Erin's POV: "Max, salamat.. Salamat kasi hindi mo 'ko iniwan. Kung wala ka siguro hindi 'ko alam kung paano ako mag sisimula ulit." Sincere na sabi 'ko kay Max. Hindi 'ko talaga ma isip kung paano o kung na saan na ako ngayon kung wala si Max sa tabi 'ko. Ilang beses na akong sumuko pero kahit kailan ay hindi niya ako sinukuan. Masasabi 'ko na napaka swerte 'ko dahil may isang Maxus sa buhay 'ko. "A-- A--" Napansin 'kong tumunog ang phone ni Max kaya napatingin ako roon at nakita 'ko ang pangalan ni Summer. "Max, tumatawag si Summer." "Bwisit naman oh. Dito ka lang sasagutin 'ko lang ito." Tumango naman ako sa kaniya at bahagya pa siyang lumayo. Bakit kailangan niya pang lumayo? Ano kayang pinag uusapan nila? Nakatingin lang ako kay Max at hinintay itong bumalik pero lumayo pa i

