Chapter 32 "T-tay." Narinig kong mahinang usal ni Gabriel at ramdam ko sa salita niyang iyon ang kaba. "Huwag mo akong matawag-tawag na 'Tatay!', hindi kita anak!" Nanggagalaiting sagot sa kanya ni Tatay habang namumula na ang buong mukha dahil sa galit. Halos lukuban na kami ng takot ni Nanay ng mabilis naglakad si Tatay patungo kay Gabriel at walang pagdadalawang isip itong sinapak. Naglaglagan na sa sahig ang hawak lang kanina nitong bouquet at chocolates. "Tay, tama na ho!" "Dionisio tama na 'yan!" Nagsisisigaw na kaming dalawa ni Nanay sa pag-awat sa kanila ngunit patuloy pa din si Tatay sa pagsapak kay Gabriel kahit na halos nakahiga na ito sa sahig, ayaw magpaawat. "Walanghiya ka! Ang kapal-kapal ng mukha mong magpakita pa sa amin matapos mong lokohin at saktan ang anak ko ha

