Erin's POV: "A cup of coffee for my one and only." nakangiting inilapag ni Light ang kape sa ibabaw mg lamesa pero bakas sa mga mata niya ang lungkot. Umupo ito sa tapat 'ko at sinabayan ako sa pag aalmusal. I know it's not easy for him to smile and show his effort after what happened. "Light, ok ka lang?" Hindi 'ko na napigilan na tanungin si Light ng mabakas 'ko na sa mukha niya ang lungkot. Isang matamis na ngiti ang sumilay sa mga labi nito at hinawakan ang kamay 'ko. "Oo naman. Naiintindihan naman kita sa desisyon mo. Kung hindi kapa handa, handa nama akong mag hintay kahit gaano katagal. Ang importante ok na tayo. Hindi ka na galit sa'kin." Kahit sinabi niyang ok lang siya alam 'kong dinibdib niya ang pag tanggi 'ko sa kaniya. Oo, tinanggihan 'ko siya. Hindi sa hindi pa ako ha

