Chapter 5

3433 Words
Flashback I am in Seven Digits Bar kasama sina Jacob, Raven and Maggie. Halos kakasimula pa lang namin ng dumating din sina Red at Shubhi. Napatingin ako ng kinalabit ako ng katabi kong si Maggie at saka bumulong.. "Sabay sila?" bulong na tanong niya. Ang tinutukoy niya ay ang dalawang kadarating lang. "Malamang po, magkasama nga sila diba?" pilosopong sagot ko saka uminom ng vodka na nasa baso ko. Maggie rolled her eyes at bwisit na tinampal ako sa braso. "what?" inis at natatawa na tanong ko. Alam kong nang iintriga lang itong isang to at gustong makasagap ng tsismis. "di ka magandang ka bonding girl, kainis ka." paingos na sagot nito. Natawa ako dahil sa napipikong itsura niya. "I gave you an answer diba? bat naiinis ka?" panunudyo ko dito. "naman.. . thank you ha? apaka useful po ng sagot mo, maraming buhay ang nagbago. Tse!" ingos nito at saka nakahulikipkip ang kamay na nag pout habang nakatingin sa dalawang naamuyan niya ng tsismis. "kasi naman bakit ba ang hilig mong magtanong ng obvious naman na sagot? kahit kelan tsismosa ka talaga. " " Grrrr... ateng, what I meant by my question is.. girl I smell something fishy, na smell mo din ba? duh?!" gigil na sagot niya. "and by the way I'm not chismosa, ok? curious lang ako. tse!" pahabol niya. "ayun! bakit kasi gusto mo pang i-sugar coat, dinerekta mo na lang sana para sinagot sana agad kita ng ..yeah I can smell it too... and Mags, gusto ko lang sabihin sayo noh, iba ang curious lang sa tsismosa talaga. Magnolia ang name mo ha, hindi Marites!.." mahabang litanya ko sa kaniya. "aist! Ewan ko talaga sayo friend. Di ka naman major ng Philosophy pero napaka pilosopo mo. Ginawa mo pa akong Marites eh if I know curious din naman kayo sa dalawang iyan. Padaan nga, tsupe! magsi CR na lang ako, check ko ang beauty ko kasi nakukunsumi ako sayo... grrrr!.. panira ka ng beauty !" gigil na sabi nito sabay walk out at rumampa na parang nasa catwalk papuntang banyo. "Anong nangyari don sa isang yon?" nagtatakang tanong ni Jacob na kababalik lang mula sa counter ng bar. Naupo siya sa tabi ko at inilapag sa mesa ang inuming hawak niya. I shook my head.. "pupuntang CR, check daw niya ang pintura sa mukha niya baka nahulas na." tumatawang sagot ko. "Loko! pikon-talo na naman sayo yong isang yon kaya napa walk out." natatawa ring sagot nito. "yaan mo na, sarap din kasing pikunin yon minsan nawawalan ng poise" sabay kaming nagtawanan ni Jacob. Maggie has a very short temper, napakapikunin kaya madalas napagbubuntunan namin nina Raven. Pero kahit pikon-talo sa amin yon, gustong-gusto pa ring sumama sa mga lakad namin lagi. Isa pa enjoy din kasama yon kahit pa may pagka Marites talaga minsan. "I thought your girlfriend is coming with you, Andy. Darating ba siya?" singit na tanong ni Raven na nakaupo naman sa tapat ni Jacob. "Busy daw eh." maikling sagot ko at saka bumaling sa iniinom ko. I looked at Red and Shubhi ng bigla silang tumayo at nagpaalam na sasayaw sa dancefloor na malapit sa pwesto namin. Naiwan kaming tatlo sa mesa at habang nag uusap ang dalawang kasama ko ay nilibot ko naman ang paningin ko sa paligid while enjoying my vodka. I saw lots of people, may mga tipsy at lasing nang tingnan at ang iba naman ay wild nang nagsasayawan. The place is always packed, kilalang -kilala kasi ang bar na ito dito sa San Bartolome at talagang dinarayo din ng mga mayayaman at kilalang tao sa lipunan. Maganda at malawak ang lugar na may tatlong palapag. Ang unang palapag kung saan kami naroroon ay may malawak na dancefloor sa may bandang kanang pagpasok mo sa loob. Mayroon ding isang malaking stage malapit dito na minsan ay tinutugtugan ng mga sikat na banda. Sa kanang bahagi naman pagpasok mo sa loob ng bar ay may mahaba at eleganteng bar na punong-puno ng iba't-ibang uri ng mamahaling alak. May limang nag-gagwapuhan at matitikas na bartender ang naka pwesto doon na nagmimix at nagseserve ng inumin sa mga nakaupo sa mataas na upuang nakahilera sa tapat ng bar counter. Ang nasa ikalawang palapag naman, according to my bestfriend who is working as a waitress here, ay ang kinaroroonan naman ng mga VIP rooms na pinapareserve ng mga mayayamang customer. It has a KTV inside each rooms kaya kung ayaw mag sayaw ay pwedeng mag enjoy sa pagkanta sa loob habang umiinom.Mayroon ding isa pang bar counter doon. Ang alam ko makaakyat ka lang doon kong may kasama kang mga VIP customers. Sa third floor ay may anim na VIP rooms na pwedeng gamitin o ipa reserve ng mga customer na gustong gumamit non. Some used it if they wanna get laid or kung sobrang lasing na at hindi na kayang mag drive pauwi. And yeah, the wealthy customers are the only ones who can afford the rooms. Sabi ng bestfriend ko ay dating sundalo sa Navy na mula sa angkan ng mga Lazaro na tubong San Manuel (ang karatig na bayan ng San Bartolome) ang may-ari nito kaya secure na secure ang lugar at safe ang mga pumupunta dito kahit anong estado ng buhay ang kinabibilangan nito, but I haven't met this owner yet. I'm curious though, a Navy soldier, sanay sa maaksiyon n buhay turned into a business man, a successful one. Sa mga kagaya naming sanay sa aksiyon, hindi ganon kadali ang mag iba ng line of work.. mamimiss mo ang everyday thrill na hatid ng trabahong plus ang sarap ng feeling knowing na sa bawat tagumpay mo ay maraming buhay ang nagbabago at napoprotektahan mo. Nakita ko ang isa sa mga waiter na kumakaway sa akin, I smiled at her ang wave back. Kakilala at kaibigan siya ng bestfriend ko at nakasama ko na din siya dati sa isa sa mga lakad namin ng beshie ko. Day off non ngayon kaya wala dito, inaya ko sanang sumama pero may date daw siya kaya tumanggi. "Ang tagal naman ata ni Mags." biglang baling sa akin ni Jacob. "Sus, baka mahaba lang ang pila sa CR. Madaming tao eh." sagot ko. "baka nga." pagsang-ayon nito. "Guys, tara sa dancefloor." aya ni Raven sa amin. "Geh, tara." sabi ni Jacob. Sabay na tumayo ang dalawa at akmang pupunta na sa dancefloor kung saan naroon pa rin sina Shubhi at Red. "Dito lang muna ako, antayin ko si Maggie." sabi ko. "oks, sunod na lang kayo." sabi ni Raven saka sila tumungo sa kinaroroonan nina Red na tanaw kong nag eenjoy nang makipagsiksikan habang sumasayaw sa dancefloor. I enjoying my alone time and my vodka, when I remembered my girlfriend . Namimiss ko na din ang isang yon, sobrang busy na lately ni hindi na masagot ng mga tawag ko at nong pinuntahan ko naman sa kanila ay si tita lang ang inabutan ko. I checked my phone kung may message ba si Margareth sa akin ngunit nang makita kong wala naman ay binalik ko ulit sa bag ko ang cellphone ko. Margareth seems to be cold the past months. Bago pa ako umalis para sa misyon namin nong nakaraan ay halos wala na kaming time sa isa't-isa. Naninibago ako pero naisip ko ding baka busy talaga siya sa trabaho lalo na't kailangan niya talagang mag focus don dahil sa mga gastusin ng mama niya na madalas ay nagiging sakitin. Silang dalawa na lang ang magkasama sa buhay eversince na umalis ang papa niya para sumama sa ibang babae. Naiwan si Margareth sa ina na naghirap ng husto upang mapagtapos siya. She had three relationship before me, at ako ang first na same s*x relationship niya. Pagkatapos ng tatlong failed relationship niya at panloloko ng papa niya sa mama niya ay nawalan na siya ng tiwala sa mga lalaki, must also be the reason kaya pinili niya ako and so far ay ok naman kami. Unlike Margareth, I never had a relationship before, masyado akong focus sa pag-aaral lalo na't mag-isa na lang ako sa buhay. Ayoko namang bigyan ng kunsumisyon ang nag iisang tao na umako ng responsibilidad na naiwan nila papa sa akin. My ninong is a single man, busy sa trabaho pero laging may time para sa akin kaya sobrang grateful ako sa kanya. I was never attracted to a man before kahit si Jacob na sobrang gwapo ay hindi nagtagumpay na makuha ang pansin ko. Only Margareth did. When I met her ay graduating na siya sa College while I am already working as a police officer. Nakilala ko siya sa school niya where I was invited as one of the female officer who will talk and inspire other women, to empower them. It was a program conducted by the school for the women's month. After ng program ay lumapit siya sa akin at nakipag usap, she told me that she was inspired by my story and after that we became close friends hanggang sa na develop into much deeper. I fell for her hindi lang dahil maganda at hot siya physically but also because she is a simple and a good and kind hearted woman. Hindi siya maluho at hindi rin materyosa. May pagka introvert pa nga siya dati at nong makilala niya ang mga kaibigan niya ay don lamang siya natutong lumabas pero paminsan-minsan lang naman. Nagpapaalam naman siya sa akin kapag lalabas siya, not that I asked her to, kusa niyang ipinapaalam sa akin dahil ayaw niyang may itinatago kami sa isa't-isa. That is why I trust her, kahit madalas na malayo kami sa isa't-isa dahil sa trabaho ko ay never naman siyang gumawa ng isang bagay na pag-aawayan namin. I saw Maggie finally walking towards our table pero bago pa siya makalapit ay may nakita siyang kakilala kaya nag sign siya sa akin na sasama sa table nong kakilala niya. I nod at her at saka ibinalik ang pansin sa iniinom ko. Maya-maya ay nakita ko sina Raven at Jacob na pabalik dito sa kinaroroonan ko. Seryoso ang mukha. I locked my gaze at both of them at hinintay na makalapit sila sa akin. "Andy, sabi mo ay busy ang girlfriend mo diba? agad na tanong ni Raven nang makaupo na ulit sa dating pwesto niya. "Yeah, yon ang sabi niya kagabi nong tinawagan ko siya. Madalas daw siyang OT dahil sa dami ng trabaho. why? " "really?" tila napapaisip na sagot nito. I looked at Raven dahil sa naging sagot niya. Napakunot ako ng noo ng makitang parang may gusto siyang sabihin. "what is it?" nagugulumihanang tanong ko. He looked at Jacob kaya napatingin din ako dito. Jacob just looked at me. Tila tinatantiya o may pinag iisipan. Ano bang meron sa dalawang ito? "spill it, you two." I impatiently told them. Bigla akong kinabahan. "well, baka namali lang kami ng tingin." sabi ni Raven lalo akong naguluhan at na curious. "I think nakita namin si Margareth papunta sa second floor. May kasama siyang apat na babae at dalawang lalaki. Yong isa mukhang foreigner at mayaman." paliwanag ni Jacob. Naguguluhan kong inabsorb ang sinabi niya. "The other guy seemed like kakilala ni Red dahil nag usap sila sandali." dagdag ni Raven. "I don't think that's possible. Pang VIP lang yong pangalawang palapag diba? tsaka mga mayayaman at can afford lang ang kayang mag occupy ng rooms don." "sabagay, baka namalikmata lang talaga kami. Imposible ngang si Margareth yon kasi grabe kung makakapit sa braso nong mga lalaki. " pag-sang ayon ni Jacob. "Teka, si Mags wala pa rin?" pag iiba ng usapan ni Raven. "May nakitang kakilala, sumama muna sa table non." sagot ko habang binubuksan ang phone ko. Narinig kong nag usap ng ibang bagay ang dalawang kasama ko pero hindi na ako sumali. I typed a text for Margareth asking kung nakauwi na siya. I waited for her reply pero wala akong natanggap. I tried to ring her number pero wala ring sumasagot. Lalo akong sinalakay ng kaba and doubt but I tried to ignore it. I trust her, maaring nakauwi na siya o tulog na or pwede ring busy pa rin kaya hindi tumitingin sa phone niya. I checked the time at nakita kong quarter to 12 na pala. Nang wala pa ring sagot na nakuha ay napag desisyunan kong ibalik muli sa bag ang phone ko. I tried not to be bothered at saka uminom ulit. After awhile ay kinalabit ako ni Jacob at nang tingnan ko siya ay may inginunguso siya sa may bahagi ng bar kung saan naroon din ang daan papasok at papalabas. Ibinaling ko ang tingin don sa inginunguso niya at saka napakunot ang noo ko. Muling bumalik ang kaba at pag aalinlangan ko ng makita ang babaeng kulot ang mahabang buhok at nakasuot ng hapit na damit habang naglalakad palabas ng bar at nakakapit sa isang malaking mama na tila may lahi. Kilalang kilala ko ang babaeng yon kahit side view lang o kahit nakatalikod pa. "ayun, siya yong nakita namin kanina. So, ang girlfriend mo nga?" pagkukumpirma ni Raven. "pero iba pa yang lalaking kasama niya ngayon sa dalawang lalaki na nakita naming kasama nila nong mga kasama niya kanina." dagdag pa nito. Napatiimbagang ako at mabilis na tumayo para habulin si Margareth. Naramdaman kong humabol sa may likuran ko ang dalawang kasama ko. Pagdating sa labas ay ang papalayong sasakyan na lamang ang inabutan ko. Tinanaw ko ang sasakyan at pilit na inaninaw ang plate number. Agad kong tiningnan si Jacob na nasa likuran ko. Mabilis siyang tumalilis at nakakaintinding mabilis na naglakad papunta sa kotse niya at saka ko siya sinundan. I heard Raven said na magpapaiwan siya pero hindi ko na pinansin. I am too occupied with the thoughts of Margareth at nabalik lang ako sa sarili ko ng maramdaman kong tumigil ang sasakyang kinalululanan namin ni Jacob. I opened the car door sa gawi ko at saka lumabas ng sasakyan. Tiningnan ko ang isang maliit na building na may umiilaw na pangalan na Aligi Motel. Napakuyom ang kamao ko ng ma realize kung anong posibleng makikita ko. Dumiretso kami ni Jacob papasok sa information desk ng motel at saka nagtanong kung saan ang room na binook ng taong sinusundan namin. Natagalan kami sa pangungumbinsi kaya naiinis na ako at gusto ko nang sigawan o takutin ang bantay. Nang magsalita about sa privacy ang bantay ay kinalabit ko si Jacob. Naintindihan naman niya kaya nilibang niya ang lalaking bantay at saka ako tumalilis papunta sa elevator. Nang magbukas na ang elevator ay mabilis akong pumasok at pinindot ang second floor. Narinig kong humabol ang lalaki sa front desk na napansin ata ang pag alis ko. Luckily ay nagsara na ang elevator bago pa sila makasunod ni Jacob. Pagbukas ng pinto ay napamura ako ng makita ng ilang pintong nakahilera sa hallway. Hindi ko na inabutan, f*ck!. saan ko sila hahanapin dito? I tried to listen to every door na nadaanan ko. Para akong baliw, I know. Pero wala, mahihirapan talaga ako pero hindi pwedeng hindi ko siya makita ngayon. Pinilit ko pa ring hanapin at magbakasakali. Malapit ko ng maubos na pakinggan ang mga pinto doon ng makita kong humahangos si Jacob kasunod ang bantay sa front desk. Galit itong pilit na pinapaalis kami pero kwinelyuhan ko ito at isinalya sa dingding. Gulat at takot ang bumadha sa mukha nito. Pinilit ko siyang sabihin kung anong room ang kinuha ng dalawang hinahanap ko at talagang nakipagmatigasan ito kahit pa natatakot sa akin. "mam sorry pero bawal po talaga, maalis ako sa trabaho sa ginagawa niyo. ..please lang po." takot at nahihirapang pakiusap nong bantay . Jacob tried to talk some sense into me. Inaalis niya ang pagkakahawak ko sa kawawang lalaki pero mas lalo kong hinigpitan ang hawak dito at mas pinitpit ko siya sa dingding. Nang sasakalin ko na sana siya ay inalis ni Jacob ang hawak ko at ng magtagumpay siya ay nanginginig sa takot at nanlalaki ang mata ng lalaki na nakatingin sa akin. Jacob tried to talk to him at nang sabihan ko na wawasakin ko ang lahat ng pinto doon ay hintakot na mabilis nitong itinuro din sa amin ang kwarto. Huminga ako ng malalim at saka humingi ng sorry sa kanya. I signed Jacob to settle it for me, nakita ko siyang binigyan ng pera ang lalaki na ayaw sana nitong kunin ngunit nilagay na ni Jacob sa bulsa nito. Takot pa rin itong bumaling sa akin. Tumalikod na ako and I walked towards the room at malakas na sinipa ang pinto. Blag! When it opened.. "F*ck!" ..."sh*t". sabay na mura namin ni Jacob na nasa likuran ko lang pala. Napanganga naman ang lalaking humahangos na humabol sa akin. Nakita namin ang dalawang taong hubot hubad na nasa kalagitnaan ng mainit na pagyuyugyugan habang nakatayo. I saw Margareth na nakatalikod sa lalaki habang medyu naka bend na sinasabubutan at binabayo ng napakalaking mama na iyon. Malaki ang katawan nong lalaki, halatang batak sa gym pero sapat lang ang mga muscles. Sa taas at laki ng katawan niya ay halos napakaliit ng katawan ni Margareth at tila ako ang nasasaktan habang nakikita ko ang pag-t*ra sa kanya ng lalaki patalikod. Para siyang isang monster at prey niya ang taksil kong kasintahan. Paano niya kinaya ang ganitong kalaki na tao?! Sabay silang napalingon ng marinig ang mura namin ni Jacob at shock na mabilis na naghiwalay. Nakita ko ang hubad nilang katawan na napaharap pa sa amin. My eyes caught the bulging muscles in his chest, and the abs..napaka pinagpala lalo na ang kanyang p*n*s na ngayon ay tila sundalong tayong-tayo at tila bakal sa tigas na nakaharap at nakasaludo sa amin. Biglang nag init ang buong katawan ko...este ..ang ulo ko at tila umakyat lahat ng dugo ko doon kaya mabilis akong napalunok... ay mali..mabilis akong pumasok sa loob at malalaki ang hakbang na naglakad palapit sa dalawa. Nakita ko pang inabot ng lalaki ang kumot kay Margareth at itinakip nito sa hubad nitong katawan bago pa ako makalapit kaya binalingan ko ang lalaki pagkalapit ko at kahit napansin ko ang gwapo niyang mukha..lintek na lalaking ito masyadong pinagpala sa lahat... ay hindi yon nakabawas ng galit ko. Kahit pa maganda ang blue na mata niya na nakatutok sa akin ay hindi ko yon ininda. Malakas na pinuntirya ko ang nagmamalaki niyang p*gk*l*l*ki dahil nakaka takam..este.. nakakabwisit tingnan habang nakasaludo pa rin, kaya shock ang mukha siyang napaigik sa sakit. Yan! tingnan natin kung hindi lalambot yan, masyadong malaki..este..mapagmalaki na nakatayo pa rin eh. "ughh!" napayuko ito sabay hawak sa *ri nito (no descriptions needed na, naoover na sa papuri ang sundalo niya, aish!) He was still in shock at nang inangat nito ang mukha ay mabilis ko siyang binigyan naman ng isang malakas na uppercut. . gusto ko sanang magmura sa sakit dahil sa tigas ng mukha nito pero hindi ko ginawa. Hindi ako weak no .. kahit masakit hindi ako aamin! nunca! "f*cking sh*t!" narinig ko ang malakas na mura nito habang iniinda ang sakit sa baba niya at sa mukha niya. "F*ck! F*ck! F*ck! what is f*ucking wrong with you, woman?!" narinig kong muling sigaw at mura nito ngunit hindi ko ito pinansin. Binalingan ko ang shock pa ring taksil na girlfriend ko. I showed her my disgusted, angry face. "We're done! Don't you dare show your f*ckin' face to me again!.. .." malakas na sabi ko sa kanya at saka muling binalikan ng tingin ang lalaking namimilipit sa sakit na nakahiga sa lapag at nakatunghay sa akin. I looked at his manhood na kitang-kita pa rin ang kalakihan kahit hawak ng dalawang kamay nito " .. .magsama kayo ng gagong yan na malaki ang ano!" pasigaw na dugtong ko at saka galit na binigyan ng huling tingin (naman may pa last look pa yan) ang lalaking nakahiga pati na ang mga kamay nito na nakahawak pa rin sa pagkalalaki nito saka galit at mabilis na naglakad paalis sa kwartong yon. Nang makalapit ako kay Jacob ay mabilis ko siyang hinablot palayo. Nakita kong tulalang nakatingin ang lalaking bantay sa front desk. Na shock din yata sa kargada nong malaking mama. Nilagpasan ko lang siya habang hila-hila ko pa rin si Jacob. I felt betrayed and broken. I'm angry and in pain. She lied to me! Kailan pa niya ako niloloko at kailan pa siya nagsimulang iputan ako sa ulo? Of all people, hindi ko naisip na siya pa ang mananakit ng ganito sa akin. Bumalik kami ni Jacob sa bar na walang imikan. Agad akong umorder ng maraming alak at saka nagpakalasing.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD