The Monterio Kingdom

2040 Words
Bago nagkaroon ng kaharian ang mga mangkukulam ay meron lang silang taga pagtanggol sa mga tao at taga pagligtas na si Mathius.  Mabubuti silang mga mangkukulam at hindi kumakain ng mga laman ng tao bagkus ay purong mga halaman lang sila. Pagkatapos itago ni Mathius ang mga kapwa niya mangkukulam ay nag pasiya sila na gawing hari si Mathius. Sa una ay ayaw gampanan ni Mathius ang pagiging hari ngunit dumating nalang siya sa punto na kailangan niyang protektahan ang mabubuting mangkukulam sa mga mapangahas na tao kaya nagtago sila sa kagubatan at doon ay gumawa ng palasyo. Nag papahinga na si Mathius nito ng bigla siyang kinausap ni Alir ang pinaka matandang mangkukulam sa panahon nilang ito at ang kanyang lolo. "Mathius!" tawag ni Alir. "Ano po iyon?" "Nararamdaman kong malapit na akong bawian ng buhay kaya gusto kong isalin sayo ang kapangyarihan ko," "Wag niyo pong sabihin niya Alir," "Ikaw ang mag hahari ng itatatag nating kaharian at magkakaroon ka ng dalawang anak na babae. Ang isa dito ay nakikita kong magdadala ng kaguluhan sa kaharian mo pagdating ng panahon at ang isa naman ay ang ugat ng kaguluhan," "Bakit naman po puro negatibo ang pangitain niyo Alir?" "Sinasabi ko ito sayo para mapag handaan mo ang hinaharap," "Susubukan kong maging mabuting mga mangkukulam ang magiging mga anak ko Alir," "Nararamdaman ko na ang wakas ko Mathius. Ito hawakan mo ang baston ko at itago mo ito. Nandyan sa baston na 'yan ang sekretong sangkap para sa buhay na walang hanggang gamitin mo ito sa tama upang maging immortal ka," "Bakit hindi niyo ginamit ito?" "Ang siyang may busilak na kalooban lang ang maaaring gumamit nito upang maging epektibo ang sangkap na ito. Ikaw, Ikaw Mathius ang may ginintuang puso kaya sayo ko ito ipagkakatiwala," "Ngunit Alir," "Sige na. Hindi na kaya ng katawan ko ang pag-protekta sa mundo ng tao. Kailangan ko ng ipasa sayo ang kapangyarihan ko." Hinawakan ako ni Alir ng mahigpit at bumigkas siya ng mga spell upang ipasa ang kanyang kapangyarihan sa akin. "Habang nabubuhay ka hinding-hindi makikita ang itinatag nating kaharian dito sa gubat ng mga tao," "Alir!" "Paalam Mathius." huling salita ni Alir. Unti-unting naging abo si Alir at inilipad ng hangin ang kanyang abo sa kalangitan. Lumuha si Mathius dahil sa pagkamatay ng kanyang lolo.  Lumipas ang ilang taon. Sa lugar nang kakahuyan kung saan walang sinumang taong makakarating ay nakatindig ang napaka laking palasyo ng mga Monterio. Isang makapangyarihan na pamilya ang namamalaha dito upang mapanatili ang kaayusan ng grupo nilang mga mangkukulam. Ang Monterio Family.  Si Haring Mathius ang s'yang nangangasiwa at nag tatag ng grupo nila. Sa una ay wala pang pangalan ang palasyo hanggang sa napag desisyonan nila na pangalanan nito alin sunod sa apelyido ng Hari. Gumawa sila ng mga iba pang mamamahala ng kaharian bukod sa Hari at Reyna. Tinawag nila itong Hukom kung saan ay sila ang nag dedesisyon para sa kabutihan ng mga nasasakupan. Upang maging makapangyarihan ang paghahari ni Haring Mathius ay binigyan siya ng mapapangasawa na makakatuwang niya sa buhay at makakasanib niya ng kapangyarihan niya. Si Mathilda, siya ang babaeng ipagkakasundo sa Hari upang magkaroon sila ng mas malakas na mga supling. Sa una ay mailap ang dalawa sapagkat hindi sila nag simula sa pagmamahalan bagkus ay sa responsibilidad.  Si Haring Mathius ang pinaka makapangyarihan sa kanilang lahat dahil may kakaiba siyang taglay na kapangyarihan kung saan ay hindi nila kayang tapatan kahit pa mag sanib-sanib silang lahat ng kapangyarihan nila. Ito ang isa pang dahilan kung bakit siya ang naluklok na Hari ng Monterio dahil siya ay katangi-tangi at walang katulad. Nahirang na lahat-lahat na maging reyna si Mathilda ay hindi pa din nabubuo ang pag-ibig sa dalawa hanggang sa pumasok na sa eksena si Gracia kung saan ay gagayumahin niya ang dalawa upang mapadali ang kanilang pag iibigan.  Si Gracia ang kaibigan ni Mathilda na tutulong sa kanya hanggang maipanganak niya ang magiging mga anak nila ni Haring Mathius. Dahil sa kagagawan ni Gracia ay mapapaibig niya ang dalawa sa isa't-isa at mag bubunga ang unang gabi nila bilang mag asawa ng isang napaka gandang bata. Papangalan nila itong Keeva na ang ibig sabihin ay kagandahan, banayad at kabaitan. Si Keeva ang unang anak nila Haring Mathius at Reyna Mathilda. Si Keeva ang taga pagmana ng trono ng kanyang ama sapagkat siya ang panganay na anak. Si Keeva habang siya ay patanda na nang patanda ay nagbabago ang kanyang ugali at lumalakas ang kanyang kapangyarihan. Isang araw habang nasa hardin si Keeva ay nakakita siya ng isang ligaw na paru-paro agad niya itong pinatay at ginawan ng spell na kung saan ay wala ng makakapasok na anumang hayop sa kanilang palasyo. Naging sakit sa ulo si Keeva ng magulang niya sa angkin nitong katigasan ng ulo hindi ito sumusunod sa mga magulang niya at may sarili itong mundo na kung saan siya ang laging nasusunod sa mga gusto niya. Si Keeva ang kabaliktaran ni Mathilda sapagkat ang kapangyarihan ni Mathilda ay restoration kung saan ang mga nasisirang mga kagubatan ay binabalik niya sa dati at pinapaganda ito. Galit si Mathilda sa mga tao sapagkat nasasaksihan niya kung paano sinisira ng mga tao ang kagubatan at pinuputol ang mga matatandang puno dito. Nasa hapag kainan na ang pamilya Monterio at kumakain na sila nito ng biglang nag tantrums si Keeva sa kanilang mga kasamang mangkukulam.  Pikit mata ang mag asawa habang pinag mamasdan nila ang kanilang anak kung paano ito trumato sa kanilang mga kasamahan. "Asan ang pagkain ko! Bakit hanggang ngayon ay wala pa rin ito?" galit na sambit ni Keeva. "Keeva?" nakataray na tanong ni Reyna Mathilda kay Keeva. "Ayoko na ng mga halaman at mga bulate! Bigyan niyo ako ng totoong pagkain!" galit na sambit ni Keeva. "Ngunit 'yan ang aming pagkain simula pa noong unang panahon?" sambit ni Haring Mathius sa kanya. "Gusto ko muling matikman ang malaman na katawan ng kuneho." nakangiting sambit ni Keeva sa magulang niya. Nanlaki ang mga mata ng magulang niya sa narinig nila sa anak nilang si Keeva. Ito ang unang beses na nakarinig sila ng kakaibang pagkain at narinig pa nila ito mula sa anim na taong gulang na anak nila. "Hindi tayo kumakain ng mga hayop Keeva!" galit na sigaw ni Mathilda sa kanya. "Ngunit ito ang hinahanap ng katawan ko! Gusto ko ng karne ng hayop dahil ito ang gusto ko!" sigaw niya. Sasampalin sana ni Mathilda ang anak niya ngunit agad itong nasalag ni Keeva. Tumawa ng malakas si Keeva habang nanlilisik ang mga mata niya na nakatingin kay Reyna Mathilda. "Baka nakakalimutan mo ina na ang aking kapangyarihan ay makita ang hinaharap!" natatawang niyang sambit. "Nababasa ko ang mga nasa isip niyo ngayon ni ama kaya hangga't maaari ay tigilan niyo na 'yan." sambit ni Keeva sa kanila. Hindi tumugon si Mathilda at Mathius sa kanilang anak at nilabanan nila ang isip nito upang maisagawa ang kanilang pina-plano. "Patawad anak." sambit ni Haring Mathius sa kanya. Biglang nagsulputan ang kanilang mga kawal at hinawakan ng mahigpit si Keeva. Agad na ginamitan ng majika ni Haring Mathius ang anak upang patulugin ito. "Hindi!" galit na sambit ni Keeva. Nawalan ng malay si Keeva at agad na dinala ni Haring Mathius at Reyna Mathilda sa matandang hukom nila upang humingi ng tulong para patulugin ang kapangyarihan ni Keeva at burahin ang lahat ng kanyang memorya. "Mohuk Pirr, tulungan mo kami!" pakiusap ni Mathilda sa kanya. "Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo kamahalan?" "Gusto naming ipabura ang memorya ni Keeva upang makapag simula muli siya dahil ang anak namin ay patuloy na lumalabag sa ating kasulatan." umiiyak na sambit ni Mathilda. Hinawakan ni Mohuk Pirr ang mga kamay ni Keeva at binasa nito ang kanyang memorya. Umilaw ang mga mata ni Mohuk Pirr habang binabasa niya ang memorya ni Keeva. "Kuneho!" sigaw nito. "Tama kayo diyan Mohuk Pirr nakakain ng laman ng kuneho si Keeva," "Hindi lang laman ininom niya pati ang mga dugo nito!" "Ano pong ibig sabihin niyo?" "Ang inyong anak ay hindi pangkaraniwan na bata! Ang batang ito ang mag dadala ng kaguluhan sa aking kaharihaan!"  Nagulat ang mag asawa sa narinig nila at halos hindi sila makapaniwala sa sinabi ng hukom sa kanila. "Isi-seal ko ang kanyang kapangyarihan at buburahin ko ang kanyang memorya ngunit ito ay pansamantala lang," "Pansamantala lang?" "Oo. Dahil sa matanda na ako at hindi pa pinapanganak ang susunod sa yapak ko ay hindi natin masisiguro ang pagbura ng memorya niya ng tuluyan. Ngunit may isang paraan para mabura ito ng tuluyan," sambit niya sa akin. "Ano? Sabihin mo!" "Wag na wag niyong ipaparamdam sa kanya ang inggit at galit dahil kapag ito ang kanyang mararamdaman ay babalik ang kanyang memorya at magigising ang kanyang kapangyarihan," paliwanag niya sa amin. "Ang batang ito ay hindi nabuo nang pagmamahal kaya ganyan ang naging resulta niya." Patuloy na lumuluha si Reyna Mathilda dahil sa mga sinasabi ni Mokum Pirr sa kanila. Alam nilang dalawa na hindi pa sila handa para mag pamilya at lalong hindi nila mahal ang isa't-isa ng kinasal sila. "Anong dapat naming gawin upang hindi na maulit ito?" tanong ni Haring Mathius. "Ibigin mo ng totoo ang iyong asawa upang makabuo kayo ng isang supling." Kinuha ni Mokum Pirr ang kanyang baston at iwinasiwas niya ito sa dalawa. Pagkatapos ng ginawa ng hukom sa dalawa ay nawala ang pag mamahal ng dalawa sa isa't-isa.  "Ngayon at nasa tamang emosyon na kayong dalawa subukan niyong kilalanin ang isa't-isa at tanggapin na kayong dalawa ang para sa isa't-isa," "Salamat." tugon nilang dalawa. Umalis na sina Haring Mathius at Reyna Mathilda sa tahanan ni Mokum Pirr. Buhat-buhat ni Haring Mathius ang anak na si Keeva pauwi at pag dating nila sa harian ay agad nila itong inilapag sa kanyang kama upang makatulog ito ng mahimbing. "Sleep well, Princess." sambit Mathilda. Lumabas na agad ng silid sina Mathius at Mathilda upang tawagin ang buong mangkukulam sa palasyo upang bigyan sila ng babala sa pagbabago ni Keeva. Humingi sila ng tulong upang mas mabilis ang pag galing ni Keeva. "Simula ngayon ay gusto naming tratuhin niyo ng maayos si Keeva upang maging maganda ang kanyang memorya. Wag na wag niyong sisirain ang kanyang kabataan sapagkat sa kanya nakasulat ng propesiya," lahad ni Haring Mathius. "Anong propesiya mahal kong Hari?" tanong ni Amed. "Ayon kay Mokuh Pirr si Keeva ang magdadala ng kaguluhan dito sa kaharian kaya minamuti naming i-seal ang kanyang kapangyarihan at tanggalin ang kanyang memorya," "Anong dapat nating gawin? Gugustuhin mo bang si Keeva ang magmana ng kaharian na 'to?" "Nasa kasulatan na ang unang anak ng Hari at Reyna ma pa babae man ito o lalaki ay siyang susunod na mamumuno ng kaharian," "Ngunit ikaw na din ang nag sabi na siya ang mag dadala ng kaguluhan dito?" "Kaya humihingi ako ng tulong sa inyong lahat! Sundin niyo ang lahat ng inuutos ko at kung maaari lang sana na wag na wag niyong sasabihin sa kanya ang nangyayari ngayon dahil ito ang magiging dahilan ng pag balik ng kanyang memorya," pakiusap ni Haring Mathius. "Masusunod ang inyong naisin mahal na Hari. Titipunin namin ang lahat ng batang mangkukulam upang sabihin at itago ang tunay na kapangyarihan ni Keeva," "Maraming salamat Amed. Isa kang tapat at maaasahang kapatid." Umalis na si Amed at ang iba pang mangkukulam upang tipunin ang mga batang mangkukulam.     Si Keeva ay may kapangyarihan na kung saan ay nalalaman niya ang hinaharap at kaya niya itong manipulahin kahit sa murang edad niya ay kaya na niya itong paganahin at ito minsan ang ginagamit niya para sa kasamaan. Dahil sa nangyaring ito kay Keeva ay nagkaroon ng magandang moment ang mag asawa upang simulang intindihin at mahalin ang isa. Pagkatapos ng dalawang taon na pag wo-work ng relation nila Haring Mathius at Mathilda ay hindi tumagal ay nakapag gawa pa sila nang panibagong supling. At pinangalanan nila itong Isabelle na ang ibig sabihin ay God's promise. Sa panahon ng mga mangkukulam ay hindi sila naniniwala sa Diyos dahil sa kanilang paniniwala ay ang tanging diyos lang ay ang pinuno nilang si Mathius. Lumipas ang siyam na buwan ay isinilang na ang magiging tagapag pagligtas ng kaharian at ang magiging ugat ng digmaan sa kaharian na si Isabelle.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD