Chapter 36 "Ako na ang magbibitbit ng lahat ng gamit natin." Ani Gab ng akmang bubuhatin ko na ang isa kong bag na nakapatong sa kama. Mabilis niyang hinablot iyon palayo sa akin dala pa ang isa niyang bag at nagsimula na ring maglakad patungo sa pintuan ng aking hospital room. Kaagad niyang binuksan ang pinto at pinauna akong lumabas, at mula doon ay nakasalubong namin ang may napakalaking ngiti na si Doktora Perez. It's been almost two days since I am confined here, at ngayong hapon na ako pinayagang lumabas ni Doktora dahil itong si Gabriel ay hindi pumayag na makalabas agad ako sa unang araw pa lang na madala ako dito dahil sa naging sitwasyon ko. I'm so thankful for him, the way he took care of me these past few days. Sa pagpapakain sa akin, pagpapaligo, pagbibihis, paglilinis ng

