Chapter 7

2550 Words
Ilang linggo matapos ang paghihiwalay namin ni Margareth ay natapos na rin ang bakasyon na ibinigay sa amin ni Ninong Chief. Halos naubos ang bakasyon namin sa beach at hiking. It's true that nature can heal broken hearts dahil malaki ang naitulong ng mga activities na ginawa ko para matanggap ng tuluyan ang naging paghihiwalay namin ng ex ko. Ilang araw matapos ang naging pag uusap namin ay inihatid ko sila sa bus station papunta sa probinsiya ng mama niya. They looked okay and I'm happy to see her starting anew. Ngayon ay nasa headquarters kaming mga members ng Black Delta para sa aming bagong misyon. "Black Delta, how's your vacation?" masayang tanong ni ninong Chief sa amin. " Sulit po Chief, well spent." mabilis na sagot ni Jacob na kanina pa ngiting-ngiti sa tabi ko. " Well, halata naman Jacob dahil sa lapad ng ngiti mo." nakangiting komento ni ninong Chief. " Chief, masaya po talaga yan kasi umaasa siyang magkaka chance na siya ngayon sa my labs niya." pilyong tudyo ni Raven na sinagot naman ni Jacob ng ngisi. "Sige push mo pa Rodriguez baka mag work" tawang-tawang pang eengganyo ni Jacob. "Tsk! mga gago!" inis na sigaw ko sabay bato sa dalawa ng folder na nasa harapan ko. Nagtawanan ang lahat pati na rin si ninong chief na tila enjoy na enjoy sa kalokohan ng dalawang lukotoy na kasama namin. Si Jacob naman ay mabilis na ibinalik sa akin ang folder na ibinato ko sa kanya at ginulo pa ang buhok ko bago bumalik sa upuan niya. Nang matapos ang biruan at kumustahan ay ipinaliwanag na sa amin ni Ninong Chief ang bago naming misyon na tungkol sa isang sindikato that is known as Venom na kilala sa human trafficking at illegal drug dealings. Gumagamit ng online dating apps to lure Filipina's and sell them in the casa and bars as prostitutes and escorts. The syndicate members poses as a foreigner who wants to marry women and bring them to their home country. Akala ng babae ay naka swerte siya pag nadala na doon ngunit malalaman niya in the end na bangungot ang naghihintay na buhay sa kanya sa bansang pagdadalhan sa kanya ng foreigner. Hindi pa masyadong matagal ang grupong ito ngunit nakikilala na sa mundo ng illegal na gawain dahil sa matagumpay na mga operations nito sa nagdaaang mga taon. " Ang grupong ito ay konektado na sa malalaking organized crime group sa buong Asia. We will need to carefully plan in getting people inside lalo na't marami na ang nag fail na makapasok dahil sa maingat ang pinuno ng Venom." paliwanag ni ninong Chief. "Chief, walang info dito about sa leader." puna ni Raven. "Tama ka Rodriguez, the leader is still unknown to us. Masyadong maingat at tanging ang kanang kamay niya na si Alyas Oyo ang madalas na humaharap sa mga transactions ng grupo nila. We only know the alias of the leader which is Mr. V. . Other than that ay wala na tayong alam tungkol sa kanya.The reason why this case is given to your group is because marami ng kabaro natin ang napatay ng grupo dahil nabuko ang cover nila. These info that we have right now were the only ones they were able to get bago sila nawala o napatay." We all clenched our jaw nang marinig ang sinabi ni ninong chief. Kung ganon malaki na pala ang atraso ng grupong ito sa mga kabaro namin. Kailangan na silang taposin sa paghahasik ng lagim. Ang mga ganitong grupo na nananamantala ng mahihina ay parang makamandag na ahas na maari kang tuklawin anytime. At nakakatakot kung mas lalaki pa ang grupong ito lalo na't wala silang awa sa sinumang magtatangkang kalabanin sila. " What we need is someone who will go undercover. Pero kailangang pulido ang plano natin para huwag tayong mabuko, ayokong madagdagan pa ang bilang ng napapatay sa mga kabaro natin. Kung hindi natin mapapasok ang grupo then kailangan nating gamitin ang tool nila in luring their victims. Let's give them the dose of their own medicine." Uno said with conviction and anger. Lahat kami ay seryosong sumang-ayon sa sinabi ng leader naming si Uno. Masigasig na plinano namin ang mga kailangang hakbang para ma penetrate ang sindikatong ito. Si oppa Lee ang bahala sa profile namin ni Maggie dahil kami ang isasabak sa online dating apps.We will pose as someone who is looking for a foreigner husband. While Uno is digging more info about the syndicate and their unknown leader at sina Red naman ang aalalay at magbabantay sa amin ni Maggie, for back up. This assignment is gonna be one hell of a job at ngayon pa lang ay excited na akong magsimula para mawakasan na ang mga makamandag na ahas na miyembro ng Venom na naghahasik ng lagim sa buong Asia. We will make sure na ang Black Delta ang maghahatid sa kanila sa malagim na katapusan ng kasamaan nila. ---------------- Weeks had passed at patuloy pa rin akong ginugulo ng mga pambubuska ng mga kolokoy kong pinsan. Gaya ko ay hindi rin nila makalimutan ang nangyaring kahihiyan ko dahil sa isang amasona. Aaminin ko na mula ng makita ko ang mala anghel na mukha ng amasonang yon ay hindi na ako matahimik. She even visits me in my dreams, yon nga lang hindi aksyon ang nangyayari sa panaginip kundi isang mainit na eksena na tuwina ay nagiging dahilan kaya nauuwi ako sa pagkabitin. The worst thing is ni hindi ko mailabas ang init na sinisimulan ng mga kakatwang panaginip ko kasama ang amasonang yon kaya ilang linggo na akong nag iinit at sumasakit ang puson. This is the longest time na wala akong babaeng natitikman dahil kahit na anong try ko ay wala talagang makapagbalik ng appetite ko sa babae, dinaig ko pa ang nagda diet kasi kahit mariang palad ay di umeepekto sa akin. Langya lang talaga, nakulam ata ako ng amasonang iyon kaya nangyayari sa akin ito. Even my long time f**k buddy na isang sikat na modelo, ay kanina pa napu-frustrate sa akin dahil sa hindi tumitigas ang buddy ko kahit na mag iisang oras na niya akong kinakain at niroromansa. "F*ck! that's it, ayoko na. Ang sakit na ng panga ko but your sh*tty d**k is still not alive. What happened ba to you? My Gee! lumipad pa ako mula Paris papunta dito and yet wala man lang akong mapapala." galit na tungayaw sa akin ni Lyka. Tumayo ito at nagdadabog na hubo't-hubad na pumasok sa banyo ng suite na kinaroroonan namin. I went to her Hotel room ng tinawagan niya ako kanina para sabihing nandito siya. I am hoping that she can cure me sa kung ano mang sakit ng kamalasan ang dumapo dito sa buddy ko na ilang linggo ng walang kabuhay-buhay. Damn! Frustrated na sigaw ko sa isip ko at saka ko sinabunutan ang buhok ko habang hindi inaalisan ng tingin ang buddy ko na nanamlay. What the f*ck is wrong with you buddy? pabulong na tanong ko dito. Bago pa makalabas si Lyka sa banyo ay mabilis na akong nagbihis at umalis sa hotel room nito. I need some help at kahit hindi ko sigurado kung matutulungan ako ng mga kolokoy na pinsan ko ay magbabakasakali pa rin ako. Pagkapasok ko sa sasakyan ko ay idi-nial ko ang number ni Nick. "Where are you? " mabilis na tanong ko bago pa man siya makapagsalita. "Good ... morning to you too insan! what's up?" "D*mn! just tell me where you are, this is a f*ckin' emergency!" I impatiently answered. I heard him curse at narinig kong may lumagabog at sunod ay tunog ng mabilis na pagtakbo nito. "Tell me where you are right now, pupunta ako diyan agad insan." "Hey,hey! Hush Nicky boy! I'm okay, ako na ang pupunta sayo. Just tell me where you are." Narinig ko siyang napatigil at huminga ng malalim. "You're okay? you are not in trouble?" humahangos na tanong nito. "I'm okay but my problem is an emergency. I badly needed a cure." Napabuntung-hininga si Nick then I heard him chuckle. "D*mn! Grabe ang kaba ko sayo insan. Langya naman oh. Wag mo akong binibigla. Dumiretso ka na sa condo at tatawagan ko ang dalawa." Bago niya tinapos ang tawag ko ay narinig ko pang pahabol niya akong pinaalalahanan to drive carefully. Napangiti ako at saka mabilis na pinaharurot ang kotse ko. I'm going f*ckin' insane. It took me three hours to drive at pagdating sa condo ni Nick ay agad akong sinalubong ng mga kolokoy with worried face. Anton even checked my body and my face kung may sugat daw ba o pasa ako. They thought I've been in trouble like the last time kaya binatukan ko sila isa-isa. "Hindi mo kami masisi kung nag alala man kami sayo Drei. F*ck! lately ay nagiging lapitin ka ng gulo at ngayon ka lang nagka emergency." paliwanag ni Anton matapos ko silang batukan. "I get it okay, and thank you mga insan but my emergency is far more from trouble. This is a f*ckin' disaster ." "What do you mean by that disaster?" seryosong tanong ni Viktor na ngayon ay nakaupo paharap sa akin at masusi akong tinitingnan. I can sense that they are still worried and I'm grateful knowing na ganito nila ako pinahahalagahan. Kahit mga loko-loko ang mga kolokoy na ito ay mahal na mahal nila ako. Nakakabakla man pero gustong umiyak ng puso ko sa ipinapakita nilang concern. "Tsk! Sa tingin ko mga insan ay kinukulam ako." seryoso kong sagot . They all looked at me with 'what the f*ck face' na tila hindi sila makapaniwala sa sinasabi ko. "Like heck bro! Anong kulam ang pinagsasabi mo?" galit na tanong ni Viktor. "I can't believe that you even think of believing in that sh*tty black magic thingy na yan. Gen Z na tayo Drei." disappointed na dagdag ni Anton. Biglang pumailanlang ang malakas na tawa ni Nick na ikanatingin naming tatlo sa kanya. I groaned in frustration at saka ko siya inis na iningusan. "Ulol! Anong Gen Z ang sinasabi mo? ang tanda mo na may pa Gen Z ka pang nalalaman. I'm f*ckin' serious here bro! Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa akin." "Okay, okay! what's happening ba? ano ba talaga yang problema mo insan?" sabi ni Nick matapos tumawa. Huminga ako ng malalim at saka ikwenento sa kanila ang problema ko. Seryoso silang nakikinig ngunit nagtawanan muli ng matapos akong mag kwento sa nangyari kanina sa hotel room ni Lyka. "I can't believe this! Yong favorite mong fubu ay hindi na mabuhay yang nanamlay mong sandata? " shock na sabi ni Nick. "Baka naman wala nang dating sayo si Lyka. Maybe you need a new fubu or just new flings." Viktor said while litting a cigarette. Napabaling ako sa tahimik na pinsan kong si Anton. I looked at him waiting for him to say something. "So wala kang ambag? wala kang masasabi?" tanong ni Nick kay Anton nang hindi pa rin ito nagkokomento kahit na nakatingin kaming tatlo sa kanya. He smirked at us. "You know what I think? " "Siyempre hindi, ano tayo sina B1 at B2 ng Bananas n' Pajamas na alam ang iniisip ng bawat isa?" pilosopong sagot ni Nick dito. "Tsk! Gago! napaka pilosopo mo talaga. Ang ibig kong sabihin ay tingin ko tinamaan ka ng lintek Andrei." bwisit na sagot ni Anton. "Anong lintek? Anong tinamaan?" naguguluhan kong tanong. "Hindi niyo ba alam yong kantang... 'lintek na pag-ibig '.?. " tanong ni Anton na may kasamang pakanta pa. "Gago! ano to audition at may pa kanta-kanta ka pang nalalaman?" natatawang ani ni Viktor. "Tsk! ang hihina niyo naman eh. Palibhasa hindi pa kayo tinatamaan ng lintek kaya di kayo maka relate." natatawang sabi ni Anton. "Pano mo nasabing tinamaan ako ng lintek na sinasabi mo? seryoso kong tanong kay Anton. Hindi ko na pinansin ang nanunudyong tawa ng dalawang kolokoy dahil daw pumatol ako sa kalokohan ni Anton. I badly needed an answer at mukha namang may patutunguhan ang sinasabi ni Anton... well sana nga talaga may patunguhan ito. "Ganito kasi yan bro, ganyan na ganyan ang naranasan ko nang tinamaan ako kay Jenny baby ko. Wala na akong gana sa iba at sa kanya na lang ako tinatablan. Tingin o ngiti pa lang niya nag iinit na ako at pag may lumalapit na ibang babae ay hindi na ako nakakaramdam. I felt annoyed instead. As in wala na silang kadating-dating. Lintek diba? kaya ang tawag diyan sa nararamdaman mo ay lintek na pag -ibig." natatawang paliwanag ni Anton. Nalutang yata ako lalo sa mga sinabi niya kaya kinailangan ko pa ng ilang minuto para intindihin at i-absorb ang mga ito. Habang ang dalawang kolokoy na kasama namin ay naiiling at humahagalpak na ng tawa habang ako naman ay tila nakikipagtalo na sa isip ko. Paanong nasabi naging love ang nararamdaman ko? Ako? umiibig sa amasonang yon? Lintek nga naman talaga, eh diba nga gagantihan ko ang pamamahiya na ginawa niya sa akin if ever magkita ulit kami? No this can't be! Hindi ito pag-ibig! I can't be inlove! ang bilis naman eh halos wala pang isang oras ang naging engkwentro namin tapos maiinlove ako don? sa amasonang iyon? eh tomboy kaya iyon, babae ang gusto non at hindi kagaya ko. Bigla akong nakaramdam ng sakit ng maisip ko na ang amasonang iyon ay imposibleng magkagusto sa akin. Teka! Bakit ako nasasaktan? D*mn! wag mong sabihing... shock akong napatingin kay Anton na natatawa na sa akin. "Tsk! confirmed! tinamaan nga!" siguradong sabi ni Anton. Tumayo siya at pumunta sa mini bar ni Nick at kumuha ng alak. Binuhusan niya ang mga basong dala niya rin at saka ibinigay sa akin ang isa. Lutang pa rin na inabot ko ang baso at saka mabilis na nilagok ang laman non. Tinapik ako ni Anton sa balikat nang ibaba ko na ang walang lamang baso sa maliit na lamesa sa sala ni Nick. Ang dalawang kolokoy naman ay nakangising ininom na rin ang alak na ibinigay sa kanila ni Anton. "Welcome to Anton's club insan!" nakangising sabi ni Nick at saka tinapik din ako sa balikat. "Langya, kinakabahan ako Nicky Boy.. pakiramdam ko may virus na kumakalat. Kailangan na yata nating umiwas kundi ay mahahawaan tayo ng dalawang iyan. Ayokong magmukhang asong ulol na bumubuntot-buntot sa babae." tumatawang biro ni Viktor na sinagot ni Anton ng malutong na mura. "Takot ako kuya!" dagdag na biro naman ni Nick at saka sabay silang tumawa ni Viktor. "Gago! " sabay na sigaw namin ni Anton at saka namin sila pinagtulungang batukan. Parang gusto kong pagsisihan na sinabi ko sa tatlong ito ang problema ko. Mukhang lalo lamang nagulo ang utak ko dahil sa mga pinagsasabi nila. I can't be inlove, never! not with that amasonang lesbian, no f*ckin' way! No way! Bwisit kong binalingan ng masamang tingin ang mga kolokoy ng malakas na pumailanlang ang kantang kanina ay kinanta ni Anton. Tuwang-tuwa naman ang tatlo na inaasar pa rin ako at malakas nang sumasabay sa kanta habang magkakaakbay na nagtatawanan at nakatingin sa akin ang nanunudyong mga tingin. "D*mn! I'm in a f*****g trouble! I'm doomed! " mahinang bulong ko sa sarili ko habang hindi pa rin matanggap ang lintek na nararamdaman ko ngayon. Lintek lang talaga, oo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD