-Bella- Maaga akong nakipagkita kay General para na rin maka-usap ito sa mga bagay na alam kong maaari nitong masagot. Hindi na rin ako magdadalawang-isip na sabihin dito ang gusto kong sabihin dahila alm kong malaki ang magiging ambag nito sa gagawin kong paghihiganti, nalaman ko na rin na ito ang nagbigay kay Daddy ng usb ngun’t malakas ang loob kong hindi talaga dito mismo galing ang mga information na nasa usb dahil kilala ko ang General na ito at kahit kaano pa kalaki ang koneksyon nito ay hindi pa rin nito magagawa ang ganoong bagay, kaya naman malakas ang loob kong may ibang tao ang nasa likod nito na kailangan ko rin malaman. “Lieutenant De Lana, hindi ko inaasahan ang pagbabalik mo ngayon? Anong meron at mukhang seryos ang pagpagpunta mo dito sa akin?” Tanong agad nito ng makita

