-Hajime- Nasa loob ako ngayon ng kotse dito sa isang parking lot na binigay sa akin ng babaeng yon, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung sino o kahit man lang ang pangalan nito. Basta ang sabi lang nito ay sa loob lang ako maghintay at may darating para sunduin ako at para dalhin ko kung saan man kami maaaring mag-usap. Nagpasya na rin akong makipag-usap dito tungkol sa binigay nitong mga details sa pagkamatay ng mga magulang, hindi pa man ako sigurado pero base sa pinakita nitong mga ibidensya ay mukhang malaki ang kinalaman ng step father ko sa lahat ng ito. At kung magiging totoo man ang lahat ng nakita at nabasa ko ay baka makalimutan kong step father ko ito at makagawa rin ako ng sama ng sa ganoon ay magawa kong maghiganti para sa mga magulang kong pinaslang nito ng walang ka

