CHAPTER 11

1620 Words
THIRD PERSON POV Dahil sa impit na ungol ni Michelle ay hindi na nakapagtimpi si Ian at tinawid ang pagitan ng mga labi nila ni Michelle para halikan ang babae, ngunit mabilis na iniwas ni Michelle ang mga labi niya at tumama sa kanyang kaliwang pisngi ang mga labi ni Ian. Ninamnam niya ng ilang segundo ang nakalapat na mga labi ni Ian sa kanyang pisngi. Ibinuka ni Ian ang bibig at tumama ang mainit na hininga nito sa pisngi ni Michelle. Malalalim ang ginagawang paghinga ng lalaki na nanatiling nakabuka ang bibig at ang mga labi ay nakadampi sa kaliwang pisngi ni Michelle. Gusto nitong abutin ang mga labi ni Michelle ngunit sapo ng babae ang mukha nito kaya kontrolado ni Michelle ang galaw ng ulo ng lalaki. Nahihirapan ang loob na muling nagsalita si Michelle. Michelle: Please, Ian. Hu-huwag mo akong pahirapan. Ka-kapag hinalikan mo ako, magkakasala tayong muli sa aking pinsan. Kay Rannicia. Nang marinig ang pangalan ng asawa ay biglang nanigas ang katawan ni Ian. Parang napasong biglang inalis ang pagkakakapit ng mga kamay nito sa baywang ni Michelle. Pero hindi hinayaan ni Michelle na makalayo si Ian sa kanya. Sapo pa rin niya sa dalawang palad ang mukha ni Ian. Sa pagkakataong iyon ay humarap nang muli si Michelle kay Ian. Hindi na muling sinubukang abutin ni Ian ang mga labi ng pinsan ng asawa, ngunit nanatili pa ring nakabuka ang mga bibig nito at sunud-sunod ang buga ng hangin. Damang-dama ni Michelle ang init ng hininga ni Ian na dumadampi sa kanyang mukha. Napapikit siya sa sobrang sensasyon. Nang muling magsalita si Michelle ay iminulat niya ang mga mata at idinikit niya ang kanyang noo sa noo ni Ian na naging dahilan para magdikit ang tungki ng kanilang mga ilong. Magkadikit ang kanilang mga noo at mga tungki ng ilong ngunit ingat na ingat si Michelle na huwag magdampi ang kanilang mga labi ni Ian. Michelle: Hindi mo alam kung gaano kahirap sa akin na kasama kita rito sa bahay na ito, nakikita araw-araw, naaamoy ang nakababaliw mong amoy gabi-gabi, ngunit wala akong magawa. Dahil wala akong karapatan sa iyo. Nanlalaki ang mga butas ng ilong ni Ian dahil sa pag-aalburuto ng pagnanasang nararamdaman nito para kay Michelle. Amoy na amoy nito ang mabangong hininga ni Michelle na tumatama sa mga labi at magkabilang pisngi nito. Gustung-gusto na nitong paghugpungin ang mga labi nilang dalawa ngunit ipinapaalala ng babae na isang malaking kasalanan kung tutugunan nila ang pagnanasa sa bawat isa. Umanggulo ang ulo ni Michelle na parang nakikipaghalikan ngunit ang kaibahan ay hindi magkalapat ang mga labi nila ni Ian. Nakabuka lang ang kanilang mga bibig at sunud-sunod ang buga ng hangin papasok sa bibig ng isa't isa. Tumagal iyon ng ilang segundo. Napapapikit sina Michelle at Ian sa sobrang sensasyon. Ilang beses nagbukas-sara ang mga palad ni Ian sa pagpipigil na hablutin ang baywang ni Michelle. Dahil tama ang babae. Mali kung may mangyayari sa kanila. Asawa nito si Rannicia at si Rannicia ay pinsan ni Michelle. Maya-maya ay inalis ni Michelle ang pagkakasapo ng kanyang mga kamay sa magkabilang pisngi ni Ian. Inilayo niya ang kanyang ulo mula rito ngunit sinubukang habulin ni Ian ang kanyang mukha na parang ikamamatay nito kapag itinigil niya ang pagpapasa ng hangin sa loob ng bibig nito. Muling iniwas niya ang mga labi at tumamang muli ang mga labi ni Ian sa kanyang pisngi. Sa pagkakataong iyon ay hinayaan ni Ian ang sariling dampian ng mga halik ang pisngi ni Michelle. Ninamnam ni Michelle ang mga mabibining halik ni Ian sa kanyang pisngi ng ilang sandali bago iniiwas ang mukha. Nahihirapang muling nagsalita si Michelle. Michelle: Ian, please... Hinawakan ni Michelle ang magkabilang braso ni Ian at inilayo ang katawan ng lalaki mula sa kanya. Michelle: Please, mahal kita, pero mas mahal ko ang sarili ko at ang pinsan ko. A-ayokong makasira ng pamilya, Ian. Hi-hindi kita pwedeng mahalin. Kahit hindi nakikita ni Ian ang mukha ni Michelle sa madilim na kusinang iyon ay dinig na dinig naman nito ang paghihirap sa tinig ng boses ng babae habang sinasabi ang mga salitang iyon. Michelle: I-I'm sorry. Iyon lang at tumalikod na si Michelle para lumabas ng kusina. Dire-diretsong pumasok siya sa kanyang kwarto habang naiwan sa kusina si Ian na naguguluhan sa mga bilis ng pangyayari. ---------- Sa loob ng kusina ng bahay ng mag-asawang Rannicia at Ian ay unti-unti nang naiintindihan ni Ian kung bakit nitong mga nakalipas na araw ay tumigil na si Michelle sa ginagawang pang-aakit sa kanya. Akala niya ay dahil kay Renz. Na nabaling na sa ibang lalaki ang atensyon nito. Ngunit iba pala ang dahilan. Mahal na siya ni Michelle. Mahal na siya ng pinsan ng kanyang asawa ngunit hindi nito pwedeng ipaglaban ang pagmamahal nito para sa kanya rahil may asawa na siya at pinsan pa nito. Sinubukan nitong pigilan ang sarili nitong mga nakalipas na araw, pero hindi nito kayang sikilin ang isinisigaw ng damdamin. Sinubukan nitong ibaling sa ibang lalaki ang atensyon, kay Renz na kaibigan at kapitbahay niya, ngunit hindi nito kayang lokohin ang sarili. Noong una marahil ay wala pang pagmamahal ito sa kanya kaya parang laro lang dito kung akitin siya nito sa mismong pamamahay nilang mag-asawa. Ngunit nang mahulog ang loob sa kanya, marahil ay natakot na rahil may feelings involved na. At alam nitong hindi niya masusuklian ang pagmamahal nito kaya sinubukang iwasan siya. Pero ang nangyari sa pagitan nilang dalawa at ang mga sinabi nito kanina ang mga matitibay na patunay na hindi madali para rito ang lokohin ang sarili. Napahilamos si Ian sa kanyang mukha. Hindi niya alam ang pinagdadaanan ni Michelle. Ang nahihirapan nitong damdamin dahil walang katugon ang pagmamahal nito para sa kanya. Silang dalawa ni Rannicia ay parehong nagmamahalan. Parehong may katugon ang damdamin nila para sa isa't isa, kaya wala siyang ideya kung gaano nahihirapan si Michelle ngayon. Hindi rin alam ni Ian kung gaano kahirap para kay Michelle ang hindi maipaglaban ang damdamin nito para sa kanya. Siya kasi ay buong tapang na ipinaglaban ang pagmamahal para kay Rannicia kahit hindi siya gusto ng ina nito para sa anak. Inilaban niya ang pagmamahalan nila ni Rannicia at ngayon nga ay masasabi na niyang maayos ang kanilang pamumuhay kasama ang anak na si baby Levi. Hanggang sa malaman ni Ian na mahal na siya ni Michelle. Oo, naiinis si Ian kay Michelle noong una rahil hindi niya gusto ang pang-aakit na ginagawa nito sa kanya. Naiinis siya rahil parang hindi nito iniisip na pamilyado siyang tao at asawa pa niya ang pinsan nito. Naiinis siya rahil parang walang respeto ito sa bisa ng kasal nilang mag-asawa. Naiinis siya rahil parang laro lang dito ang pang-aakit sa kanya sa mismong pamamahay pa man din nilang mag-asawa. Naiinis siya rahil parang hindi nito iniisip kung ano ang maaaring maging kapalit kapag bumigay siya sa mga pang-aakit nito na siyang nangyari nang isang beses at mabuti na lang at dumating ang kanyang asawa at napigilang mangyari ang isang malaking kasalanan kung nagkataon. Naiinis siya rahil parang pinaglalaruan siya nito nang biglang ibaling sa ibang lalaki ang atensyon. Ngunit nag-iba ang lahat sa ginawang pag-amin ni Michelle na mahal na nito si Ian. Ngayon ay nakita na ni Ian ang isang side ni Michelle. Na hindi naman pala ito ganoon ka-reckless kung ang damdamin na nito ang nakataya. Alam nitong hindi niya maaaring mahalin pabalik ito kaya naman tumigil na ito sa pang-aakit sa kanya at sinubukang palitan siya sa puso nito sa pamamagitan ni Renz. Ngunit hindi kayang pagsinungalingan ni Michelle ang sarili na tingin ni Ian ay isang nakakahangang katangian. Dahil maski siya ay hindi kailanman naisip na kaya niyang dayain ang sarili. At dito magsisimula ang problema. Ngayong nakita na ni Ian ang isang side ni Michelle, ang humane side, biglang nawala ang inis niya rito at napalitan ng simpatya. Alam niyang hindi niya kayang tugunan ang damdamin ni Michelle para sa kanya rahil mahal niya ang pinsan nito na asawa niya, pero hindi rin naman niya kayang saktan ito ng diretsahan. Hindi rin naman niya ito pwedeng paalisin ng bahay para hindi na mahirapan sa tuwing nakikita siya rahil magtataka ang asawa niyang si Rannicia. Nahihirapang mag-isip si Ian kung anong paraan ang gagawin para hindi na mahirapan si Michelle sa nararamdaman nito para sa kanya. Itinukod niya ang dalawang kamay sa gilid ng counter at humugot ng malalim na paghinga. Napatingin siya sa malaking bukol sa kanyang boxer briefs. Parang may gustong imungkahi ang kanyang naninigas na alaga na gawin niya para kay Michelle. Ipinilig ni Ian ang ulo. Hindi niya pwedeng haluan ng kahalayan ang damdamin ni Michelle para sa kanya. Pero hindi niya maitatangging naapektuhan siya sa nangyari sa kanilang dalawa ni Michelle kanina at ngayon habang nagmumuni-muni siya ay hindi man lang lumambot ang kanyang alaga. Tumingala si Ian at inihilamos ang isang palad sa mukha. Saka na muna siya ulit mag-iisip. ---------- Sa loob ng kwarto ni Michelle ay nakangisi siya sa harap ng sariling reflection sa salamin. Nakailang hair flip na siya habang kumakanta at pabirong itinuturo-turo ang sariling reflection. Michelle: Don't cha wish Rannicia was hot like me... Alam niya sa sariling successful ang pagsisimula ng panibago niyang taktika sa pang-aakit sa asawa ng kanyang pinsan. Sinabi niya kay Ian na mahal na niya ito kahit hindi naman totoo bilang parte ng kanyang planong paghihiganti. Mahal. Isang mukha ng lalaki ang biglang lumitaw sa kanyang isip. Si Renz. Bigla ay naging seryoso ang mukha ni Michelle sa harapan ng salamin. Huminga siya ng malalim. Michelle: Pangako, Renz. Oras na matapos ko ang aking misyon, ang nararamdaman ko para sa iyo naman ang iisipin ko. ---------- to be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD