FLAME MORJIANA LAVISTRE
Ilang linggo na ng matapos ang gulo sa bar na iyon. Ngayon binawi na ng Santos na yun ang unang niyang statement.
Kahit naman hindi niya gawin at kung kami naman ay sisihin ng mga tao wala na rin magbabago. Masama na kami yun na yun.
At wala sa plano ko na baguhin yun. Narinig ko ang mahinang katok mula sa opisina ko.
"Come in." wika ko. At agad naman itong bumukas.
"Miss. Flame. May bisita po kayo papasukin ko ba?" tanong nito. Kaya nag angat ako ng tingin.
"Sige." pag payag ko. Lumabas ito at pag balik ng secretary kong si Celeste kasama na nito si Lucas. Kaya mabilis nag salubong ang kilay ko.
"Anong kailangan mo Mr. Ricafort?" diretso kong tanong. Ayoko na nasa paligid ko ang taong ito.
"Ah gusto lang sana kita kamustahin?" naka ngiti nitong sagot. That's smile he have i hate it.
"I'm fine. You don't have to worry about it. You need anything?" tanong ko ulit dito. Nanatiling walang emosyon ang tingin ko dito.
"Dederetsuhin na kita. Gusto kita ayain ng dinner sa bahay namin? If it's okay to you?" tanong nito. Dito na ako nag bigay ng emotion, pag ka irita.
"Why? it's all about business?" tanong ko dito pabalik.
"Ahmm nah. Just i want to know more about you." he said.
"No thanks." Pagtanggi ko. Nakita ko naman si Celeste na napa takip ng bibig.
"Please kahit ngayon lang." nagulat ako ng bigla itong nag sabi ng please'.
"Please Mr. Ricafort marami akong trabaho you can go. Celeste, paki hatid si Mr. Ricafort ng maayos." utos ko. Tumayo na at mabilis akong nag tungo sa cr ng opisina ko at doon nag tago.
Hindi talaga maganda ang kutob ko taong yun. Pakiramdam ko, lumalapit sakin ang sarili kong hukay. Napa buntong hininga na lang ako at muling lumabas.
Naabutan ko si kuya Thunder. Naka upo ito sa aking sariling swivel chair.
"Kailangan mo na paalisin ang lalaking yun sa buhay mo. Bago pa lumala ang lahat Flame." wika ni kuya Thunder. Naupo naman ako sa single sofa patalikod sa office table ko.
"I know. Soon.." sagot ko at pinikit ko muna mata ko bago ulit mag salita.
"Hayaan mo muna siya kuya." muling sabi ko at narinig ko na lang tunog ng sapatos nito na palapit sa'kin.
"Kaya mo ba labanan ang obsession niya sayo? You already know about that right?" tanong nito kaya naman tiningnan ko na siya.
"Kaya kuya. Kung hindi madali lang naman siyang tapusin." sagot ko. Umiling lang ito at nag paalam na rin.
Dahil tapos na ako sa trabaho ko naisipan ko ng umuwi na lang muna. Habang nasa elevator ako may na tanggap akong message galing kay Mika. Na kailangan kong pumunta sa UG. Kaya naman doon muna ang sunod na punta ko.
Pagdating ko sa Underground Parking agad akong sumakay sa kotse ko at pinaharurot ito patungo sa UG ng mabilis.
Hindi naman nag tagal nakarating na ako. Nang maiparada ko ang sasakyan ko sa labas mabilis din akong bumaba at naglalakad papasok..
"Mika ano yung text mo sa'kin?" bungad na tanong ko ng makapasok ako. Agad itong sumalubong sakin.
"Boss. Ito po kasi minamarkahan na ng mga Montelivano ang Teritoryo na ito. Tapos ito pa po ang malala, gumawa po sila ng statement sa tv na kayo daw po ang may pakana ng mga ilegal na gawain sa bar na yun." pinakita niya sa'kin ang lahat ng information na sinasabi niya at pati na rin ang sinasabing statement.
Meron din itong public conference.
"Live 'to? Saan?" sunod sunod kong tanong.
"Sa bahay po mismo ng mga Montelivano." sagot nito. Agad kong binigay sa kanya ang iPad at umalis na ako ng walang pasabi.
Narinig ko pa ang pag tawag nito pero hindi ko na ito pinansin. Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan ko patungo doon.
Agad akong nakarating. Ayaw pa ako papasukin ng guard sa main entrance dahil Private subdivision ito at trabaho nila yun. Pero dinaan ko na ito sa santong paspasan. Tinutok ko ang b*ril sa kanya kaya wala siyang nagawa kundi pag buksan ako.
Dumeretso ako sa gate ng mansion ng mga Montelivano at bumaba ng sasakyan ko. Wala akong pakialam sa mga reporter. Aanhin ng T.O.P kung hindi namin ito kayang gawan ng paraan.
"Mika, do your job." makahulugan kong sabi dito
"Alright boss!" rinig kong sagot nito. Kinuha ko ang dalawang b*ril ko. Agad akong nag lakad papasok ng gate ng mansion.
Tinaas ako ang isang b*ril ko at nag paputok na kina yuko ng lahat ng tao. Tinutok ko naman ito sa mga Montelivano na naka yuko din.
"Subukan niyo akong paputukan. . . Tandaan niyo ito! Between the two Mafia's kayo ang mas matatakot kapag gumanti na kami. This is not a threat isa lang itong babala, tumigil kayo sa panghihimasok sa gulo ng DCN kung ayaw niyo kayo naman ang ilubog ko sa kahihiyan." malamig kong sabi at pinag babar*l ang tauhan nilang naka porma para b*rilin din ako.
"Wala akong pakialam sa inyo mga Montelivano at Dark Organization. Pero tandaan niyo isang utos ko lang sakin na ulit ang D.O!" banta ko at tumalikod na.
"Hay*p ka mag babayad ka! Ako mismo p----" nilingon ko si Daniel isa sa mga Montelivano.
"Do it! Maghihintay ako.." i cut him. Tapos pumasok na ako sa sasakyan ko agad akong umatras at umuwi na lang.
Ganito ang Dark Organization. Mahilig sila sa publicity mas lalo kapag alam nilang pwede silang mabuko. At mga ganitong pangyayari. Gagamitin nila iyon at sinasadyang isisi sa iba, o kaya naman ituturo ang iba.
Hindi na bago yun sakin. Sanayan na lang ika nga nila. Mabilis kong nilisan ang lugar at umuwi na ng bahay.
Dumaan muna ako sa malapit na bakery. Pag baba ko napansin kong ilag ang mga tao sa akin.
Mukhang iniilagan ako ng mga tao. Nang papasok na ako bigla akong hinarang lalaking security guard.
"Ma'am. Bawal ho kayo dito. Bawal kasi ang mga tulad mong mamat*y ta---" hindi na nito natuloy ang sasabihin niya ng tingnan ko ito ng masama.
"I get it. Subukan mo ituloy yan kung ayaw mong mawalan ng trabaho." banta ko dito at nilingon ang mga tao bago umalis.
Narinig ko pa ang bulungan ng mga tao. Kung ganito ang magiging trato sakin ng mga tao, mapipilitan ako gumawa ng hakbang para sa sarili ko at sa pamilya ko. Lalong liliit ang mundo ko dahil sa ginawa ko tatlong buwan na ang nakaka lipas.
Mabilis umuwi at pagdating sa bahay inutos ko na lang na bumili sila ng makaka kain namin.
"May problema ba hija?" tanong sa'kin ni Mrs. Aliyah Dela Vega. Naupo ito sa kaharap na upuan ko.
"May isang bakery sa bayan na hindi ako nakapasok. Dahil sa isang mamat*y tao ako." pag amin ko. Nanatili akong walang emosyon. Agad naman nito hinawakan ang kamay ko at ngumiti sa'kin.
"Wala na tayo magagawa sa iisipin ng mga tao. Ang magagawa na lang natin ay mag move forward sa buhay. Huwag mo ikulong ang sarili mo sa iisipin ng ibang tao." ngumiti ito sakin habang sinasabi iyon.
"Tama po kayo. Huwag kayo mag alala kaya ko 'to hindi naman bago sakin ang mapangilagan ng mga tao." sagot ko dito. Alanganin naman itong tumango at ngumiti sa akin ng alanganin.
"Marami pong salamat." pasasalamat ko at nginitian ito ng tipid.
"Wala iyon hija. . . Oh siya maiwan muna kita dito." paalam nito. Tumango na lang ako at umalis na rin ito agad.
Nang mag gabi nakatanggap ako ng mensahe mula kay kuya Storm na need ako sa UG. Kaya agad akong tumakas kay Cloud.
Kinuha ko ang susi ng motor ko at mabilis na umalis. Hindi ko alam para saan ito basta ang text sa'kin ay pumunta.
Mas binilisan ko pa ang takbo nito. May mga nadaanan akong napapalingon sa motor ko o napapa tingin. Dahil na rin siguro sa model nito.
Ducati Superleggera V4 ang model nito. Hindi naman nag tagal nakarating na ako, ipinasok ko na ang motor ko sa loob ng Underground at bumaba na.
"Para san ba 'to kuya Storm?" bungad kong tanong habang naglalakad papasok ng tuluyan.
"May pumasok na bagong cargo ship sa bansa. Ito ang laman at nakapangalan ito sa'yo. May alam ka ba dito?" tanong nito sa akin at pinakita sakin ang isang litrato. Tiningnan ko ito ng maigi bago ito sagutin.
"Wala akong inaasahan at wala din akong binibiling armas o kahit ano. Saang bansa galing?" sagot at tanong ko din dito kay kuya Storm.
"Galing sa nagngangalang Cevancci. " sagot naman ni kuya Storm.. Napa tigil ako at nilingon sila.
"Cevancci, Theodore?" pagtatanong ko. Tiningnan agad ni kuya yung papel na hawak niya at agad tumango ng marami.
"Kilala mo?" tanong ni Vlad sa'kin.
"Hindi niyo ba naalala ang taong yan?" tanong ko sa kanila na kina iling nila. Napa buntong hininga ako at umiling din.
"Siya ang tumulong satin nung panahon na hirap tayo maka labas ng Italy. Pauwi dito sa pilipinas siya ang tumulong sa atin para maka labas tayo ng hindi hinahabol ng mga police." paliwanag ko na kinalaki ng mata nila.
"What??? Pero bakit may pinadala siyang ganito?" tanong ni Damon sa'kin.
"Hindi ko alam. Mika gumawa ka ng paraan para i confirm kung sa kanya nga ba galing talaga ang parating na cargo ship." baling ko kay Mika.
"Opo boss. Babalitaan po namin kayo agad." sagot nito. Tumango na lang ako at tiningnan sila kuya.
"Uwi–" naiwan ang sasabihin ko ng may isang malakas na pag sabog sa entrada ng underground..
"What the--- ano yun?" tanong ni Damon na napa tayo pa.
"Mika tingnan mo!" utos ko. At agad akong kumilos upang kunin ang b*ril ko. Nilagay ko na rin ang earpiece ko sa tainga ko.
"Boss ang mga Dark Organization!" sigaw ni Mika. Tumango lang ako ng hindi umiimik.
"Let's go!" usal ko na agad nag lakad patungo sa kabilang side ng Underground. May isa pang pinto dito na pwede naming daanan palabas.
"Mika siguraduhin niyong hindi sila makaka pasok dito!" utos ko habang mabilis na naglalakad.
"Ken. Sa mga Grupo ni Wendy at Samantha. Maiwan kayo dito sa loob!" utos ko naka sunod sa akin si Damon..
"Areglado boss!" sabay sabay nilang sagot.
"Bakit pinaiwan mo sila Ken dito?" tanong ni Damon sa'kin. Ito na rin ang nag bukas ng pinto.
"Kailangan may maiwan dahil kung wala.. walang po-protekta sa mga babae ng UG." sagot ko at lumabas na.
Nakita ko na rin ang nag aagaw na liwanag at dilim dahil pagabi na.
"Men ubusin silang lahat!" gigil na utos ko.
"Yun oh!" masayang wika ni Damon sa tabi ko.
"Okay! /Yes boss!" sabay sabay nilang sagot.
Nag lakad na ako patungo sa dulo sa bandang harapan para mas makita ng malinaw ang mga kalaban.
"Lance at Jenny kayong dalawa ang bahala sa itaas na bahagi ng UG. Protect the underground!" muling utos ko habang nag lalagay ng bala sa b*ril ko. Nagtago ako sa likod ng malaking puno sa labas ng underground.
"Okay boss!" sabay na sagot ni Jenny at Lance.
Tiningnan ko ang paligid maliwanag na dahil sa ilaw. Nakipag palitan na ng bala sila kuya Thunder sa kalaban. Ako naman ay nag tago lalo at inasinta ang matandang lalaki na nasa van.
Hinala ko na ito ang leader ng grupong ito. Agad itong natumba na agad naman kinatakbo ng mga tauhan n'yang iba.
"Ngayon paano kayo kikilos kung walang leader?" bulong kong tanong. Napansin ko ang parang antena sa ibabaw ng bubong ng van.
Tinutok ko ang b*ril ko doon at inasinta iyon. Agad iyon napuntol.
"Flame anong ginagawa mo?" tanong ni Ezekiel. Mukhang napansin na niya ginagawa ko.
"Inaasinta ko ang nag sisilbe nilang kahinaan. Ngayon mapipilitan silang lumaban na lang para sa buhay nila." makahulugan kong sabi.
Si Earl naman ang nag salita. "Ang point lalaban sila para mabuhay na lang nila dahil.." putol ni Earl sa sasabihin niya.
"Putol na ang communication nila." sabay sabay nilang wika.
"Exactly." sagot ko. Muli akong tumingin sa paligid namin saktong madilim na
"Guys. Umatras na kayo muna." mahinahon kong utos.
"Huh? bakit?" takang tanong ni kuya Thunder.
"Mika ihanda mo ilabas ang weapon na tatapos sa kanilang lahat. Tapos patayin mo ang ilaw dito sa labas." utos ko. Hindi ko pinansin sila kuya.
For now hindi ako lalaban pa. Hahayaan ko silang magalit dahil nauubos ko na ang tauhan nila. Sila ang nag simula ng kaguluhan na ito at hindi ako.
Nag lakad na ako papasok sa UG. Dumaan ako kung saan kami dumaan ni Damon kanina. Hindi ko na din alam kung nasaan si Damon ngayon. Para namang kabute yun bigla na lang susulpot at mawawala na parang bula.
"Flamie! Bakit mo kami pinaatras?" tanong bigla ni Damon na ngayon nasa tabi ko. Sinamaan ko ng tingin ito, dahil nagulat ako pero hindi ko na pinahalata.
"Manood ka nalang." irita kong sagot at pumasok na sa loob.
"Boss handa na po." wika ni Mika. Tumango at naglalakad patungo sa gitna.
Saktong pasok naman nila kuya Thunder at nang iba pa.
"Flame bakit?" tanong ni Vlad.
"Mika handa na ba? Wala na ba tayong tauhan sa labas?" tanong ko dito.
"Opo boss clear na." tumango ito at ganun din ako.
Hinawakan ko ang pulang buton at pinindot iyon ng diin. Kasabay ng pag liwanag ng labas ang malakas na sigaw ng mga kalaban.
THIRD PERSON POV
Gulat ang nananalaytay sa mukha ng magpipinsan ng makita ang mukha ng dalagang si Flame. Na walang kahit anong emosyon.
Blangko lang ito at malamig ang mga tingin.
Nag ka tinginan silang magpipinsan. .
"This can't be.." bulong ni Thunder. Never ginamit ng dalaga ang weapon na iyon dahil masyadong malaking pinsala ang nagagawa nito matapos gamitin.
Konti lang ang kalaban pero ginawa ito ng dalaga.
SA KABILANG BANDA. Gulat, takot, galit at pangamba ang makikita sa mukha ng mga Montelivano.
"Kilala ko ang batang yan noon pa never siyang naging ganito ka walang puso." wika ni Mr. Edward Montelivano. Ang ama ng magkakapatid.
"Tama ka daddy. Pero anong nangyari?" tanong ni Dylan. Kahit siya ay nagtataka sa inaasal ng batang mafia.
"Anong nagawa sa kanya ng pag ka comma niya?" tanong ni Dryll.
Halata sa dalaga na simula ng ma comma ito ay may pag babago na silang nakita.
Habang ang matandang Lavistre napa kuyom ang kamao dahil sa nabalitaan ng ginawa ng dalaga. Hindi ni minsan gagawin ng dalaga ang ganung ka brutal na pag p*tay oo Mafia Boss ito. Pero mas pumapat*y ng brutal ay ang mga pinsan nito.
Tulad nila Earl at nang iba pa.
Pero ang dalaga hindi niya ito gagawin.
"Ginoong Alfonso? ano po gagawin natin?" tanong ng bagong kanang kamay ng matanda.
"Gusto ko alamin mo anong nangyayari sa apo kong babae." utos nito.
"Masusunod po." magalang nitong sagot nito sa matandang Lavistre.
HABANG si Santiago ay nakatingin sa larawan ng matalik na kaibigan ang ama ng magkakapatid na Lavistre.
Katabi siya nito sa litrato na kapwang nakangiti at masaya.
"Gabayan mo ang anak mo Reloy. Natutulad na siya sayo, kung mahal mo ang anak mo haplusin mo siya dahil kung ako ang gagawa non hindi siya makikinig sa'kin." pag kausap nito sa litrato ng kaibigan.
Alam niya anong nangyayari sa dalaga. Pareho sila ng ama nito kaya nga mas pinili ng ama ni Flame. Na tumiwalag sa mafia dahil ayaw niyang mangyari ang bagay na iyon.
Pero mukhang mauulit at mangyayari pa sa dalaga ang nangyari sa kaibigan niya..
-
Mask doesn't hide who we are, it shows who we truly are.