17

1815 Words

DEBBIE'POV MADILIM na nang magising ako. Kaagad akong bumangon para magsaing, at konting linis kahit nakapaglinis na ako bago matulog kanina. Eksakto naman ng may kumatok sa pinto. Inaasahan ko ng si Ling iyon, mauuna kasi ang uwi niya kesa kay tita Linda. Hindi nga ako nagkamali nang buksan ko ang pinto. Nakangiting mukha niya ang bumungad sa akin. "Creepy mo naman," sambit ko. Para kasing tanga iyong ngiti niya, nakakatakot. "Grabe ang sama," sagot naman nito. "Bakit kasi ganiyan mukha mo? Pumasok kana nga." Tumalikod na ako sa kaniya at papasok na sana ng kuwarto. "May kasama ako Debs." Napalingon naman ako sa kaniya. "Sino?" nagtatakang tanong ko. May sumulpot naman sa likod niya. "Hello Debbie." "Felienne?" gulat na tanong ko. Ngumiti naman siya. "The only one.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD