THE VAMPIRE'S FLOWER

695 Words
Nagmamadali ang isang dalaga sa pagpasok sa flowershop and garden dahil malalate na siya habang may kausap ito sa phone. Sa kakatingin sa kanyang relo sa kanyang bisig ay nakabangga siya ng isang lalaking nakasunglass ng itim. "Ay!! sori hindi ko sinasadya nagmamadali po kasi ako" natatarantang wika ng babae sa lalaking nabangga niya. Hindi tuminag ang lalaki at tila may inamoy sa kanya. Nagtaka man ay binalewala ng babae ang kakatwang ikinilos ng nabangga. Tiningnan lang ito ng babae at lumayo na ito dahil malalate na talaga siya. "Late ka na naman shasha" bungad sa kanya ng kanyang amo. "Sorry po" nahihiya niyang sagot. "Sige na umayos ka na at magtrabaho" utos sa kanya ni Mr. Gomez. Tumango siya at nagsimula ng magtrabaho. Napakarami ng orders sa kanila ngayon kaya double time sila. "Shasha pakideliver itong dalawang boquet ng rosas kay Mr. Jimenez nasa card na ang address" maya mayay utos ng kanilang amo sa kanya. Agad siyang tumalima at kinuha ang order na mga bulaklak. Sumakay siya sa motor para ideliver iyun oo marunong siyang magdrive pero hanggang motor lang iyun. Medyo malayo ang address kaya nahirapan siyang hanapin yun. Nakatayo siya sa isang building na may sampung palapag. Medyo nangilabot siya dahil ang mga bantay ay puro nakaitim at itim din ang kanilang mga antipara sa mata. Huminga muna siya bago pumasok sa building hinarang siya ng limang guwardiya. "Miss anong sadya nila?" Tanong ng isa hindi niya alam kung bakit parang galing sa loob ng balon ang tinig nito. Tiningnan niya ito ngunit hindi niya makita ang mga mata nito. Suminghot si Delmore na parang may naamoy siya. Ang amoy na iyun...parang naamoy lang niya kanina? Mabilis niyang binalikan ang ginawa niya kanina nakita niyang may nakabanggaan siyang babae na ng magkadikit sila ay may naamoy siyang kakaiba dito. Mabango ito para sa kanya hindi amoy ng isang pagkain na ngayon niya lang naamoy. Tinawag niya ang dalawang kasama niya sa isang iglap nasa harap na niya ang mga ito. "That girl...she's here" wika nito at agad nawala ang dalawa. "Ihahatid ko lang po itong order ni Mr. Jimenez" sagot ni Natasha sa guwardiya. Tiningnan siya ng isa pa at inamoy. Naiilang naman ang dalaga dahil parang wirdo ang mga iyun. "Papasukin siya" narinig niyang may nagsabi nagulat siya dahil may isang lalaki na nakatayo sa gilid nila samantalang ang mga nasa harapan niya lang ang meron dun kanina. "Ahhh...ibibigay ko lang po sana itong order ni Mr. Jimenez" ninenerbiyos niyang baling sa lalaking naroon. Inamoy siya nito ng makalapit. Tiningnan niya ang lima binuksan ang maindoor ng building. Pumasok ang dalaga kahit kinakabahan. Lumunok lunok siya ng makitang lahat ng naroon ay nakadamit ng black parang nagsitayuan ang kanyang mga balahibo sa nakita. "This way please" untag sa kanya ng lalaking kasama niya. Nag-aalinlangan man ay sumunod siya dito. Tinungo nila ang second floor napakalaking nag-iisang opisina ang nandun. Bumukas ang pintuan. "Narito na ang order mo More" anang ng lalaki. Nakatalikod kasi ang tinawag humarap ito sa kanila. Napanganga si Shasha ng makilala ito. Ito ang lalaking nabangga niya kanina!ani nito sa kanyang sarili. "Exactly Miss" biglang sabi nito. Nagulat siya. Nakakabada ba ito ng isip? Ani parinniya sa kanyang isipan. Tinitigan siya ng lalaki maganda naman ang mga mata nito kaya lang parang maputla. "Ahhhh...order niyo nga pala"naalala niyang sabi saka inabot ang mga bulaklak. Kinuha ng lalaking kasama ang mga iyun ibinigay naman ni Mr. Jimenez ang bayad. Kinuha niya agad iyun at nagpaalam na para kasing nagsisitayuan ang kanyang mga balahibo habang nandun siya. Mabilis siyang lumabas sa building na yun habang hawak hawak niya ang kanyang dibdib bigla kasing sumikip iyun at kumirot. Tumigil siya saglit bago umangkas sa motorsiklo hinintay niyang maalis ang kirot nun. Pinaandar niya ang kanyang sasakyan at tuluyan ng lumayo doon hindi napansin ang isang anino na sumunod sa kanya. "Sundan mo siya Dylan at bantayan may kakaiba siyang amoy" utos ni Delmore kay Dylan mabilis tumalima ito at agad naglaho. Sino ang babaeng iyun at bakit kakaiba siya ng amoy sa lahat ng mga mortal na nakakasalamuha nila sa araw araw?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD