan kong pagaanin ang aking pakiramdam para hindi ito maging dahilan sa pagkasira ng aking mga plano.
At isa lang ang taong aking naiisip na magpapagaan sa aking pakiramdam.
Si Renz.
Si Renz na kapitbahay at kaibigan ng mag-asawang Ian at Rannicia.
Si Renz na ginulo ang aking sistema matapos niyang iligtas ang aking buhay mula sa kapahamakan.
Si Renz na nagdulot ng parang boltahe ng kuryente sa aking buong sistema.
Si Renz na nami-miss ko na ang mga yakap sa akin.
Si Renz na siyang pinakamasarap sa lahat ng mga lalaking umangkin sa aking hiyas.
Si Renz na sa mga nakalipas na araw ay sigurado kong mahal ko na.
Mahal ko si Renz.
Oo, ang dating sinasabi kong hindi ko mapangalanang emosyon ay walang iba kundi ang aking pagmamahal para kay Renz.
Hindi ko gustong pangalanan iyon dati rahil alam kong magiging kahinaan ko iyon sa aking planong paghihiganti kay Tita Melba.
Marahil ay hindi ko rin gustong aminin iyon sa una rahil hindi pa ako sigurado sa aking damdamin na iyon para kay Renz. Ngunit habang tumatagal ay mas lalong sumisidhi iyon.
At sigurado akong hindi lang basta pagnanasa ang aking nararamdaman para kay Renz.
May pagnanasa rin naman akong nararamdaman para kay Ian, ngunit hindi ko nararamdaman para rito ang aking nararamdaman para kay Renz. Kaya nasisiguro ko sa aking sariling hindi lamang simpleng pagnanasa ang aking nararamdaman para kay Renz.
Iniibig ko si Renz.
Kaya naman bago dumating ang araw na sinimulan ko ang aking bagong taktika sa pang-aakit kay Ian ay nasiguro ko na sa aking sarili na mahal ko si Renz.
At tinatanggap ko sa aking sarili na iniibig ko si Renz.
Si Renz ang kauna-unahang lalaking nagpakita ng concern para sa akin.
Si Renz ang kauna-unahang lalaking nagligtas sa akin mula sa kapahamakan.
Si Renz ang kauna-unahang lalaking nagparadam sa akin na kahit papaano ay pwede akong tratuhin ng espesyal.
Ilang araw na kaming hindi nagkikita ni Renz mula nang aking gamutin ang galos sa kanyang siko na natamo niya nang iligtas niya ako mula sa muntik na pagkakabunggo sa akin ng isang malaking delivery truck.
Sinadya kong umiwas kay Renz nang mga nakalipas na araw para mas maging kapani-paniwala ang aking pagtatapat ng pagmamahal para kay Ian.
Nami-miss ko na ang mga pag-uusap namin ni Renz sa bakuran sa tuwing nakikita niya akong inaalagaan si baby Levi. Nami-miss ko na ang mga pagpapa-cute niya sa akin.
Nami-miss ko nang marinig ang tinig ng boses ng aking mahal na si Renz.
Kaya naman para gumaan ang aking pakiramdam ay agad kong inabot ang aking cellphone sa ibabaw ng bedside table at tinawagan si Renz.
Bigla na lang nangilid ang mga luha sa aking mga mata nang marinig ang malambing na tinig ng boses ni Renz mula sa kabilang linya.
Renz: Hello, Michelle.
Kinagat ko muna ang aking ibabang labi para hindi ako tuluyang mapaluha.
Na-miss ko si Renz.
Michelle: Hi, Renz.
Narinig kong masiglang tumawa si Renz mula sa kabilang linya.
Renz: I missed you and I still miss you. Hindi na natuloy 'yong date natin. Sabi ni Rannicia ay sobrang busy mo raw sa pag-aalaga kay baby Levi kaya marahil ay hindi mo nasasagot ang aking mga tawag at messages.
Hinayaan kong pumatak ang isang butil ng luha sa aking pisngi.
Michelle: Ah, oo. Oo, na-naging busy lang sa pag-aalaga kay baby Levi. Na-naging busy din sa pag-aayos at paglilinis ng bahay. Na-na-miss din kita.
Tuluyang gumaan ang aking pakiramdam nang muli kong marinig ang masiglang tawa ni Renz mula sa kabilang linya.
Renz: Ang sarap namang pakinggan niyon. Basta kapag hindi ka na busy ay sabihan mo lang ako, Michelle, para matuloy na iyong date natin. Mahirap kapag bata ang kaagaw sa atensyon ng isang magandang babaeng katulad mo.
Natawa at kinilig ako sa sinabi ni Renz.
Michelle: Sus. Nambola ka pa.
Narinig kong sumeryoso ang tinig ng boses ni Renz mula sa kabilang linya.
Renz: Trust me, Michelle. Ikaw ang pinakamagandang babaeng nasilayan ko sa aking buong buhay. Syempre maliban sa mother ko.
Sabay pa kaming tumawa ni Renz.
Tama nga ako na si Renz ang magpapagaan ng aking pakiramdam.
Michelle: Uhm, ku-kumusta na pala 'yong galos mo, Renz?
Nang muling nagsalita si Renz ay parang nai-imagine ko ang ngiti sa kanyang mga labi.
Renz: Ikaw, ah. Pansin ko ay parang masyado kang nagiging sweet sa akin. Baka masanay ako niyan? Pero gusto ko 'yan. Gustung-gusto.
Ako rin, Renz. Gustung-gusto kong maging sweet sa iyo.
Gusto kong isatinig iyon na sinabi ng aking isipan ngunit hindi ko magawa.
Renz: Anyway, magaling na 'yong galos. Magaling yata ang babaeng gumamot sa akin. Thanks, Michelle.
Ang sarap pakinggan ng aking pangalan sa tuwing babanggitin ito ni Renz.
Tumagal pa ang aming pag-uusap ni Renz nang ilang minuto bago ako nagpaalam sa kanya.
Masayang-masaya ang aking pakiramdam. Muli kong narinig ang tinig ng boses ni Renz.
Parang lumulutang pa ang aking pakiramdam nang marinig kong tumunog ang doorbell sa labas ng gate ng bahay. Mabilis akong lumabas mula sa aking inookupang kwarto at lumabas ng main entrance door.
Hindi marahil narinig nina Ian at Rannicia ang doorbell dahil busy ang mga ito sa pakikipagkwentuhan kay Yuki sa loob ng master's bedroom.
Pagkabukas ko ng gate ay nanlaki ang aking mga mata.
Kilala ko ang babaeng nasa labas ng gate. Ito ang misis ng mayamang lalaki na sugar daddy ng aking best friend na si Vina.
Kumunot ang noo ng babae pagkakita sa akin.
Babae: Hi. I'm Kimberly Millicent. I'm looking for Rannicia. I'm her best friend. She's residing here, right?
Bigla akong kinabahan.
Sana ay hindi alam ng Kimberly na ito na ako ang best friend ng kabit ng asawa nito.
Panibagong problema na naman ba ito?
----------
to be continued...