DEBBIE'POV "SINABI mo talaga iyon?" gulat na tanong ni Ling sa akin. Kinuwento ko kasi sa kaniya iyong nangyari noong biyernes. Lalo na ang naging sagutan namin ni Chadie sa parking. Lagi naman kami nagsasagutan pero parang ngayon lang ako nakonsensya, aminado naman kasi ako na parang sumobra talaga ang bunganga ko. Nakakainis naman kasi siya! Paulit-ulit puro pa siya ang sungit ko. Paanong hindi ako magsusungit ang lakas niya mang-asar. "Oo, pero hindi ko naman sinasadya," halos pabulong na sabi ko. Nahihiya kasi talaga ako sa mga pinagsasabi ko. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin kapag nagkita kami ulit sa university. Hindi naman p'wede iwasan ko siya, bestfriend siya ng kaibigan ko. "Pinsan kita, ha? Pero parang ang harsh mo naman kay Chadie." Napakamot na ako ng ulo

