Chapter Four: Bonfire

1590 Words
“WOAH!!” “What a view!” Ilan lamang iyon sa mga reaksyon ng mga kasama nina Lara nang makarating sila sa isla. Puting buhangin ang agad na sumalubong sa kanila, at mula sa dalampasigan ay tanaw ang napakalaking mansion na magsisilbi nilang tirahan sa loob ng tatlong araw. Halos apat na oras din ang naging biyahe nila mula sa pier hanggang sa isla, kaya bandang alas kuwatro na ng hapon nang makarating sila. “Wala na ba kayong naiwan na gamit? Aalis na rin agad sila kuya,” tanong ni Mrs. Bautista. “Ako po ‘yong huling bumaba. Wala naman na po akong nakitang naiwan sa loob,” sagot ni Rhea. “Okay na raw po, kuya. Maraming salamat po,” kumpirma ni Mrs. Bautista. The guy nodded before getting on the boat. “Salamat po mga kuya! See you in three days po!” sigaw ni Mrs. Bautista habang papalayo na ang sinakyan. Bahagyang kumunot ang noo ng lalaking nasa bangka, ngunit kumaway na lamang ito pabalik. “Are you ready, guys?!” masiglang sigaw ni Mrs. Bautista. Agad namang naghiyawan ang mga estudyante. “OMG babe! I’m so excited for this trip!” maarteng sabi ni Agatha habang halos idikit ang dibdib kay Chase. Napairap si Allison. Napangiti naman si Lara sa naging reaksyon ni Allison. Si Allison kasi 'yong tipo ng maarte na galit sa mas maarte kaysa sa kaniya. “Vacation! Yehey!” masayang sigaw ni Allison. Lara took a deep breath and looked at the view. She knows that she deserves a vacation. Maybe this wasn't a bad idea after all. “Magandang hapon po, Ma’am. Ako nga po pala si Napo, ang caretaker ng isla. Ako po ang mag-aasikaso sa inyo habang nandito kayo,” pakilala ng isang matandang lalaki. Kahit may edad na, halata pa rin ang lakas ng pangangatawan nito. “Magandang hapon din po. Ako po si Mrs. Bautista, at ito ang mga estudyante ko,” pakilala niya habang itinuturo ang mga kasama. “Samahan ko na po kayo papunta sa mansion para makapagpahinga na rin kayo.” Habang naglalakad, kanya-kanyang kuha ng litrato ang mga estudyante. “Kapag kayo lang ang maglalakad dito, sundan niyo lang po ang mga banderitas na nakasabit sa mga puno. Umiilaw po iyon sa dilim kaya hindi kayo madaling maliligaw,” paliwanag ni Mang Napo. “May mga wild animals po ba dito, kuya?” tanong ni Kate. “Ay naku, wala naman po. Safe po dito kahit maglakad-lakad kayo sa gabi.” “Don’t worry, baby. Nandito naman ako para protektahan ka,” sabi ni Terrence sabay kindat. “You’re so sweet, baby,” malambing na sagot ni Kate. “Cringey niyo, pre. Get a room!” asar ni Aries. Nagtawanan ang lahat. “Gago. Kaya wala kang jowa eh,” sagot ni Terrence. Ilang minuto pa ang lumipas bago sila tuluyang makarating sa mansion. Malawak ang harapan nito. Kung malaki na ito tingnan mula sa malayo, mas lalo itong kahanga-hanga kapag nasa harap ka na mismo nito. Pagpasok nila sa loob, isang napakalaking sala ang bumungad sa kanila. Ang iba ay napasigaw sa ganda ng lugar, habang ang iba naman ay abala sa pagkuha ng litrato sa bawat sulok ng bahay. “Ako rin! Take a picture of me,” sabi ni Allison kay Lara. “So sinama mo ako para may taga-kuha ka ng pictures?” pabirong tanong ni Lara. “I am a model after all. Duh.” Nagtawanan ang dalawa habang nagsisimulang maglibot sa first floor. Tatlong palapag ang mansion. Sa unang palapag matatagpuan ang malawak na sala, kusina, isang 20-seater dining table, at isang walk-in freezer. Naputol ang ginagawa ng lahat nang tawagin sila ni Mrs. Bautista para sa isang meeting. “Okay everyone,” panimula niya. “There are a total of ten rooms in this mansion. Lima sa second floor at lima sa third floor.” “I want you to group yourselves into pairs and choose a room upstairs. And another thing—bawal mag-share ng room ang mga magjowa. Okay?” Agad nagreklamo ang ilang magkakasintahan. “Wag na kayong magreklamo,” dagdag ni Mrs. Bautista. “We are here to have a class get-together, not a date.” “Group yourselves into two para makapagpahinga na tayo. At mamayang gabi… magkakaroon tayo ng bonfire!” “Really?!” sigaw ng ilan. “Aren’t you guys excited?” Napuno ng sigawan at tuwa ang sala. “Mauuna na rin po ako, Ma’am,” paalam ni Mang Napo. “Ihahanda ko na po ang mga kakailanganin para sa bonfire. Pagdating naman sa pagkain, marami po sa kusina at freezer.” “Kapag kinailangan niyo po ako, naroon lang po ako sa munting kubo ko sa likod ng mansion.” “Hindi po kayo natutulog dito?” tanong ni Mrs. Bautista. “Ay hindi po. Dito lang po ako kumakain minsan. Doon po ako natutulog sa kubo ko. Nalalakihan po kasi ako masyado sa mga kwarto dito.” "Ah gano'n po ba? Sige po." “Sige po, mauna na po ako.” Pagkatapos magpangkat-pangkat ang lahat, nagsimula na silang umakyat para pumili ng mga kwarto. Pinili nina Lara at Allison ang gitnang kwarto sa second floor. Sa kasamaang palad, katabi nila ang kwarto nina Agatha at Chase. Kasama ni Terrence si Chase sa Room 5, habang kasama naman ni Bea si Agatha sa Room 3. Bago pumasok sa sariling kwarto, inirapan pa ni Agatha sina Lara at Allison. Pagpasok ng dalawang magkaibigan sa kanilang kwarto, sabay silang natawa. “Sana all baliw,” komento ni Allison. Mas lalo silang natawa. May dalawang kama sa loob ng kwarto at tig-isang cabinet sa magkabilang gilid para sa mga damit. Mayroon ding balcony kung saan bahagyang tanaw ang dalampasigan. “So… what can you say?” tanong ni Allison habang nakahiga sa kama at nakatingin sa kisame. “Not bad,” sagot ni Lara. “Good view. Huge room.” Hindi nagtagal, nakatulog din ang dalawa dahil sa pagod sa biyahe. 7:45 PM Nagising si Lara nang maramdaman niyang may yumuyugyog sa kanya. “Gising na. Naghahanda na sila para sa bonfire.” Pagmulat niya ng mata, nakita niyang nakabihis na si Allison at mukhang kakatapos lang nitong maligo. Umupo si Lara at tumingin sa balcony. Madilim na ang langit. “Maligo ka na muna. Hihintayin na lang kita,” sabi ni Allison. “No, it’s okay. Mauna ka na lang sa baba. Mukhang matatagalan pa ako sa pagligo,” sagot ni Lara. “You sure?” Tumango lamang siya habang naghahanap ng damit sa maleta. “Okay. I’ll just fix my hair. Kailangan mas maganda ako kaysa kay Agatha.” Napailing na lamang si Lara bago pumasok sa banyo. Halos isang oras din ang lumipas bago siya natapos mag-ayos. Pagbaba niya ng hagdan, abala ang ilan sa pagluluto habang ang iba naman ay nagsisimula nang uminom. “Oh, Lara. Are you busy?” tanong ni Mrs. Bautista nang makita siya. “Pwede mo bang sabihan si Mang Napo na magdala pa ng alak? Ubos na kasi ‘yong nasa kitchen storage.” Tumango lamang si Lara bago lumabas. Nakita niya si Mang Napo na may inaayos na ilaw sa labas ng mansion. “Hi kuya. Pinapasabi po ni Mrs. Bautista na ubos na raw po ang alak sa kitchen.” “Ay sige po. Kukuha na lang po ako sa storage house.” Dinampot ni Mang Napo ang kanyang mga gamit at naglakad patungo sa likod ng mansion. Dumaan muna siya sa kanyang kubo para kumuha ng flashlight bago tumuloy sa kakahuyan kung saan matatagpuan ang storage house. Halos limang minutong lakaran bago niya narating ang maliit na gusali. Doon nakalagay ang mga stock na hindi madaling masira at ang mga materyales na ginagamit niya sa pagkukumpuni ng mansion. Napakunot ang noo ni Mang Napo nang makita ang kadena at kandado na nasa sahig. “Baka nakalimutan ko lang ikandado.” Pagpasok sa loob, agad niyang pinuntahan ang lagayan ng mga alak. Naglagay siya ng ilang case sa trolley at akmang aalis na sana nang may mapansin siya sa sulok. Isang malaking itim na bag. Napakunot ang noo niya. Hindi niya matandaang may ganitong bagay na ipinadala ang may-ari ng isla. “Ano naman kaya ang laman nito?” Binuksan niya ang bag. Nandoon ang iba’t ibang kagamitan—martilyo, maso, at kung anu-ano pa. Nagkibit-balikat siya at akmang isasara na sana ang bag nang makarinig siya ng boses mula sa likuran. “Ano’ng ginagawa mo?” Napalingon siya. “Ay wala ho. Kumukuha lang po ako ng alak. Ubos na raw po kasi sa kitchen,” sagot niya. “Kayo po, ano po ang ginagawa niyo rito? Naligaw po ba kayo?” “Ah… may binalikan lang.” “Binalikan? Ano po?” “Ayan.” Itinuro nito ang bag sa paanan ni Mang Napo. Biglang kumabog nang malakas ang dibdib ng caretaker. “A-Ano po ang ibig niyong sabihin?” Unti-unti itong lumapit sa kaniya. Walang emosyon ang mukha nito—dahilan para mas lalong kabahan si Mang Napo. “Alam mo ba kung ano ang pinaka-ayaw ko sa lahat?” “P-Po?” “‘Yong may nangingialam sa mga gamit ko.” Sa isang iglap— Ibinabaon nito ang isang matalim na kutsilyo sa leeg ni Mang Napo. Napahawak ang matanda sa sugat habang unti-unting nagdidilim ang kanyang paningin. Ilang sandali pa ay tuluyan na itong nawalan ng buhay. “Iyan ang napapala mo sa pakikialam mo. - End of Chapter Four
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD