MAAGA akong gumising ngayon kasi, ewan ko rin? Basta nagising lang ako ng sobrang aga tapos naisip kong magluto ng mga almusal. Sige na nga, magsasabi na ako ng totoo! Gumising talaga ako ng maaga para magluto ng almusal at baon namin ni Debs. Hindi lang iyon, naisip ko kasing pagbaunan din ng pagkain iyong lalaking lumigtas sa akin mula sa sampal ni Ellaine. Si Shance, ang mapang-asar at buraot na best friend ni Fe. Pero alam niyo, pagkatapos ng ginawa niya kahapon parang bumait ng konti ang tingin ko sa kaniya, narealize ko na okay din naman pala siya. Lalo na nang magkuwento siya sa akin tungkol sa pamilya niya? Gumaan pakiramdam ko talaga. Para akong nagkaroon ng bagong kaibigan pero lalaki naman. Basta! Kaya lulutuan ko na siya para na rin sa paghatid at sundo niya sa akin

