Katulad ng mga nakaraang araw ay walang tigil kami na pinagtrabaho ng mga gwardiya. Hukay dito. Hukay doon. May ilan pang miyembro ng wind at earth type ang kanilang binigyan ng kaparusahan dahil sa saglit na pagpapahinga o pagtigil sa kani-kanilang mga trabaho. Kaya lalo tuloy naging natuon kami sa aming mga ginagawa para hindi magaya sa mga iyon. "Bilisan niyo naman ang mga kilos niyo!" naiinip na bulyaw pa ng isang gwardiya saka walang habas na nilatigo ang ilang naririto na bumabagal ang kilos, "Sa lalong madaling panahon ay kailangan na matapos na ang ikatlong facility!" Lihim na napangiwi ako dahil hindi biro ang kanilang pagmamatyag sa amin ngayon. Halatang mga nagmamadali sila. Posibleng may nangyayari sa labas kaya ganito na lang sila ka-pursigido ngayon na ipatapos sa amin

