Fifty

2366 Words

"Tine, gising!" yugyog ng kung sino sa akin. Nagtakip naman ako ng unan sa mukha, "Bakit ba?!" sigaw ko rito. "Bumangon kana!" yugyog ulit nito. Ang sarap manapak ngayong umaga. Kahit inaantok pa ako, dinilat ko na 'yong mga mata ko. Pagkatapos ay tinignan ng masama ang kanina pa yugyog ng yugyog sa akin! "Ano ba Brie? Ang aga mo naman mang-trip. Inaantok pa ako!" "Kadiri ka naman, laway mo!" nandidiri pa siyang lumayo sa akin. Pinunasan ko naman 'yong gilid ng labi ko, "Bakit ba kasi Brie? Wala akong pagkai--" "Andito si papu." pagpuputol nito sa akin. Napabangon naman ako agad, feeling ko nawala 'yong antok ko. Grabe may phobia na 'ata ako sa word na 'papu' ang lakas ng kabog ng dibdib ko. "Si papu? Teka, bakit? Anong meron?" sunod-sunod na tanong ko. "Hindi ko alam.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD