DEBBIE'POV KASALUKUYAN kaming nasa mall ngayon. Nagkaroon na naman kasi ng suprise visit sa bahay kanina. Kasama ni Ling si Fe kanina nang umuwi siya sa bahay at nag-aaya mag shopping. Minadali pa ako ng mga loka, hindi tuloy ako nakabihis ng maayos. Baka raw kasi magsara na ang mall, hapon pa lang magsasara na? Excited lang talaga sila lalo na itong pinsan ko na ang lapad ng ngiti ngayon. Nag-aya kasi si Fe na pumuntang mall, bibilhan niya raw ako ng mga kailangan ko sa lunes. Biyernes na kasi ngayon, dalawang araw na lang papasok na ako sa university na pinapasukan nila. "Get everything you want, treat ko." "Nakakahiya naman Fe," sambit ko. "Para ka namang others, Debs. Buti pa si Ling excited sa shopping natin." "Makapal mukha niyan, e'." "Hindi lang ako tumatanggi sa

