BIT-BIT ang mga grocery na binili ko, dumaan muna ako sa malapit na convenient store. Kaagad akong pumunta sa estante ng mga magazine. Mabilis ko namang nakita ang pakay ko. Isang piraso na lang ang natitira, nagdadalawang-isip pa ako kung kukunin ko ba o hindi. Laging siya na lang ba ang laman ng magazine? Paano ko makukuha ang mga impormasyon tungkol sa Rodolfo na 'yon kung anak lang naman niya ang laging laman ng mga magazine na 'to. "Miss, kukunin mo ba?" Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nakaturo siya sa natitirang kopya ng magazine. Tumango ako. "Oo, eh." Mabilis kong kinuha 'yong natitirang kopya. Kita ko naman ang panghihinayang sa mukha niya. "Sayang naman, guwapo pa naman ni Liam Buenavista sa magazine na 'yan," narinig ko pang sabi ng babae. "Oo nga, eh. Ha

