-Hajime- Sa ilang araw pa lang na lumipas ay nararamdaman ko ang sinabi ng babaeng yon na kaya nitong pababagsakin ang negosyo na hawak ko o maging sa step father. Ilang araw na rin kasi akong nagkakaroon ng mga problema sa mga deliveries at supplier na nadedelay, malaking pera na rin ang nawawala sa akin sa ilang araw pa lang na hindi ko maayos ang negosyo ko. Hindi rin kasi biro ang million na mauubos oras na hindi ko matapos ang mga deadline ng mga delivery sa mga bansang kailangan kong padalhan ng mga alak na iniimport dito sa Japan. Ito ang unang negosyo ko na talagang pinaghirapan at binigay ko dito ang buhay ko ng sa ganoon ay maipagpatuloy ko ang legacy ng aking ama pagdating sa pagbebenta ng mga wine sa iba’t-ibang bansa. Naging malaki ang tulong nito sa akin lalo pa at kadugtong

