SHANCE'POV "PLEASE, sana naman makatulog na ako ng maayos dito ngayon," sambit ko nang makarating ako sa garden ng university. Nilibot ko pa iyong paningin ko sa paligid. I am glad na ako lang ang nandito, no one will disturb me. Hindi kasi nakatulog kagabi after nang mga nangyari sa mall. I can't believe na iisang tao lang sina Ling at Linggu. Kapag naalala ko iyong mga messages namin sa isat-isa, natatawa na lang ako. Tapos iyong mga pang-iinsulto na sinabi ko noon sa lalaking tinutukoy niya na ako pala? I was going to close my eyes nang mapadilat ako sa sakit dahil may tumapak sa paa ko. "What the heck! Natutulog iyong—" Hindi ko na natuloy iyong sasabihin ko nang makilala kung sino ito. "S-Shamo— Mali! Shance?" Nakatingin na tanong ni Ling sa akin. Nakahiga kasi ako

