Chapter 19 "Ano na naman ba 'to, Haven?" Parang pagod na pagod niyang tanong sa akin. "I-I miss you so m-much..." Nanghihina kong saad sa kanya habang nagsusumiksik pa din ako sa pagitan ng kanyang balikat at leeg at habang nakayakap ako ng mahigpit sa kanyang batok. Parang bigla akong nakaramdam ng antok at kaginhawaan habang nakayakap ako sa kanya. Nitong mga nakalipas na araw ay wala pa din talaga akong matinong tulog dahil sa sobrang pag-iisip sa mga nangyayaring ito sa amin. "Go home now Haven. Marami pa akong gagawin and please, don't bother me anymore." Madiin nitong pahayag sa akin habang pilit akong inaalis sa kanyang kandungan. Mas lalo ko namang hinigpitan ang pagkakayakap ko sa kanya kaya wala siyang nagawa kung hindi hawakan na lang muna ako ng mahigpit sa magkabila kong b

