ANDY's POV
"Job well done, Black Delta! A few scratches looks good on you and I'm happy na walang nasugatan ng malala." masayang pagbati sa amin ni ninong chief.
"Si sexy kasi General eh masyadong ginalingan, masyado akong pinapabilib kaya ako lalong nahuhulog eh." narinig kong pahaging na biro ni Jacob habang malawak ang ngiti na nakatingin sa akin. Inirapan ko siya at sinagot ko lang ng middle finger ko na tinawanan ng ilang kasama sa loob ng conference room.
"Langya Jacob di na natuto ah, nagpapapansin ka naman sa crush mo basted ka naman lagi." pambubuska ni Raven kay Jacob.
"Damn!" malakas na mura nito sabay bato ng ballpen kay Raven.
"wag kang panira Rodriguez, pinupuri ko lang naman ang my labs ko dahil kung hindi sa kanya baka natakasan na tayo ng lider ng Balayo." dagdag pa nito.
"p*kyu ka to the moon Asuncion! tigilan mo ako sa kaka my labs mo kung ayaw mong madagdagan yang mga pasa mo at itapon kita pabalik sa tatay mo." malakas na tungayaw ko dito sabay bigay ng matalim na tingin na lalong ikinatuwa ni Raven at ikinangisi ni Jacob.
papansin talaga tong gagong to, bwisit na kausap ko sa sarili ko.
"move on , move on din pag time Jake." natatawang biro naman ni Maggie dito. malakas na tawanan ulit na ikinangiti at ikinailing naman ni ninong chief. Nakapamaywang nitong tiningnan si Jacob at tinaasan ng kilay.
"Tama na yan guys at baka maiyak si Asuncion, asar-talo pa naman yan." pabirong saway naman ni Red at saka pumormal ulit ang itsura nito. Kakamot-kamot sa ulo na napasimangot naman si Jacob sa sinabi nito. Magsasalita pa sana ito ng sinenyasan na ni ninong chief na tumahimik kaya wala na itong nagawa pa.
Nandito kami ngayon sa headquarters namin sa bayan ng San Bartolome dahil katatapos lang ng mahigit dalawang buwan na misyon ng team namin, ang pagbuwag sa sindikato na notorious sa pag kidnap ng mga mayayamang negosyante. Involved din ang grupo nila sa s*x trafficking. Hirap silang hulihin ng mga nasa kinauukulan dahil sa kanilang connection sa ilang politician at uniformed personnel. We put them under surveillance para matukoy namin kung sino ang mga connections nila at makakuha na rin ng matibay na ebidensya. Nang lusubin namin sila para hulihin kagabi ay muntik pang makatakas ang lider nila mabuti na lamang at namataan ko ang pag salisi niya kaya nahabol ko ito at nabaril. Dead on the spot si Roberto Balayo but we were able to recover lots of strong evidence at kasama na rin ang libro ng mga binabayaran nilang pulis at mga pulitiko kaya naman agaran ding nahuli ang mga taong pumuprotekta sa mga ito. Big cases like this are often given to our team, the Black Delta, because of our expertise. We were specially trained for this.
Ang Black Delta ay ang team na binuo ng ninong chief ko na si retired General Ricardo Alegre Matikas, isang poging heneral na magaling sa trabaho pero mahina sa babae kaya hanggang ngayon ay single pa rin. He is on his fifties pero matikas at makisig pa rin kaya nagmumukhang nasa forties lang. Bestfriend siya ng yumao kong mga magulang. Nang mag retiro si ninong chief ay naisipan niyang mag tayo ng isang agency sa tulong ng ilang mga kaibigan niya na pinanatili niyang anonymous for safety reasons at dito nga kami nabuo. Marami na siyang agents na hawak pero ang Black Delta ang team na humahawak sa mga maseselan at malalaking kaso na nangangailangan ng masusing pag iimbestiga.
We have eight members. Lahat ay galing sa iba't-ibang sangay ng force. We were trained and chosen well saka pinagsama-sama.
Tatlo kaming babae sa team:
si Shubhi Aragon Matsubara, twenty two years old (codename: Chinita dahil sa cute at chinita niyang mga mata) she is Filipina-Japanese at expert siya sa pag-gamit ng weapons at sa diving. She is a coast guard bago napasama sa team namin. Madalas siyang seryoso at bihirang ngumiti pero nakakasama din naman namin minsan sa hang outs.Pinaka paborito niyang gamitin ang samurai na minana pa niya sa yumaong lolo niya.
Next is Magnolia Venus Aguilar Davidson, twenty four years old (code name: Marikit dahil sa magandang mukha nito na nahahawig sa artistang si Dawn Zulueta, kasing katawan din siya ni Ann Curtis) she's Filipina-Australian at dati siyang police at modelo and of course a gun expert. Siya rin ang madalas naming kasama nina Jacob at Raven sa mga extreme activities na libangan namin kapag walang misyon.
And of course, yours truly, Andrea Navarette Cervantes, twenty four years old (code name: Sexy dahil pinagpala ako sa dibdib at puwet na minana ko sa yumao kong mama. I am a morena at nahahawig ang mukha ko sa artistang si Liza Soberano and that is according to my teammates who gave me my code name) Ulila na ako at tubong San Bartolome. My parents died in a car accident when I was eighteen kaya naiwan ako sa pangangalaga ng bestfriend ni papa na si ninong chief. Siya rin ang dahilan kaya napasok ako sa pagpupulis, idol ko siya dahil sa galing niya sa trabaho. I am expert in tracing and tracking kagaya ng lider namin na si Uno, magaling din akong gumamit ng baril at hilig ko din ang mga extreme sports gaya ng racing at mountain climbing. I am a lesbian, yes tama po yon, at may long time girlfriend ako, si Margareth.
Ang limang lalaki naman ay sina:
Uno Davis San Miguel, twenty eight years old, ang lider ng Black Delta na tahimik, seryoso at mapanganib pero mabagsik kung mag trabaho kaya ang code name niya ay "Bagsik". He's Filipino-American na dating US Navy Seal at member ng SWAT. Personally chosen by ninong chief's friend na kasama sa mga anonymous sponsor ng team namin para maging lider namin. He is an expert in tracking and tracing, gayundin sa combat at sa iba't-ibang uri ng bombs and explosives. Matalas ang mata at pang-amoy niya sa tao at sa paligid. Misteryoso ang isang ito at istrikto. Bestfriend niya ang isa pa naming miyembro na si
Red Santino Ramirez , twenty seven years old na ang codename naman ay "Matikas" dahil sa magandang built nito. Isang Filipino-Mexican na dating kasama ni Uno sa SWAT. Magaling sa pagdidisguise at mahilig sa mga patalim. He is also good in flying aircrafts. He has a dangerous face like his bestfriend pero palangiti din naman siya minsan at mabait.
Sunod ay si Raven Benson Rodriguez, twenty six years old na may code name na "Macho". Maganda ang pangangatawan at may cute na biloy sa pisngi. May pagka-pilyo sa babae kagaya ni Jacob kaya suki sila sa mga bars at beerhouse. Dati siyang Philippine Army at mula sa pamilya ng mga maalam sa medisina at sa baril. Siya lamang ang natatanging nag iba ng landas sa kanilang pamilya dahil mas piniling maging sundalo at agent. Magaling sa hospitality management at mang goyo ng tao.
Jacob Huab Asuncion, twenty seven years old, ang makulit na bestfriend ni Raven at masugid sa pagpapalipad hangin sa akin. His code name is "Tisoy". Siya ang nag-iisa at lagalag na anak ng kilalang Senator ng Pilipinas. Magaling sa baril, mahilig sa boxing at extreme sports pati na rin sa pambabae. Dati siyang Philippine Navy and he is also good in escape plans.
And last but not the least, si Lee Daeshim Cordova Park, twenty three years old, dating Philippine Air force, ang aming oppa member na may code name na "Pogi". He's our techy guy, magaling sa hacking at may pagka-geek. . .isang Filipino-Korean na poging geek na mahilig sa martial arts. Anak siya ng isa sa pinaka kilala at mayamang businessman sa bayan ng San Jacinto, ang kalapit na bayan ng San Bartolome. Introvert siya kaya most of the time ay narito siya sa headquarters o kaya sa bahay niya sa San Manuel na madalas na hang out place din namin dahil mayroon siyang set ng mga latest game technologies doon at napakagandang beach front view.
Bumalik ang atensyon ko ng marinig kong umubo at muling magsalita si ninong chief.
"Anyway, alam kong gusto na ninyong makapagpahinga dahil sa hirap na pinagdaanan ninyo nitong nakaraang buwan. Let's make this meeting brief and short since alam na naman ninyo ang mga paperworks na kailangang gawin. " malumanay na sabi ni ninong chief na nakatingin sa akin. Napangiti ako sa kanya at nakita ko naman siyang tumango bago bumaling ng tingin sa mga kasama namin.
"I wanna inform everyone na ang one month na bakasyon na hinihingi ninyo ay granted na. Make sure to enjoy it bago ko ibigay ang bagong misyon para sa inyo. " nakangiting dagdag nito. Naghiyawan kami dahil sa tuwa.
"Finally, makakapagbakasyon na rin." tuwang-tuwa na sabi ni Maggie na nakaupo sa tabi ko sabay apir sa akin.
"That is your reward for doing a really great job soldiers. Congratulations and enjoy your vacation!" pagtatapos ni ninong chief. Nagsitayuan na kaming lahat at nakita kong kinausap pa ni ninong chief si Uno. Nang malapit na ako sa kanila ay bumaling ang tingin niya sa akin at nginitian ako. Tinapik niya sa balikat si Uno bago ito lumabas. Bumaling sa akin si ninong chief.
"How are you, nak? You seemed out kanina." tanong nito. Napansin niya pala ang pagkawala ng atensyon ko kanina sa gitna ng pagsasalita niya sa unahan.
"I'm good ninong chief, pagod lang but don't worry po pahinga lang katapat nito." I answered him with a reassuring smile. Tumango siya at niyakap ako.
"I'm glad that you're okay. Go home and take a rest. Don't make me worry, o'ryt?" gumanti ako ng yakap sa kanya at ngumiti.
"Nong, wag kang masyadong mag-alala sa akin. Ang isipin mo ang lovelife mo, tumatandang binata ka na kakatrabaho at kaka asikaso sa akin."
"Tsk! dinadaan mo na naman ako sa ganyan. Ikaw na bata ka talaga, kapag inaalala kita lagi mo akong binabato ng loveless life ko. Eh kung tinutulungan mo kaya ako sa tita Sophie mo, masyadong pakipot eh." natatawang sagot nito. Natawa rin ako sa sinabi niya.
Si tita Sophie ang matandang dalaga na tita ng bestfriend kong si Jenny. Niloko ng dating boyfriend kaya ayaw ng magtiwala sa lalaki. Matagal na itong sinusuyo ni ninong chief pero hindi pa rin talaga napapasagot.
"Hina mo naman kasi nong eh. Sabi naman namin sayo ni Jenny daanin mo na sa santong paspasan para wala ng kawala, suportado ka naman namin." pambubuyo ko dito. Ginulo niya ang buhok ko at napailing na ngumiti.
"Kayong magkaibigan wag niyo akong binubuyo ng ganyan at baka patulan ko yan." natatawang sakay nito sa pambubuyo ko. Sabay na kaming naglakad palabas ng headquarters.
"Ang tagal nong, naiinip na kami ni Jenny. Gawin mo na para makahabol pa kayo kahit isang unico hijo o hija." muling napailing na ngumiti si ninong sa sinabi ko.
"I'll consider it. Kayo ang unang makakaalam kapag nakapag desisyon na ako." nakangising sagot niya sa akin.
"Yown! bilisan mong mag isip ninong chief tumatakbo ang oras, sige ka. Ang edad nong, and edad.. ." birong paalala ko saka tinapik ko siya sa balikat at muling niyakap saka nagpaalam na mauna nang aalis.
Pagdating sa parking ay nakita ko sina Jacob, Maggie at Raven na tila naghihintay sa akin.
"O, hindi pa kayo uuwi?" tanong ko sabay baling kay Maggie at tingin sa dalawang kolokoy.
"Hintayin ka daw namin sabi ng my labs mo." nakangising sagot ni Raven na malutong na minura ko at tinawanan naman ng dalawa.
"My labs sama kayo nina Maggie bukas ng gabi sa Seven Digits, treat ko." nakangiting aya ni Jacob.
"I already said yes Dee pero gusto nitong si Jacob na ikaw mismo ang mag yes, naninigurado ata." nakangiting dagdag ni Maggie.
"bakit, ano bang meron?" nagtataka kong tanong.
Tamad akong mag bar kaya bihira nila akong maaya. Unlike my girlfriend na mahilig mag bar at gumimik kasama ang mga friends niya, ako most of the time kapag bakasyon namin ay mas gusto kong mag beach o mag joyride. Minsan nakakasama ko sila o kaya ay si Margareth. Minsan naman nakakasama ko si Jenny na bestfriend ko dahil mahilig ring mag joyride at mag foods yon pag may time siya.
"nothing special my labs, gusto ko lang ma enjoy ang bakasyon at mag celebrate na rin sa success ng misyon natin." masayang paliwanag ni Jacob.
"we already invited the team, nag yes din si Shubhi at Red pero si Uno ay may gagawin daw importante at si Lee naman ay me time daw sa bahay niya." mahabang dagdag ni Raven.
"okay sure, sure.. . sama ko si Margareth ha? malay mo sumama rin ang mga friends non." sagot ko sabay ngisi sa dalawang babaero.
"Yown! Nag confirm na ang my labs mo, nga lang bestfriend kasama ang girlfriend hindi ka makakaporma. " nang-iinis na biro ni Raven sabay akbay kay Jacob.
"It's okay, ang importante sasama at may isasama pang chicks." malaki ang matagumpay na ngiti na sagot ni Jacob.
Napailing na lang ako sa dalawang makulit na kolokoy at saka lumapit sa Ducati ko.
"Umuwi na kayo, uwi na rin ako. Bye guys! See you na lang bukas. " paalam ko saka isinuot ang helmet at pinaandar paalis ang motor ko.