Erin's POV: Hindi ako mapakali sa nalaman 'ko para akong kinikiliti ng konsensya 'ko kapag na iisip 'ko na pwedeng mawala ang anak ni Sunny ng dahil sa akin. Pag dating 'ko ng hospital ay kita 'ko ang palakad lakad na si Light. Tila ba hinihintay nito ang paglabas ng Doctor sa loob ng ER. Nag dadalawang isip ako kung lalapit ba ako sa kaniya. I feel sorry for him. Oo galit ako sa kanila ni Sunny pero hindi kasama sa galit 'ko ang batang dinadala ni Sunny. Hindi kakayanin ng konsensya 'ko kung madadamay 'yung inosenteng bata. Oo, masama na kung sa masama ang tingin ng iba sa akin pero may konsensya ako sa mga bata. Lalo na at hindi pa man siya na isisilang sa mundo. Napaigtad ako ng mapalingon sa direksyon 'ko si Light. Gusto 'kong mag tago pero huli na rin naman ang lahat dahil matali

