Erin's POV: "One...Two... Three.. Clear!" Napakaliwanag ng buo 'kong paligid. Nakasuot din ako ng isang puting damit at napaka ayos ng lahat. Pakiramdam 'ko ay napakagaan ng pakiramdam 'ko. "Clear!" Nagpalinga linga ako para hanapin ang pinag mumulan ng boses. Pamilyar iyon sa akin pero sa halip na makita 'ko ang nag mamay ari ng boses ay natanawan 'ko mula sa di kalayuan si mama n nakangiti at may kasamang isang bata. "mama.." tawag 'ko rito na puno ng pananabik. "One.. Two.. Three.. Clear!" "Wala na siya. Tama na." "Hindi! Gigising siya. Huwag niyo akong pigilan." Hindi 'ko pinansin ang ingay na iyon at nag simulang tumakbo palapit kay mama habang hindi napapawi ang ngiti 'ko sa mga labi. Magkakasama na kami. Ang tagal 'kong hinintay ang pagkakataong ito. "Ma, hintayin mo ako

