Chapter 17 Abot langit ang aking ngiti habang papasok ako patungo sa entrance door ng condominium building. No words can describe how happy and grateful I am right now because today is our 7th year Anniversary! We finally made it! Mabuti na lang at naayos at napag-usapan namin kaagad ng mabuti ang mga bagay-bagay noong sumunod siya sa amin nung time na hindi niya kami naihatid. Sinabi ko sa kanya lahat ng hinaing ko, na mabilis niyang tinanggap at hiningian niya ng tawad. Hindi na din siya nagtagal at bumalik na agad ng manila ng mga oras na iyon dahil kakailanganin daw siya ng Daddy niya sa kompanya na kaagad kong sinang-ayunan dahil ang mas mahalaga sa akin ay naayos namin ang aming problema. Maging ang tungkol sa babaeng kasama niya last week sa Shakey's ay hindi ko na inungkat pa d

