MICHELLE's POV
Isang malaking ngiti ang sumilay sa aking mga labi matapos kong mabasa ang message na ipinadala sa akin ng aking best friend na si Vina.
Tulad nang napag-usapan namin ni Vina noon ay ginawa nga nito ang makipaglapit sa kaibigan ni Ian na si Denver na siyang isa rin sa mga tauhan ni Ian sa pagmamay-ari niyang talyer.
Madali lang naman ang gumawa ng alibi para magkaroon ng rason si Vina na makapunta sa talyer ni Ian dahil may sasakyan na ito na natanggap nito mula sa sugar Daddy nitong si Andrew Millicent na asawa ni Kimberly, ang best friend ng aking pinsan na si Rannicia.
Nang pumunta si Vina sa talyer ni Ian ay sinabi nitong may sira ang makina ng kotse nito at eksaktong si Denver ang inutusan ni Ian para asikasuhin ang problema sa sasakyan ng aking best friend.
Syempre, hindi na nag-aksaya pa ng panahon si Vina at nang araw ding iyon ay sinimulan niya ang panlalandi kay Denver. At tulad ng aking inaasahan ay kumagat si Denver sa panlalandi ni Vina.
Madali talagang makuha ang loob ng karamihan sa mga lalaki lalo pa nga at may maganda at seksing babae sa kanilang harapan.
At ang sumunod na mga araw matapos ang unang paglalandian nina Vina at Denver ay naging madali na para kay Vina ang maakit nang tuluyan si Denver.
Perfect!
Si Denver ang magsisilbing tulay para unti-unti akong mapalapit kay Ian at tuluyan na siyang bumigay sa aking alindog.
Ayon nga sa mensaheng ipinadala sa akin ni Vina kanina ay magkasintahan na silang dalawa ni Denver simula pa kagabi.
Medyo nagulat ako nang una kong mabasa ang mensahe ni Vina rahil ang alam ko ay patuloy pa rin naman ang pakikipagrelasyon nito sa sugar Daddy nitong si Andrew tapos ngayon ay boyfriend na nito si Denver.
Wala naman sa usapan namin ni Vina ang makipagrelasyon ito kay Denver. Ang sinabi ko lang dito ay makipaglapit ito kay Denver dahil alam kong magugustuhan iyon ni Denver base na rin sa kung paano ako titigan nito nang magpunta ako sa talyer noon.
Uhaw sa laman ng babae si Denver kaya hindi magiging mahirap para kay Vina ang makipaglapit dito. Hindi ko naman alam na may iba palang plano itong si Vina.
Oh, well. Mas okay na rin kung magkarelasyon sina Vina at Denver. At least, mas magiging matindi ang kapit at impluwensya ng aking best friend sa kaibigan ni Ian.
Maya-maya ay narinig kong nag-ring ang aking phone.
Hindi na ako nagulat nang makita kong si Vina ang tumatawag sa akin. Inaasahan ko na iyon.
Michelle: Hello. Excited, ah.
Napa-eye-roll na lang ako nang marinig kong malakas na tumitili si Vina mula sa kabilang linya.
Michelle: Ano ba, Vina? Mababasag na ang eardrum ko sa lakas ng mga tili mo. Oo na. Ikaw na ang mahaba ang buhok.
Hindi ko napigilang mapangiti nang magsimula nang magkwento si Vina.
Dinig na dinig ko ang kasiyahan sa tinig ng boses ni Vina mula sa kabilang linya.
Vina: Girl! Grabe! Ang hot ni Denver! May jowa na kong hot!
Parang gusto kong mainggit sa kasiyahang nararamdaman ni Vina ngayon.
Michelle: So, iko-congrats ba kita? Tandaan mo. Ako ang reason ng happiness mo ngayon.
Nang muling magsalita si Vina ay naroon ang sincerity sa tinig ng boses nito.
Vina: Hayun na nga. Kaya ako tumawag ay para magpasalamat sa iyo. Kasi kung hindi mo ako inutusang makipaglapit kay Denver, eh, hindi sana magiging kami ngayon.
Matapos sabihin ni Vina iyon ay bigla akong sumeryoso.
Michelle: Iyon nga pala ang gusto kong itanong sa 'yo, Vina.
Tumikhim muna ako bago nagpatuloy sa pagsasalita.
Michelle: 'Di ba wala naman sa usapan natin ang makipagrelasyon ka kay Denver? I mean, paano si Andrew?
Narinig ko ang malalim na pagbuntung-hininga ni Vina mula sa kabilang linya.
Vina: Girl, hindi ko naman in-expect na mahuhulog ang loob ko kay Denver sa maikling panahon ng paglalandian namin.
Narinig ko pang parang kinikilig na tumawa si Vina mula sa kabilang linya bago muling sumeryoso ang tinig ng boses nito nang ipagpatuloy ang sasabihin.
Vina: Ang kaso ay nahulog ako sa mga matatamis niyang mga salita. Hindi naman ako marupok, girl, pero kasi, alam mo 'yon, parang ang sincere ni Denver sa lahat ng mga sinasabi niya sa akin.
Pinigilan ko ang aking sarili na tumawa ng mapakla.
Hindi man lang ba naisip ni Vina na maaaring sanay na si Denver sa pambobola ng mga babae at binobola lamang nito ang aking kaibigan?
Michelle: Ang sa akin lang naman ay hindi kita gustong mapahamak kung sakaling malaman ito ni Andrew. At least kapag malapit lang kayo ni Denver sa isa't isa ay walang magiging problema.
Sandaling tumahimik si Vina mula sa kabilang linya bago muling nagsalita.
Vina: Huwag kang mag-alala, Michelle. Uunti-untiin ko ang pakikipaghiwalay kay Andrew at mag-iingat kami ni Denver.
Kumunot ang aking noo sa sinabing iyon ni Vina.
Michelle: A-alam ni Denver ang tungkol kay Andrew?
Humigpit ang aking pagkakahawak sa aking phone habang hinihintay ang magiging sagot ni Vina sa aking tanong.
Vina: A-ano kasi, Michelle, a-ayaw kong magsinungaling kay Denver.
Mariin akong napapikit matapos sabihin iyon ni Vina.
Alam na ni Denver ang tungkol sa relasyon ni Vina kay Andrew.
Kapag nalaman ni Denver na magkaibigan kaming dalawa ni Vina at si Andrew ay asawa ng best friend ng asawa ni Ian ay magiging malaking problema iyon kapag sinabi ni Denver kay Ian ang tungkol sa bagay na iyon.
Sana lang talaga ay maging maingat sina Vina at Denver hanggang sa araw na tuluyan nang makipagkalas si Vina kay Andrew.
Michelle: Okay. Nandiyan na 'yan. Wala na tayong magagawa. Sana lang talaga ay hindi masira ang mga plano ko, Vina.
Nagbuntung-hininga muna ako bago nagpatuloy sa pagsasalita.
Michelle: Maliban doon ay hindi ko rin gustong mapahamak ka sa mga kamay ni Andrew. Ako ang naglagay sa iyo sa sitwasyong ito at ayokong may mangyaring masama sa iyo.
Narinig kong tumawa si Vina mula sa kabilang linya.
Vina: Wow. Ang sweet naman ng kaibigan kong 'yan. Iha-hug talaga kita kapag nagkita tayo ulit.
Ngumiti akong hindi umabot sa aking mga mata.
Michelle: Seryoso ako, Vina. Nang mawala si Lola Fely ay wala na akong ibang itinuring na pamilya hanggang sa makilala kita sa company na pagmamay-ari ni Tita Melba.
Alam kong nakangiti si Vina nang muli itong magsalita mula sa kabilang linya.
Vina: Touched naman ako, girl. Ikaw din naman. Parang pamilya ka na sa akin. Pero mas matutuwa ako kung may magpapasaya na sa 'yong lalaki. 'Yong hindi katulad ng ex-boyfriends mo.
Bigla akong nalungkot sa sinabing iyon ni Vina.
May lalaki namang nagpapasaya sa akin ngayon.
Si Renz.
Ilang beses nang sinabi sa akin ni Renz na mahal ako nito at ganoon din naman ako rito.
Mahal ko si Renz. Mahal na mahal.
Ngunit hindi ko pa pwedeng ipaalam kay Renz kung gaano ko ito kamahal dahil hindi pa ito ang tamang panahon.
Hindi pa ako tapos sa aking misyong paghihiganti kay Tita Melba.
Pero oras na magtagumpay ako sa aking mga plano ay ipagsisigawan ko sa buong mundo kung gaano ko kamahal si Renz.
Sa tuwing lumilipas ang mga araw na hindi ko nakikita si Renz ay mas nami-miss ko ito at lalo akong nananabik dito.
Ngunit kailangan kong tiisin ang aking pangungulila kay Renz para tuluyan nang mawala ang galit sa aking puso. At mangyayari lamang iyon kapag nakapaghiganti na ako kay Tita Melba.
Gusto kong kapag inamin ko na kay Renz kung gaano ko ito kamahal ay wala nang galit sa aking puso at purong pagmamahal para kay Renz na lamang ang aking nararamdaman.
Michelle: One step at a time muna, girl. Huwag kang mag-alala. Darating din tayo riyan.
Maya-maya ay kung anu-ano na ang mga ikinukwento ni Vina pero ang karamihan sa mga iyon ay tungkol kay Denver.
Napag-usapan din namin ni Vina kung paano sisimulan ang gagawing pambubuyo ni Denver kay Ian na huwag na niyang pigilan ang kanyang sarili na tuluyan nang magpalamon sa tukso kasama ako.
Sana naman ay bumigay na si Ian this time around para umusad na ako sa aking mga plano rahil gustung-gusto ko nang pagtuunan ng atensyon ang aking love life.
Gusto ko nang maranasan ang maging girlfriend ni Renz.
----------
THIRD PERSON POV
Gigil na gigil si Jerome habang pinipirmahan ang tsekeng iaabot niya kay Vina.
Napuno ng guilt ang buong sistema ni Jerome matapos ang nangyaring pagtatalik sa pagitan nilang dalawa ni Vina.
Dahil sa wala nang nangyayaring aksyon sa kama sa pagitan ni Jerome at ng kanyang asawang si Melba ay naging madali para kay Jerome ang bumigay sa tukso.
Noong una ay nagulat pa si Jerome sa ipinapakitang interes sa kanya ng isa sa mga empleyado ng company ng kanyang asawa ngunit nang masigurong inaakit siya ni Vina ay hindi man lamang nagpakita ng resistance si Jerome.
Sa katunayan ay nag-boost pa ang ego ni Jerome nang ma-realize na ang isang maganda at seksing babaeng katulad ni Vina ay nagpapakita ng motibo sa kanya.
Idagdag pa ang naipong init sa sistema ni Jerome na hindi na natutugunan ng kanyang asawa kaya walang pag-aalinlangang sumama si Jerome kay Vina sa isang hotel room.
Ngunit nang tuluyan nang makaraos si Jerome kasama si Vina sa ibabaw ng hotel bed ay unti-unting lumukob sa buong sistema ni Jerome ang guilt dahil iyon ang unang beses na nagtaksil siya sa kanyang misis na si Melba sa maraming taon ng kanilang pagsasama.
Mahal ni Jerome si Melba at para lamang sa panandaliang sarap ay kinalimutan niya ang kanyang sinumpaang pangako sa harap ng altar nang araw na ikasal sila ni Melba.
At ngayon nga ay bina-blackmail si Jerome ng kanyang empleyadong si Vina na sasabihin nito sa kanyang asawa ang nangyari sa kanila kung hindi niya ito bibigyan ng halagang hinihingi nito.
Naiinis si Jerome sa kanyang sarili rahil siya ang may kasalanan kung bakit naroon siya sa sitwasyong iyon ngayon.
Nang maiabot na ni Jerome kay Vina ang tseke ay eksaheradong hinalikan nito ang hawak na tseke.
Vina: Hindi ka naman pala mahirap na kausap, Mr. Covalier. Kung ganito nang ganito palagi ay magkakasundo tayo at maaasahan mong mananatiling tikom ang aking bibig.
Ginawaran ni Vina ng isang malanding ngiti si Jerome.
Vina: Pero ang bibig ko sa ibaba ay hindi mananatiling tikom kung gusto mong ulitin ang ginawa natin. Pero, syempre, if the price is right.
Nakakalokong tumawa si Vina bago tumalikod at naglakad palabas ng malawak at malaking opisina ni Jerome.
Nag-hair flip pa si Vina bago tuluyang lumabas ng pinto habang si Jerome ay ikinuyom ang kanyang mga palad dahil sa sobrang galit na kanyang nararamdaman.
----------
Hawak ni Ian ang kaliwang kamay ng kanyang asawang si Rannicia gamit ang kanyang kanang kamay at hinahalik-halikan ito habang ang kanyang kaliwang kamay ay nagmamaneho.
Naisipan ni Ian na sunduin si Rannicia mula sa pinagtatrabahuan nitong boutique shop para kumain sila sa labas.
Matagal-tagal na rin mula nang huling kumain sa labas sina Ian at Rannicia na silang dalawa lamang kaya naman naisipan ni Ian na sorpresahin ang kanyang asawa.
Ngunit may isa pang rason si Ian kung bakit naisipan niyang i-treat ang kanyang asawa ngayong gabi.
Iyon ay dahil sa guilt na nararamdaman ni Ian matapos nang nangyaring halikan sa kanilang dalawa ni Michelle noong araw na maiwan silang dalawa sa loob ng bahay ni Ian at ng kanyang asawang si Rannicia.
Hindi na naman napigilan ni Ian ang kanyang sariling mahulog sa tukso nang makita niyang pinaglalaruan ng pinsan ni Rannicia na si Michelle ang sarili nito at iniuungol nito ang kanyang pangalan sa loob ng kwartong inookupa nito.
Naging malakas ang loob ni Ian na bumigay sa tukso rahil alam niyang silang dalawa lamang ni Michelle ang nasa loob ng bahay nang araw na iyon.
Si Ian pa mismo ang lumapit sa kama ni Michelle para hatakin ang katawan nito at kuyumusin ng halik ang mga labi nito.
At dahil alam ni Ian na mahal na siya ni Michelle kaya hindi na siya nagulat nang tugunan nito ang kanyang mga halik.
Halos libutin nina Ian at Michelle ang bawat parte ng bahay habang magkahugpong ang kanilang mga labi. Walang gustong magpatalo sa labanan ng kanilang mga dila.
Mabuti na lamang ay nagising mula sa labis na pagnanasa si Ian nang marinig ang pagpihit ng doorknob ng kwarto nila ni Rannicia nang buksan iyon ni Michelle habang nasa loob ng bibig nito ang kanyang dila.
Malakas na itinulak ni Ian si Michelle nang ma-realize na nasa bungad na silang dalawa ng kanyang kwarto at ng kanyang misis.
Nakita ni Ian ang pagkagulat at lungkot sa mga mata ni Michelle dahil sa ginawa niyang pagtulak dito.
Nakaramdam ng inis sa kanyang sarili si Ian dahil siya itong bigla na lamang pumasok sa loob ng kwarto ni Michelle at siya pa ang nag-initiate ng kanilang paghahalikan at pagkatapos ay itutulak niya ito na parang kasalanan nito ang nangyari.
Gustong magalit ni Ian sa kanyang sarili nang mga sandaling iyon dahil parang sinasamantala pa niya ang pagmamahal ni Michelle para sa kanya para lamang mapagbigyan ang kanyang pagnanasa rito.
Tandang-tanda pa ni Ian ang kanyang sinabi kay Michelle matapos niyang marinig na humingi ito ng paumanhin sa kanya.
Ian: Ssshhh. Wala kang kasalanan, Michelle, okay? Ako rapat ang umiwas. Hindi ba at ikaw na ang umiiwas sa akin, pero tingnan mo ang ginawa ko. Ako itong may asawa, pero ako itong hindi nakapag-iisip ng tama.
Humigpit ang pagkakahawak ni Ian sa kaliwang kamay ni Rannicia at kinintalan ito ng mabining halik.
Sandaling nilingon ni Ian si Rannicia na ngayon ay nakangiting nakatitig sa kanya.
Ian: Mahal na mahal kita, hon. Lagi mong tatandaan 'yan.
Matapos sabihin iyon ay muling ibinalik ni Ian ang kanyang atensyon sa pagmamaneho at masuyong pinisil ang hawak niyang kamay ni Rannicia.
Patawarin mo ako, Rannicia. Naging mahina ako sa tukso.
----------
to be continued...