-Bella- Wala akong sinayang na sandali at pinuntahan ko muna si Kuya Enzo dahil sa mga nalaman ko at hindi ko na rin hahayaan na makialam pa ito sa magiging laban ko kay Konochie. Alam ko namang kapakanan lang nito ang iniisip ko pero sana man lang ay kinausap muna ako nito bako nito utusan ang lahat ng tauhan ko para turan ang binatang kinaiinisan ko. “Kuya” Galit kong bungad dito ng makapasok ako sa loob ng office nito ng walang pasabi. Bastos man pero hindi ako magiging ganito kung hindi ako nito inuunahan sa lahat ng magiging plano ko. “Bakit, pati ang tauhan ko kailangan mong utusan para ano, ha? Ang dami mong ginawa ng hindi ko agad nalalaman kaya ngayon tatanungin kita, anong dahilan mo?” Inis kong tanong dito at makikita sa akin ang matinding galit na hindi ko na rin alam kung

