Erin's POV: "Light!" Napabalikwas ako mula sa masamang panaginip. Bangungot ang mapanaginipan ang masayang kasal ni Light at Sundrea. Napalingon ako sa buong paligid at umasa na panaginip lang din ang masamang kahapon pero muli 'kong naramdaman ang paninikip ng dibdib 'ko at ang pag init ng magkabila sulok ng mga mata 'ko. This is not a dream, whatever I saw is real and whatever I feel is real. Ang sakit sakit pag na aalala 'ko ang mga nakita 'ko kahapon. -Flashback- Pinilit 'ko ang sarili na bumangon para lang alamin kung na saan si Light. Hindi pa rin ako na niniwala na iniwan niya na ako. Umaasa ako na inilipat niya lang ang mga gamit niya at kumuha iyon ng mga bagong damit sa kanila. Kahit ang totoo ay wala ng tigil sa pag patak ang mga luha 'ko at nabalot na rin ako ng kaba

