NOSGEL POINT OF VIEW
"Jilly, 'wag ka nang umarte. Hindi ito desperate. Strategic lang, okay?"
Tinignan lang ako ni Jilly habang nakasandal siya sa HR desk niya, kumakain ng SkyFlakes na parang wala siyang tiwala sa buong plano ko.
"Nosgel, let's be honest," aniya habang ngumunguya. "Sinong gusto mong maapektuhan sa gagawin mong paglalandi kay Mark from IT?"
"Inggit, Jilly. Inggit ang susi sa lahat. Kapag nakita ni Boss Baby Priest na may ibang lalaki na interesado sa akin, baka ma-realize niya na hindi lahat ng bagay dapat i-offer kay Father Carlos."
"Baka naman sa sobrang inggit, mag-retreat siya sa bundok."
"Then that’s his problem."
That afternoon, full-on performance level ang ginawa ko. Nagpunta ako sa pantry kung saan madalas mag-stay si Mark. With extra lip gloss, konting flip ng buhok, at ngiting may 80% acting, 20% pagod sa buhay.
"Hi Mark," sabay pa-cute na wave.
"Uy Nosgel, hello," ngumiti siya.
"May bagong instant coffee ka?" Nilapit ko sarili ko sa kanya, konting lean, tipong puwede nang itelecast sa office CCTV.
"Oo, caramel flavor. Gusto mo tikman?"
Perfect.
"Sure! Pero baka hindi ko kayanin ang tamis... unless may balance." Sabay ngiti with matching touch sa braso niya.
At doon. Eksakto. Biglang pumasok si Aethan sa pantry. Hawak pa rin ang Bible, of course. Nakasuot ng puting polo na parang kababalik lang sa simbahan. At ‘yung titig niya? Hindi galit. Mas malala. Concerned.
"Ah," bati niya. "Sarap ng usapan."
Lumapit siya sa coffee machine at pinindot ‘yung black coffee option na tipong ‘wag mo akong kausapin’ ang vibe.
Si Mark, clueless sa tension. “Boss, try mo rin ‘tong caramel, masarap.”
"Temptation comes in sweet disguises," sabi ni Aethan habang nakatingin sa kape niya. "But bitterness brings clarity."
Napatingin ako sa kisame. Oh no. Here we go again.
Pagbalik naming lahat sa office floor, may email na agad. Subject: "Green-eyed Monster: Recognizing Envy in Our Daily Interactions"
I kid you not. Five minutes lang ang pagitan. Tapos may meeting invite na agad for another 30-minute department-wide reflection.
"Jilly," sabi ko habang inaayos ang blouse ko. "Hindi ko kinaya ang bilis ng response time. Mas mabilis pa sa HR complaint system."
"Wala kang laban, besh. May anointing siya."
Gathered na naman kami sa conference room. Si Aethan, nakatayo sa harap na parang magmi-misa na naman.
“Today,” panimula niya, “pag-uusapan natin ang kasalanang madalas nating hindi pinapansin. Inggit.”
May slide na lumabas: “ENVY: The Silent Corrosion of the Soul”
“Kapag nakakakita tayo ng taong may mas maganda, mas sikat, mas masaya sa atin... minsan, may kirot sa puso natin. At ang kirot na iyon, mga kapatid—ay hindi galing sa Diyos.”
Mga kapatid?! Talaga ba?
“Meron akong recent example,” patuloy niya habang naglalakad sa harap naming lahat. “May nakita akong sitwasyon kung saan may dalawang tao na nag-uusap. Masaya sila. Magaan ang loob. Pero ang isang observer... ay parang may hangin ng selos sa paligid.”
Nagtitigan kami ni Jilly.
"Hala," bulong niya. "Ikaw na naman 'yan."
"Shhh."
Tumigil si Aethan sa gitna ng kwarto, nakatitig sa pader na parang nakikita niya ang nakaraan.
“Kapag nakita mong masaya ang iba, tanungin mo ang sarili mo—bakit parang may galit ka sa loob? Bakit may gusto kang agawin na hindi naman para sa’yo?”
Ako naman ang umirap.
Nagtaas ako ng kamay. “Question lang po, Father—este, Boss. Paano kung ang isang tao ay hindi naiinggit, kundi... nagpapaalala lang na may value siya? Na hindi siya invisible? Na baka minsan, kailangan din niya ng affirmation?”
Tahimik. Lahat napatingin sa akin.
Si Benjo? Nakapikit na lang. Si Eloisa? Halatang pinipigilan tumawa. Si Jilly? Proud na proud sa akin, kitang-kita sa pag-fist pump niya sa ilalim ng table.
Ngumiti si Aethan. “That’s a valid point, Nosgel. Affirmation is not a sin. But when you seek it with the goal of stirring emotion in another... that’s no longer about love. That’s manipulation.”
"Eh paano kung kailangan ng konting revenge sa isang taong biglang nagbago ng pagkatao overnight?" tanong ko.
“Revenge is never holy.”
Oo na. Sige na. Lahat na lang bawal.
Tumayo siya muli, this time hawak na naman ang Bible. “Kahit sa Bibliya, sinabi: ‘Love is not jealous, it does not envy.’ Kaya sa office natin, tayo’y magbigay, hindi mag-agawan. Magbigay ng respeto. Magbigay ng space.”
Tumingin siya sa akin.
“Magbigay ng pagkakataong hindi tayo sirain ng pride natin.”
Hindi ko alam kung na-touch ako o na-turn off. Pareho siguro.
Pagkatapos ng meeting, lumapit sa akin si Mark. “Uy, sorry ah. Wala akong idea na gano’n yung magiging effect.”
Ngumiti ako. “Okay lang. Naka-enroll na rin naman ako sa spiritual retreat ng walang bayad.”
Tawa siya. “Baka kailangan nating lahat ng confession booth sa pantry.”
Pagbalik ko sa desk ko, may sticky note sa keyboard ko. Galing kay Aethan.
“Proverbs 14:30 – A heart at peace gives life to the body, but envy rots the bones.”
Sumabog ang tawa ko.
“Jilly!” sigaw ko. “Nag-quote ng Bible sa Post-it Note! Di na ako makalaban!”
“Bes, ayoko na. Baka bukas may prayer request jar na tayo sa cubicle.”
Napaupo ako. Napaisip. Totoo nga. Sa dami ng effort ko para magselos siya, ako pa tuloy ang napaalalahanan ng virtues.
Pero hindi ako susuko.
Fine. Hindi umubra ang jealousy.
Next strategy: pagkakaawa.
Let’s see if Mr. Thou-Shall-Not-Flirt can resist that.
Game on, Mr. Holy Boss.
_______
Kinabukasan, maaga pa lang gising na ako. As in 5:30AM. Hindi dahil sa dedication, ha—dahil sa stress. Hindi pa man ako nakakapag-kape, planado na agad sa utak ko ang buong "Paawa Mode Mission." Kung hindi ako puwedeng maging tempting, baka puwedeng maging *tragically lovable*. Tipong parang bida sa telenovela na iniwan ng mundo pero may pusong handang magmahal muli.
Pagdating ko sa opisina, suot ko ang pinaka-malungkot kong blouse. Beige. Walang shape. Walang kapatawaran. Kulang na lang ay may background music na "Paano na kaya…" habang naglalakad ako sa hallway, bitbit ang paypay kong may sira na sa gilid.
"Girl, bakit mukha kang kakagaling sa wake ng self-confidence mo?" bungad ni Jilly habang nilalagyan niya ng candy ang HR front desk.
"Besh, planado ‘to. Paawa mode. Alam mo ‘yun? Parang ‘I’m just trying to survive this cruel world, please love me’ aura."
"Ah so emotional blackmail na ang next move mo?"
"Exactly."
Tumawa siya pero binigyan din ako ng isang butterscotch candy. “Good luck, Maria Clara. Wag kang mag-crack ha.”
Pagsapit ng 10:00AM, dumating si Aethan, fresh from his morning walk at simbahan—or baka sa meditation garden niya sa rooftop. Naka-neutral tones na naman, as usual. Parang walking linen catalog.
“Good morning, everyone. Don’t forget our ‘Holy Quote of the Day’—‘Blessed are the meek.’” Sabay tingin sa akin. “That includes being gentle in emails.”
Napakagat ako ng labi. Tama na. Kailangan ko na simulan ang planong ito.
Habang busy ang lahat, hinintay ko ang moment na dadaan siya sa workstation ko. At nang maglakad na siya palapit, agad kong inilabas ang deep sigh na parang kasing bigat ng national debt.
“Nosgel?” tanong niya, napahinto siya. “Are you alright?”
Tumango ako, mabagal. “Oo naman po, Sir.”
“Are you sure? You look… faint.”
“Naku, wala po ‘to. Kaunting pagod lang. Siguro puyat sa pag-iisip kung paano mapapaganda ang quarterly report. At... sa hirap ng buhay.” sabay tingin sa bintana na parang may soundtrack ng ulan.
Tahimik siya saglit.
“Would you like to take the day off?” tanong niya, seryoso ang tono.
Ngumiti ako. “Ay hindi po, ayokong pabigat. Kailangan niyo ako. Nandito lang ako, kahit sugatan.” Sabay hawak sa bandang noo ko kahit wala namang sakit.
Nagkatinginan kami. Parang napaisip siya.
Then, out of nowhere, kinuha niya ang Bible sa kanyang bag at inabot sa akin. “Maybe you need some light.”
Napapikit ako. “Sir… light lang po talaga ang kailangan ko. As in kape.”
Ngumiti siya, slight. “Then I’ll have Benjo get you one.”
Shocks. *Okay… unexpected.* Hindi ko akalaing bibilhan niya ako ng kape. Hindi ba’t last week lang halos sipain niya ako dahil sa typo sa memo?
Pagbalik ni Benjo, may dala itong venti iced latte. Galing sa mamahaling coffee shop. Binayaran. Nang CEO. Para sa akin.
Jilly, na nagmamasid mula sa HR desk, halos masamid sa tubig.
"Bes, wag kang magpaawa nang sobra. Baka ikaw ang mapromote to Saint."
Ngumiti lang ako habang iniinom ang kape. Success, ‘di ba? Dapat lang. Pero siyempre, may follow-up pa ‘to. Hindi pwedeng dito lang magtatapos ang plano.
Lunch break. Dahan-dahan akong lumapit kay Aethan habang nagbabasa siya ng pamphlet na may title na “Why Purity is Power.”
"Sir," malumanay ko sabi. "Pwede po ba akong mag-leave this Friday?"
Tumingin siya. "Anong okasyon?"
"Check-up po. Emotional check-up. Parang burn out po kasi ako lately. Pero okay lang kung di puwede..."
Bumuntong-hininga siya. “You’ve been consistent. I’ll approve it. But...”
"But?"
"Don’t forget to pray."
Nakangiti akong tumango, pero sa loob-loob ko, *Lord, ito na ba ang divine reward ko sa pagtitiis?*
Akala ko tapos na ang drama, pero hindi. Pagbalik namin sa floor, may in-email siya sa buong department.
Subject: *"Midweek Mercy: Let us be kind to the tired."*
At alam n’yo bang may quote pa ito? *“Even the strongest warriors need rest, lest they crumble in silence.”*
Jilly nearly flipped her chair.
"Girl. Ikaw ba ‘yung tired warrior?!"
"Confirmed."
“’Pag nagka-novena prayer group sa pantry, ikaw ang muse.”
Pero kahit successful ang paawa move ko, parang may kulang. Hindi ko pa rin nakikitang naiistorbo si Aethan emotionally. Yung tipong apektado siya in ways na hindi niya kayang i-Bible verse lang.
Kaya habang papauwi na ako ng gabi, nakatambay kami ni Jilly sa labas ng building, hawak ang tig-iisang fishball sa cup, sabi ko, “Jill, may final move ako. Paawa + selos combo.”
"Nosgel... ‘wag mong sabihin—"
“Oo. Magpapakilala akong may secret admirer. Na religious din.”
Napamura siya habang humigop ng suka sa fishball.
“Girl. Mapapalayas ka na talaga sa opisina. At baka i-exorcise ka pa ni Father Carlos.”
“Worth it, besh. Mission: Make the Priest Feel.”
At habang lumalalim ang gabi at humihip ang hangin sa Makati, ang tanging sigurado ako ay... hindi pa ako tapos kay Aethan Monteclaro. Amnesiac man siya o hindi, hindi ako susuko.
Babangon ang paawa. Maglalakad ang selosa. At magwawagi ang babaeng may plano.