FELIENNE'POV HINDI pa kami nakakalabas ng building pero tanaw na namin iyong dalawang lalaking nag-aantay sa harap nito. Sino pa ba? Edi iyong dalawang best friend kong sina Chadie and Shance. "Iyong sundo mo andiyan." I teased Debbie. Sinundot ko pa siya sa tagiliran niya. "Sira. Hindi lang naman ako, tayong dalawa kaya iyong sinusundo." Halata sa kaniya ang pagpipigil na huwag ngumiti. Someone is really in love na talaga. Hanggang makalalabas na kami sa kanilang dalawa. Syempre, lumapit na kaagad si Chadie sa kaniyang minamahal. Sa akin naman lumapit si Shance at inakbayan ako. "Sup, Felienne!" "Maganda pa ako sa gabi mo," confident naman na sabi ko pero hindi ako pinansin. Humarap lang siya kay Debbie. "Good evening, Debbie." "Good evening din, Shance," nakangiting b

