Tinignan ko muna 'yong sarili ko sa salamin. Bakit pakiramdam ko tumaba ako? nakakataba na pala ang stress. Nakasuot ako ng one piece ngayon, nakalkal ko 'to habang nagliligpit ako ng gamit kanina. Nilagay siguro ni tita sa maleta ko, mukhang nagamit na nga, eh. Kung hindi lang ako swimming na swimming, hindi ko 'to gagamitin. "Check na siguro 'to?" umikot pa ako sa malaking salamin sa harap ko. Medyo tumuwad pa ako para silipin ang dapat silipin. Madilim naman na kaya ligtas ang aking kuyukot, HAHAHA. Nagsuot muna ako ng t-shirt at short. Nakita ko pa si Meye na kakapasok lang galing sa veranda, nagpahangin siguro. Hindi na ako nagpaalam sa kaniya dahil naiilang pa rin ako. Magpapasama pa nga sana siya sa akin sa seven eleven kanina kaya lang hindi ko pinansin. Kaya niya namang

