Epilogue Until now, I just still can't believe that this is really happening...Pinapangarap at iniimagine ko lang kasi 'to sa mga nakalipas na taon na nawalay kami sa isa't-isa eh. Buong akala ko ay hindi na 'to mangyayari at hanggang pangarap at imagination ko na lang pero ito na, ito na ang araw na ipinagdasal at inasam-asam ko simula pa noon. Nandito na ako sa may altar habang hinihintay ang paglapit sa akin ng babaeng pinakamamahal ko. Kaninang-kanina pa simula pagdating ko dito sa loob ng simbahan na parang gripo na sa pagtulo at pagbuhos ang aking mga luha at ni walang sinasayang miski isang segundo. Maging ang ginagamit kong panyo na pampunas sa mga ito ay basang-basa na rin. Mula naman sa aking likuran ay kaninang-kanina ko parin naririnig ang mga pang-aasar sa akin nina Lloyd,

