-Bella- Natitiyak kong alam na ngayon ni Mr. Konochie, na nawawala na ang kanyang mga tauhan subalit pasensya na lang s’ya dahil kahit anong gawin n’yang paghahanap ay hindi na n’ya makikita ang mga ito dahil ako mismo ang tumapos ng kanilang buhay ng sa ganoon ay hindi na rin nilang makagawa ng perwisyo sa buhay ni Hajime. Nasa loob ako ngayon ng hide out ng dumating si Berna at mukhang may dalang masamang balita. “Sabihin mo na dahil alam mong ayokong naiinip, Berna?” Walang imosyong tanong dito na ikinabagsak naman nito ng balikat. “Si Lord Zen Levy, makikipagkita kay Hajime sa susunod na linggo at alam na rin po ni Konochie ang tungkol dito. At tingin ko po ay may gagawin ang matanda na yon para masira ng Daddy mo ang binata Boss Madam.” Sersoyo nitong hayag sa akin na ikinatahimik

