DEBBIE'POV "MATAGAL ka pa ba, Debs?" pang-isang milyong tanong na ni Ling sa akin iyan. Nag-aayos pa kasi ako habang siya nakaupo sa higaan ko at nakatutok sa cellphone niya. Kachat na naman siguro si Shamoon. May Shance na tapos may Shamoon pa? Edi sana dalawa ang puso mo. "Kalma ka nga muna, natataranta ako sa pagmamadali mo," sagot ko ng hindi siya nililingon. "Syempre excited na ako makapunta ulit sa bahay nila Fe, ang tagal na kaya nang huli nating punta roon." Nilingon ko siya. "Baka iniisip mo mamasyal tayo roon? Maglilinis tayo, ha? Hindi magbobonding o ano," paalala ko sa kaniya. "Kill joy mo naman, Debs. Malamang maglilinis muna tayo bago magbonding, tutulungan naman kita." Kumindat pa talaga. "Talaga lang, ha? Siguraduhin mo lang, Ling. Teka nga, nagpaalam ka ba

