CHAPTER 9 - RICKY AND KIMBERLY'S POV

2894 Words
Masakit para sa akin ang naging desisyon ni Kimberly. Pero may galit akong nararamdaman para sa sarili ko. Dahil sa pagiging marupok ko sa tukso. "Kim, payagan mo sana akong yakapin ka. Sa huling pagkakataon," pakiusap ko sa kanya. Tumango si Kimberly sa akin bilang pagsang-ayon. Kaya agad ko siyang niyakap nang mahigpit. Habang magkayakap kami ay labis akong nakakaramdam nang pagsisisi sa aking ginawa. Ngayon lamang ako nagkaganito sa babae. Pagkatapos ay sinaktan ko pa. Hindi nagtagal ay nagkalas na kami sa pagkakayakap. "Goodbye, Ricky," malungkot na pahayag ni Kimberly. At binuksan niya ang pintuan. "Makakaalis ka na," taboy niya sa akin. Pagkatapos nagsimula nang maglandas ang mga luha niya, mula sa kaniyang mga mata. Wala na akong nagawa kung 'di ang sundin ang kagustuhan niya. Habang tinatahak ko ang hallway ng hotel ay hindi mawala sa isip ko ang katarantaduhang ginawa ko. Nagtungo ako sa bar at nagpakalasing. Hindi ko namalayan ang pagdating ng aking mga kaibigan.  "Pareng Ricky, tama na," awat sa akin ni Eric. Ngumiti ako nang pilit. "Napakagago ko, mga pare, niloko ko ang babaeng nagpatibok ng puso ko," pagtatapat ko. "Pare, kung talagang kayo ni Kimberly ang nakalaan sa isa't isa. Paglalapitin ulit kayo ng tadhana," seryosong sabi sa akin ni Michael. "Pareng Ricky, tama si Pareng Michael, makinig ka sa kanya," singit naman ni Jay at kinuha sa akin ang bote ng beer na iniinom ko. "Pare Ricky, huwag ka nang uminom. Alalahanin mo, kailangan nating pumunta nang Manila bukas. Magtatampo na sa 'yo niyan ang kapatid mo," pagpapaalala naman sa akin ni Herwin. Bigla kong naalala na kailangan ni Chantal bumili ng kanyang susuot8n sa kanyang fifteenth birthday. At ang kaniyang gagamiting costume sa kaniyang play sa school. Ngumiti ako nang pilit. "Sige, last na ito," walang buhay kong tugon sa kanila. Hindi nagtagal ay sinamahan nila akong umuwi ng aming mansyon. At nagpasya na rin silang dito matulog. Dahil maaga pa kaming luluwas papuntang Manila. Napailing ako nang makita ko si Pareng Eric na nakatingin sa silid ng aking nakakabatang kapatid. "Pareng Eric, humahaba na naman 'yang leeg mo," biro ko sa lasing kong boses. Napakamot si Eric sa kaniyang ulo. "Pasensya na, Pareng Ricky." Sabay ngiti niya sa akin. Ngayong alam ko nang— may gusto nga si Eric sa aking kapatid. Ay hindi ko siya hahadlangan na ligawan si Chantal. Dahil alam kong may gusto rin sa kanya si Chantal at gabi-gabi pa siyang ipinagdarasal. Kakausapin ko lamang siyang, huwag sasaktan ang aking kapatid. Kakausapin ko na sana si Eric nang biglang magsalita si Michael. "Pareng Ricky, ang mabuti pa'y magpahinga ka na. Maaga pa tayo bukas." "At siguraduhin mong matutulog ka. Nang makapagmaneho ka nang maayos bukas," singit naman ni Jay. Tumango ako at walang nang nagawa kung 'di ang sundin sila. Sa guestroom sila matutulog ngayon. Bago ako tuluyang pumunta sa aking silid ay hinila ko ang aking bestfriend. "Pareng Eric, huwag na huwag mong gagapangin ang kapatid ko. Kung ayaw mong masira ang samahan natin," seryosong sabi ko. Napabuntong hininga si Eric, bago magsalita. "Pareng Ricky, hindi ko gagawin 'yon. Hindi ko nga alam. Kung magugustuhan ako ng kapatid mo," mabilis niyang tugon sa akin. Tinapik ko siya sa kan'yang balikat. "Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo. Pero huwag kang mag-alala. Tutulungan kita sa kapatid ko." At iniwan ko na siya. Nang patungo na ako sa aking silid ay natanaw kong nakasiwang ang pintuan ng silid ni Chantal. Sasaraduhan ko na sana ito. Ngunit nakita kong nakalawit ang kamay nito. At nasa paa na ang kan'yang comporter. Kaya hindi ako nagdalawang isip na magtungo sa loob ng kanyang silid. Upang ayusin ang kanyang comporter. Halos makaramdam naman ako ng inis sa aking sarili. Nang mabasa ko ang kanyang sulat sa kanyang diary. "Dear Diary, I hate, Kuya Ricky. Kasi nagsabi siya na aalis kami pa Manila kahapon. Kaya, sobra akong na-excite. Kasi ang akala ko, makakasama ko si Eric, buong araw. Pagkatapos, pinaasa lamang niya ako. Dahil hindi naman pala kami matutuloy. Ayaw ko nang umasa sa salita niya!"  Napailing ako, dahil sa aking nabasa. Wala akong kamalay-malay, na nagtatampo na pala sa akin ang kapatid ko. "I'm sorry, my princess," bulong ko sa aking sarili, habang pinagmamasdan ko ang aking kapatid.  Hinahaplos ko ang kaniyang pisngi, nang bigla siyang magising. "Kuya Ricky, anong ginagawa mo rito?" takang tanong niya sa akin. Ngumiti ako. "Kasi po, nakita kong wala ka ng comporter sa katawan mo. At isa pa, 'yang diary mo. Nakatulugan mo na po," paliwanag ko sa kaniya, na may kasamang lambing. Mabilis naman niyang isinara ang kaniyang diary. Tumingin siya sa akin. "Kuya, wala kang nabasa 'di ba?" muling tanong niya sa akin.  Ngumiti ako at umiling. "Wala po akong nabasa," mabilis kong tugon.  Kinakailangan kong itangi, dahil paniguradong magagalit siya sa akin. At para mawala ang tampo niya sa akin ay tutuparin ko na ang sinabi ko. "Siyanga pala, pupunta na tayong Manila bukas. Kaya gumising ka nang maagap," masayang sabi ko na ikinahaba ng nguso niya. "Oh, bakit ang haba-haba ng nguso mo?" puna ko sa kan'ya. Umirap siya sa akin. "Ayoko gumising ng maagap. Kasi— baka hindi na naman tayo tuloy, papuntang Manila," katwiran niya. Napailing ako at naalala ang sama ng loob niya sa akin. "Chantal, kapag 'di ka gumising ng maagap. Iiwan ka namin." Sabay ngiti ko. "Kaya matulog ka na, goodnight." At hinalikan ko siya sa kaniyang noo. "Yuck, Kuya!" Sabay tulak niya sa akin. "Oh, bakit naman?" tanong ko. Ngumisi siya at nagtakip ng kaniyang ilong. "Ang baho-baho mo. Amoy alak ka," reklamo niya sa akin. Nagkibit-balikat na lamang ako, dahil napaka-arte talaga ng kapatid ko. Kung bakit kasi nakalimutan kong ayaw niya nang hinahalikan ko siya. Nang nakakainom ako. Dahil ayaw na ayaw talaga niya nang amoy alak.  "Sorry na, Chantal, nakalimutan ko kasing— ayaw mo ang amoy ng alak." Sabay haplos ko sa kaniyang ulo. "Dalaga ka na talaga. Ayaw mo nang hahalikan kita, na amoy alak ako. Samantalang noon, nagpapalambing ka pa talaga sa akin," napapailing na sabi ko. Napangiti siya. "Eh, kasi— ang baho mo." Tinitigan niya ako. "Teka, bakit nga pala nag-inom ka ngayon? Kung aalis tayo mamaya?" tanong niya sa akin. Ngumiti ako nang pilit. "Nagkaayaan lamang kami nina Pareng Eric," tugon ko.  "Nag-inom kayo?! Kahit magbabiyahe tayo mamaya?" muling tanong niya sa akin.  Tumango ako. "Opo, kasi—"  Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla kong naalala si Kimberly. At paano ko sasabihin sa kapatid kong, broken hearted ako ngayon. Dahil hindi naman niya alam ang tungkol sa amin ni Kimberly. "Kasi— ano?" muling salita ni Chantal.  "Kasi— nagkaroon lamang ng problema si— Eric," pagdadahilan ko.  Biglang nalungkot ang mukha ni Chantal. "May problema si Eric?" paninigurado niya. Tumango na lamang ako bilang tugon. Pagkatapos ay tumayo na rin ako at nagdesisyong pumunta na sa aking silid. "Sige na, matulog ka na. Pupunta na ako sa kwarto ko," pagpapaalam ko sa kaniya.  Lumabas na ako mula sa silid ni Chantal. At pagkatapos ay dumiretso na ako sa aking silid.  Nang makarating ako ng aking silid ay nagdiretso ako sa banyo upang maglinis ng aking katawan.  Habang naliligo ako ay bumalik sa utak ko ang nangyari sa amin ni Carla. Nagsimula nang tumulo ang aking mga luha, kasabay nang pagpatak ng tubig mula sa shower. Kung hindi ako nagpadala sa tukso. Hindi mawawala sa akin si Kimberly. "Napakahina mo talaga sa babae," bulong ko sa aking sarili.   Napailing na lamang ako ngayon. Dahil magsisi man ako, ay huli na. Dahil nakipaghiwalay na sa akin si Kimberly. Pagkatapos kong maligo ay nagdesisyon na akong humiga sa aking kama, upang matulog.  Halos isang oras na akong nakahiga ay gising pa rin ako. Dahil hindi mawala sa utak ko si Kimberly. Ang babaeng bumihag sa aking puso. Kung hindi sana ako nagpadala sa pangangakit ni Carla sa akin. Kami pa rin sana ni Kimberly.  KIMBERLY Hindi ako nagsisisi na nakipaghiwalay agad ako kay Ricky. Dahil nasaktan ako nang labis. Mas mabuti na rin ang nalaman ko nang maagap na mahina siya sa babae. "Anak, saan ka ba nanggaling at hindi ka umuwi ng buong gabi?" tanong sa akin ni mommy nang dumating ako sa ng bahay ni Tito Roman. Magsasalita na sana ako. Ngunit biglang nagdilim ang aking mga paningin nang makita ko ang aking bestfriend na si Carla. Mas lalo akong nakaramdam ng galit, nang muling magsalita ang aking ina. "Mabuti pa 'yang kaibigan mo. Umuuwi sa tamang oras. Eh, ikaw? Hindi. Pinag-alala mo ako buong gabi. Pagkatapos, malalaman ko na boyfriend mo pala— ang lalaking 'yon." Tinitigan ako ng aking ina. "Tapatin mo nga ako, Kimberly, kasama mo ba ang lalaking 'yon?!" galit na tanong niya sa akin. Tumango ako. "Opo," diretso kong tugon. Magsasalita pa sana ako, ngunit isang malakas na sampal ang ibinigay sa akin ng sarili kong ina. "Kimberly, napakabata mo pa. Para makipag-boyfriend sa isang mas matanda sa 'yo. At bakit ka— bigla-biglang nagtitiwala sa isang lalaki? Alam mo bang? P'wede ko siyang idemanda ng child abuse!" galit na turan sa akin ni mommy. Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko. "Mommy, walang dahilan para idemanda mo siya. Dahil walang nangyari sa aming dalawa. At— nakipaghiwalay na ako sa kan'ya." Sabay tingin ko nang madilim kay Carla. "Nakipaghiwalay ako kay Ricky, dahil nahuli ko siya, sa kandungan ng iba." At tinalikuran ko na ang aking ina. "Anak, I'm sorry. Hindi ko sinasadyang masaktan ka. Dahil ang akala ko'y— ibinigay mo na ang sarili mo. Sa lalaking 'yon," hingi sa akin nang paumanhin ng aking ina. Hindi ko na pinansin ang aking ina. Wala akong gustong gawin kung 'di ang umalis na sa lugar na ito. Upang makalimutan ko ang lalaking nanakit sa aking puso. Abala ako sa pag-aayos ng aking mga gamit nang biglang may nagsalita.  "Bez, totoo bang hiwalay na kayo ni Ricky?" seryosong tanong sa akin ni Carla.  Napailing ako at hindi ko siya pinansin. Sa halip ay nagpatuloy ako sa aking ginagawa. Kaya muli siyang nagslita. "Bez, galit ka ba sa akin? Sa maniwala ka't hindi, pinilit lamang ako ni Ricky."   Nagpigting ang tainga ko, dahil sa aking narinig. Tiningnan ko si Carla nang madilim. "Anong akala mo sa akin?! Bulag?! Kitang-kita ng dalawang mata ko! Kung paano mo akitin ang boyfriend ko!" galit kong tugon kay Carla.  Hindi siya nakasagot. Sa halip ay ngumiti pa siya na parang demonya. Hindi ko lubos maisip na may itinatago pa lang baho ang aking bestfriend Ngumiti ako nang pilit. "Siyanga pala? Siguro naman, patas na tayo." Tinitigan ko siya nang matalim. "Masaya ka na ba sa ginawa mo? Oh, mas tamang sabihing— sarap na sarap ka! Sa kandungan ng boyfriend ko!" muling pahayag ko na may kasamang galit. "Kimberly, baka nakakalimutan mo? Kaya ako sumama sa 'yo dito. Upang makita si Ricky. Alam mong crush ko siya. Pero— bakit? Bakit mo siya naging boyfriend?" seryosong tanong sa akin ni Carla. Napatango ako. "Hindi ko nakakalimutan 'yon. Pero— hindi ko sinadya na agawin siya sa 'yo. Dahil siya ang kusang lumapit sa akin. At hindi ko alam, na si Ricky, ang tinutukoy mong— the governor son." Hinubad ko ang bracelet ko na palatandaan ng pagiging mag-bestfriend namin ni Carla. "Wala nang dahilan, para maging mag-bestfriend tayo. Dahil baka sa susunod, hindi lamang si Ricky, ang agawin mo sa akin." Sabay bato ko ng bracelet sa kanya. Hinubad niya ang bracelet na suot niya. "Hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko. Dahil gusto ko si Ricky. At gagawin ko ang lahat, maging akin lamang siya." Sabay bitaw niya sa bracelet na hawak niya at iniwan na niya ako. Nagpatuloy na ako sa aking ginagawa. Nang naayos ko na lahat ang aking mga gamit ay nagdesisyon na akong umalis.  Nagulat naman ang aking ina at tito, nang makita nila akong bitbit ko na ang aking mga gamit. Pati na rin sina Nicole at Chrezelle, ay nagtaka nang makita nila ako. "Anak, bakit dala-dala mo lahat ng gamit mo?" takang tanong sa akin ni mommy. "Oo nga, pinsan, bakit biglaan naman 'ata ang pag-alis mo?" tanong ni Nicole. Ngumiti ako nang pilit. "Kinakailangan ko na pong bumalik ng Tarlac, Mommy," diretsong pahayag ko. "Pero— bakit?" muling tanong ng aking ina. "May kailangan po kasi akong ayusin sa school." pagdadahilan ko. Tumango ang aking ina. "Kung ganoon, ipapahatid na kita sa driver," sabi niya. "Sige po," pagsang-ayon ko.  Lumapit sa akin ang mga pinsan ko. At niyakap nila ako. Ganoon din ang ginawa ko sa kanila. "Mag-iingat ka sa biyahe, pinsan," pagpapaalam sa akin ni Chrezelle. "Ang akala ko, pupunta pa tayo sa ilog," malungkot na pahayag ni Nicole. Ngumiti ako nang pilit. "Babalik naman ako dito." Ngumiti ako nang pilit. "Hindi ko nga lang alam, kung kailan?" sabi ko. Tumango ang mga ito. "Kami naman ang pupunta sa inyo," sabay na sabi nina Nicole at Chrezelle. Ngumiti ako. "Dadalhin ko rin kayo, sa ilog ng hacienda namin," masayang sabi ko at nagsimula na akong maglakad, patungo sa aming sasakyan. At hinatid ako ng aking mga pinsan. Patungo na ako sa sasakyan nang makita ko si Carla na nakatingin sa akin. Habang nanlilisik ang mga mata. At napansin ito ng aking mga pinsan.  "Nagkagalit kayong magkaibigan, 'di ba?" tanong sa akin ni Chrezelle. "Pinsan, alam mo bang— nagalit 'yan? Nang pumunta dito si Ricky at magpakilalang manliligaw mo," sabi naman ni Nicole. Napailing na lamang ako sa aking nalaman. "Siya pa talaga ang makapal ang mukhang magalit sa akin," bulong ko sa aking sarili. "Siya ang sumira sa samahan namin. Hindi ako," pagtatapat ko sa aking mga pinsan. "Naku, pinsan, huwag ka na manghinayang. Atleast— nakilala mo ang tunay niyang ugali," ani ni Chrezelle. "Oo nga, pinsan, dahil ang tunay na kaibigan. Hindi nanlalaglag," pagsang-ayon ni Nicole. "Bakit mo nasabi 'yan, Nicole?" takang tanong ko sa kaniya. Nagkatinginan ang magkapatid. "Kasi, pinsan, sinumbong ka niya kay Tita. Siya ang nagsabi na boyfriend mo si Ricky. At sinabi pa niyang— nagpaiwan daw kayong dalawa sa sasakyan ni Ricky. Para makagawa nang hindi maganda," pagtatapat ni Nicole.  Napailing na lamang ako dahil sa ipinagtapat ng aking pinsan. Wala akong pakialam, kung ganoon ang isipin niya. Dahil alam ko sa sarili ko, ang totoo. "Kahit naman naging boyfriend ko si Ricky. Walang nangyari sa aming dalawa. Dahil iginalang niya ako," pagtatapat ko sa kanila. Tumango ang magkapatid. "Sana, magkaayos kayo ni Ricky, pinsan. Dahil bagay na bagay kayong dalawa," sabay na sabi ng dalawa, habang kinikilig. Ngumiti na lamang ako. Dahil hindi ko alam kung magkikita pa kaming muli. Hindi nagtagal ay sumakay na ako sa aming sasakyan. At nagsimula nang patakbuhin ng aming driver ang sasakyan.  Habang papalayo na kami sa bahay ng aking Tito Roman, ay nakaramdam ako ng lungkot. Dahil hindi ko alam, kung magagawa ko pang bumalik sa bayang ito. Dahil dito nadurog ang puso ko. Ngunit aminado akong— maiiwan dito ang puso ko. Pra sa lalaking, una kong minahal. Masakit man para sa akin, ang nangyari sa una kong pakikipagrelasyon. Ngunit hindi ko itatanggi sa aking sarili, na naging masaya ako sa maikling panahon. Sa piling ni Ricky.  Habang nagbabiyahe kami'y, sa labas lamang nakatuon ang aking paningin.  Tumigil ang aming sasakyan dito sa gasoline station ng San Pablo, City, Laguna. Upang magbanyo ang aming driver.  Habang hinihintay ko ang aming driver ay naisipan kong bumaba ng sasakyan upang bumili ng maiinom.  Naglalakad ako patungo sa Seven Eleven nang may makabunggo. Dahil sa malakas na pagkakabunggo sa akin ay napaupo ako.  "Aray!" daing ko, dahil sa malakas na pagkakabagsak ng aking pang-upo. "Miss, I'm sorry, hindi ko sinasadya. Nagmamadali lamang ako," sabi ng isang lalaki na pamilyar sa akin ang boses. Ipinislig ko ang aking ulo. Dahil ayaw ko isipin na si Ricky ang nakabunggo sa akin.  "Miss, I'm sorry talaga." At inalalayan akong tumayo. Nang makatayo ako ay huminga muna ako nang malalim. Bago ko harapin ang lalaki. "Sa susunod tu—" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang makita ang lalaking bumunggo sa akin. "Kimberly," bigkas ni Ricky sa pangalan ko. Tumulo ang luha ko. "Ricky, kahit kailan ba? Hindi ka marunong tumingin? Sa dinaraanan mo?" walang buhay kong tugon. Tinitigan niya ako. "Nagmamadali kasi ako. Dahil kailangan kong sumama sa mga pulis. Para ipakulong ang mga nambastos kay Chantal." Hinawakan niya ang aking kamay. "I'm sorry, dahil palagi kang nasasaktan nang dahil sa akin," malungkot niyang pahayag. Tinanggal ko ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya. "Okay lang sana sa akin, na masaktan ako pisikal. Pero ang saktan ang kalooban ko, 'yon ang masakit." At tuluyan na akong umiyak. "Kimberly, alam ko. Nasaktan kita, pero hindi ko ginustong saktan ka. Dahil— naging marupok ako. Pero sa maniwala ka't hindi. Ikaw lamang ang babaeng, nagpatibok ng aking puso," seryosong pahayag niya. Ngumiti ako nang pilit. "Maybe, we have the right love. At the wrong time." At tinalikuran ko na siya.  Pinilit kong maglakad kahit masakit ang aking balakang.  "Kimberly, hihintayin kita," narinig kong sigaw ni Ricky.  Tumigil ako sa paglalakad upang lingunin si Ricky. Ngunit nakita kong naglalakad na siya papalayo.  "Kapag lumingon ka, akin ka," bulong ko sa aking sarili.  Naisipan ko nang magtungo sa Seven Eleven, dahil nawalan na ako nang pag-asa na lilingon siya.  "Goodbye, Ricky, till we met again," muling bulong ko sa aking sarili.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD