MICHELLE's POV Lumingon sa akin ang aking pinsang si Rannicia nang makita ako nitong nakalabas na mula sa aking inookupang kwarto at nakabihis na para sa aming pagkikita ng aking kaibigang si Vina ngayong araw. Araw ng Sabado kaya day off ko na naman mula sa pagbi-babysit sa anak nina Ian at Rannicia na si baby Levi. Tuwing weekend ay mas gusto ni Rannicia na naka-focus ang buong attention nito sa kanilang anak ni Ian. Ang araw din ng Sabado ang araw na madalas kaming nagkikita ng aking matalik na kaibigan na si Vina. Kumustahan, kwentuhan, food trip, panonood ng movies, shopping at kung anu-ano pang girl bonding. Si Vina na lang ang nag-iisang tao sa mundo na matatawag kong pamilya simula nang mawala ang aking Lola Fely. Kaya naman sa tuwing may pagkakataon ay nakikipagkita ako rito n

