Chapter 2
Black
"You are three weeks pregnant, Miss Cruz."
Napapikit ako sa narinig ko. There. Confirmed. I am freaking pregnant. Two days after namin na mag usap ni Dan sa may corridor ay nagpatingin na ako ngayon sa doktor. I noticed it myself in these past few days about my vomiting. Hindi naman ako inosente para hindi malaman ang mga senyales na iyon.
Natatakot lang talaga ako na ganito ang kalalabasan, at ngayon, hindi ko na alam ang gagawin ko. Buntis ako, and what? Parang na b’blanko ang isip ko! Ang nararamdaman ko lang ay ang mabilis na t***k ng puso ko.
Niresetahan ako ng doctor ng mga vitamins na kailangan kong inumin at agad kong binili iyon. I am not against this child. Kahit aksidente ang lahat ng ito ay hindi man option ang mag pa abort. No. There's no way I would do that. Even though I’m totally scared, so scared.
Do I need to tell Dan? No. I already said to him that I won't bother him. I'll get through this alone. Baka mamaya ang isipin niya ay gagamitin ko ang bata para lang makalapit sa kaniya. Never.
I contacted Ella, but she's not answering. Where is she when needed? Nang hindi siya sumagot sa mga ilan pang tawag ay umuwi na ako na punong puno ng pagiisip at naabutan ko siya sa bahay na kagigising lang.
"Bakit di ka sumasagot sa tawag?" She yawned before she answered.
"I'm sleeping, and my phone is in a silent mode. Where were you?" Tanong niya pagkatapos ay umupo sa sofa.
"Hospital," I said as I sat beside her. I sighed, “Positive.”
"What!" She hurriedly went on my face. "Y-You're pregnant? For real? As in?"
Napapikit ako sa frustration, "Yes. I am."
Nanlaki ang mata niya at hindi alam kung alin ang uunahin. Ang mag salita o ang hampasin ako o hindi ko alam sa reaksyon niya.
"Melissa! My gosh! What are we going to do! s**t. Dan needs to know it! Right?"
I pull her back to sit beside me when she started panicking.
"Calm down! Dan doesn't need to know, okay? I won't bother him. Not him, not anyone. This is my child." I said straight. Hindi talaga alam kung iyon ba ang dapat gawin.
Ginulo niya ang buhok niya, "Anong my child! Ano? Magisa mong ginawa ‘yan? How could you possibly explain that you're pregnant?"
I sighed for the nth time, "Why do I need to explain? This is my life. To whom it may concern, they're out of it." matigas kong sabi at umiwas ng tingin.
Matagal kaming natahimik na dalawa. Hindi ko alam kung dahil sa hormones iyon, but my eyes began to water for an unknown reason.
How can my life screw up? One bad mistake, and then everything became complicated. I wish I have my parents right now.
"Mel..." She caresses my arm, "How can I suppose to explain this to Tito and Tita? Na hindi kita inaalagang mabuti kaya ka nangyari ito?”
I chuckled and wiped my tears as soon as they fall. Umiling ako at humarap sa kaniya.
"Ella, it's not your fault. My parents raised me well. And all these things happen because of me. I'm twenty-five already! You don't need to stress yourself because of me, okay? I'll get through this..."
She smiled sadly, "I am your best friend, your sister, your family... of course, I am damn worried."
"As long as you are here, I am fine..." I assure her because right now, that’s the only truth that I know. I needed her now more than anything.
Bumagsak ang balikat niya na para bang wala na talaga siyang magagawa.
"You'll not really tell him about this?"
Umiling ako. "It's going to be a messed, Ella. Maraming nakakakilala sakaniya. And ang mapabalitang nakabuntis siya, with a mere fact, that I’m not Rhealyn, will be a big buzz. Plus, he's still in love with her... that's the biggest reason why he doesn't need to know about this."
"But he's still the father..."
Mapait akong ngumiti, "Ayokong masaksihan kung paano niya tanggihan ang anak ko..."
"But there's a chance that he won’t." Pilit pa nito.
"But there's a chance that he will. And I’m not willing to take that risk."
Hindi ko na pinahaba pa ang usapan. Mabilis akong naligo at naglinis ng katawan. My mind flies to everything that might happen while I’m in the bathroom—all negative thoughts. Kahit pa ang lakas ng loob kong sabihin kay Ella kanina na walang pakialam ang ibang tao sa kung anong nangyayari sa buhay ko, natatakot pa din ako.
Paano kung lumaki na ang tyan ko at mag tanong sila? Wala naman talaga akong boyfriend. Kaya ko pa iyon kung ako ang huhusgahan nila. What if I give birth and their accusing and judgmental minds harm my child? Hindi ko ata iyon kakayanin.
But telling Dan Lio was obviously out of the list.
Kinabukasan ay sabay kaming pumasok sa opisina ni Ella. Kahit na gulong gulo kaming pareho para sa mga pwedeng mangyari. We're both terrified even though I don’t seem pregnant dahil hindi pa naman malaki ang tyan ko. I’m just three weeks pregnant!
"You sure you okay? Hindi ka ba nahihilo or what? Nainom mo ba ung vitamins mo?"
Natawa ako dahil mukhang siya pa ung buntis sa aming dalawa, "I'm okay Ella. Calm down. Baka mamaya ay dahil sa bunganga mo malaman nila na buntis ako."
Napagusapan kasi namin na hindi namin ipapaalam sa opisina. Madalas si Dan doon at may pakpak ang balita. Malalaman at malalaman niya iyon. Isa pa, 'pag halata nang umuumbok ang tiyan ko ay titigil muna ako sa trabaho, I have enough money on my own to supply my needs for the next months. O kung wala man, pwedeng maghanap ng ibang tabaho na hindi dito.
"Okay. You're not pregnant. Everything is still what it was. There's nothing new." Napailing nalang ako sa chant niya. Parang baliw.
Nang makapasok kami ay kaliwa't kanan ang batian. Ganoon parin naman lumipas ang buong araw. Parang ung dati parin. But I am much more careful now, may isang buhay pa akong dala kaya dapat lang na mag ingat ako.
"Bes are you sure you're gonna be fine alone? Alam mo pwede ko namang i’cancel nalang ung dinner namin ni Knight para masamahan kita." Hanggang ngayon ay kinukulit parin ako ni Ella.
She'll be having dinner with her boyfriend, and now she doesn't want to go because of me. Hindi naman siya talaga pupunta pero ako ang nagsabi na kaya ko naman. Buntis ako, pero hindi naman ako imbalido.
"Alam mo Ella, stop thinking of me. I can handle myself, okay? I will be fine, I promised. Just enjoy this night uhm, with Knight..." I laughed.
And she did too. "Okay, I'll just update you. And also text me when you're home, alright?"
I nodded, "Alright."
She headed out after at ako naman ay tinapos ang cover na ginagawa ko. I busied myself for hours at nang maalala na di pa ko nag d'dinner ay bigla akong napatayo.
Gosh, Melissa Rae! Gutom na ang baby!
Bumuntong hininga ako at niligpit na ang gamit ko. Lagpas na sa time out ko ang oras kaya dapat na talaga akong kumain. If I’m not pregrant I would go home and cook and eat there. Pero dahil hindi na dapat pang magtagal bago ako kumain ay kakain nalang ako sa labas.
I push the button of the elevator and looked for my phone inside my bag. Nang tumunog ang elevator ay sakto kong nailabas ang aking phone kaya pumasok na ako habang tinetext si Ella.
To: Ella
I’ll eat outside. Kaka out ko lang.
I was about to push the basement button pero naka pindot na iyon. Tumingin naman ako sa kaliwa at noon lang napansin na may tao pala sa loob. I looked up and found Dan Lio’s eyes on me. Bahagya pa akong napaatras sa gulat.
Really? Do I need to see him right now of all time? I cleared my throat and looked away. Sakto naman na tumunog ang aking phone.
From: Ella
Be careful! Text me when you’re home.
I replied, okay and put my hands down after, still holding my phone for distraction.
“You have plans for tonight?”
Medyo nagulat pa ako ng magsalita ang katabi ko. I do have plans pero bakit kailangan tanungin? My heart beats rapidly. I think it wants to be out of my rib cage. Tumango lang ako na hindi ko alam kung nakita o napansin niya ba.
“With someone?” his tone was low and slightly sound mad. Rough day?
Bakit nandito na naman kaya ito? Hindi pa ba siya move-on at hanggang ngayon ay nag papa console kay Sir Melvin?
Tumingin lang naman ako sa taas kung saan naka indicate kung anong floor na kami. Bakit ba ang tagal?
“So, you’re with someone.”
I blinked, “Huh?” wala sa sarili akong napatingin sa kaniya.
He looks so serious na kung may ginawa lang akong mali tingin ko ay galit siya. Pero wala naman kaya hindi naman siguro siya galit. Ganoon naman talaga ang usual look niya.
“Do you have a date?” diretso niyang tanong.
Napaatras naman ang aking ulo, “Why would I have a date?”
His eyebrows knotted, “That’s why I’m asking.”
“Why would you have asked that?”
He looks pissed now. Kumilos siya at humarap sa akin. Umiwas naman ako ng tingin at bahagyang lumayo sa kaniya.
“Are you mad at me for what happened to us?”
I frown. Bakit naman niya inoopen up iyan?
“What?”
“You’re so pissed at me. Did you regret it?” He sighed. “I’m sorry, I know you’re drunk that night, and you probably don’t know what happened. I know I shouldn’t have taken advantage of you even in that state.”
I licked my lips and glance away.
“I told you to forget it…” I said in a low tone as I looked down.
I saw how he moved closer to me in my peripheral view, so my heart beats twice in number! Hihimatayin na ata ako.
He was about to say something when the elevator door opens. Kinuha ko ang pagkakataon na iyon para lumabas. I inhaled deeply as I almost ran to my car.
“Melissa!”
Hindi ko na siya pinansin at hinanap ang susi sa aking bag habang halos tumakbo na doon sa parking.
“Melissa!” I don’t know why I feel irritated all of a sudden. Hindi talaga siya titigil, ano?
“Ano ba?” harap ko nang malapit na ako sa aking sasakyan. “Tawag ka ng tawag.”
I saw how his jaw clench as he tried to keep up with me.
“Anong itatawag ko sa’yo kung hindi iyon?”
I fight the urge to show my irritation, “Ano nga? Bakit mo ako tinatawag?”
“We need to talk,”
“About what?”
“About what happened-”
I almost groan. Almost! “Sir. Dan Lio Santibal, I told you. Wala na nga iyon! Kalimutan na. Wala akong gustong makuha sa’yo, o-okay?” I stammered a bit when I remember my current situation right now.
I gulped and turned around to walk away. Hindi ko na siya hinintay pang humabol at sumakay na sa sasakyan. I didn’t even glance at Dan in my car’s mirror. Yung puso ko palang, hindi ko na alam paano aamuhin. It never calmed down whenever he’s here.
At ngayong lapit siya ng lapit mas nahihirapan ako. Lalo na dahil may tinatago ako sa kaniya.
It was the same day routine at the office the next day. Mas naging busy dahil tatlong dalawang libro ang i’ppublished namin ngayong month. I was expected to finish the first one today, kaya pinasa ko na iyon kaagad.
Kailangan ko rin naman tumulong sa iba pang covers na gagawin. Usually, dalawa ang tumatrabaho sa isang book cover pero itong isa ay ako lang. The next one, I need to help Mark to do it.
“Pag-usapan natin mamaya iyong ideas? Habang lunch?” kausap sa akin ni Mark may isinesave ako sa pc.
I nodded and looked at him, “Sige. Sabay na tayong bumaba.”
Ngumiti naman siya at bumalik na sa trabaho.
“May ibang kasabay ka ng lunch?” tanong ni Ella ng lumapit sa akin.
I chuckled and nodded, “Kailangan para sa second book.”
Sumimangot naman ito pero tumango din. Ganoon ang mga nangyari sa sumunod na araw. Masyadong naging busy kaya nawala na rin sa isip ko ang mga bagay na nakaka pag pa stress sa akin. Pero hindi ko pa rin naman nakakalimutan na may bata akong dinadala.
I take my vitamins regularly, and I also picked my foods better now. Napapansin ko din na ang lakas kong kumain ngayon.
I was at the grocery store, Saturday afternoon, day off ko at kailangan ko na rin mamili ng groceries. Si Ella ay may date kasama ang boyfriend niya kaya ako lang mag isa. Kinuha ko lahat yata ng makita kong maganda sa health.
Hindi ko alam kung okay kang ba ako o napaparanoid ako. Ang OA ko na din sa mga ginagawa ko ngayon dahil todo ingat ako. I don’t even wear high heels anymore. Mahirap na dahil baka matapilok ako at madapa. I shiver just by thinking of it. Ni hindi ko nga maisip na may isa pang buhay sa loob ng tiyan ko. I believe that’s what a miracle is. Just… unbelievable.
“Melissa.” I got startled by a familiar voice.
Lunes iyon ng hapon at pauwi na ako galing work. Akala ko, hindi na siya ulit mag papakita. I don’t know if I’m actually feeling good seeing Dan or irritated because he’s here. Either way, my heart still hurts from too much effort to pump faster.
“H-Hi.” I awkwardly said.
“Are you okay?”
Hindi ko alam bakit ako kinabahan sa tanong na iyon.
“Yeah. May kailangan ka?”
He walked closer to me. Wala na akong aatrasan pa dahil naka sandal na ako sa kotse ko.
“It’s my birthday on Saturday,” he started.
Napakurap naman ako, “So?” he looked pissed again. Ano na naman? “I mean… bakit mo sinasabi sa akin?”
“I want you to come,”
My eyes widen. Hindi ko na napigilan ang sarili sa reaksyon.
“W-Why? Ayoko,” mabilis kong sagot. No way.
Mabilis naman kumunot ang noo niya. “And why? It’s a beach party. I wasn’t really into that, but my mom insisted.”
“Bakit mo ako iniimbita?”
“Because we’re friends?”
“We’re not!” I immediately said.
“What do you want me to call us then?”
Napasimangot na ako. “E-Ewan ko sa’yo!”
“I will ask Melvin to talked to you if you won’t come.”
“Why would you do that?”
He shrugged, “Will you go now?”
“No.” I said a bit loud. Naiinis na talaga ako.
“You’re acting really different. Noong wala pang nangyayari sa atin, ang bait mo sa’kin ah?”
“I told you to stop talking about it!” Hindi ko alam kung bakit mukha siyang natatawa ngayon. Walang nakakatawa!
“I assumed we would get closer because of what happened.”
Napahawak na ako sa noo ko sa kahihiyan. Siya naman ay pilit pinipigil ang ngisi.
“Hindi ako natutuwa Dan Lio!” I spat at him angrily, “Isa pa, hindi ako mabait. Pinapakisamahan lang kita dahil kaibigan ka ng boss ko.”
Tiningnan naman niya ako na parang hindi naniniwala.
“Bahala ka nga sa buhay mo!”
Mabilis na akong pumasok sa sasakyan at umalis doon. Makukunan ako dahil sa lalaking iyon! Ang kulit kulit niya! Paano ko siya makakalimutan kung sulpot siya ng sulpot sa buhay ko?