Hindi magkadarapa ang mga tauhan ng facility sa kanya-kanyang mga trabaho na ginagawa nila. Paroon at parito ang mga ito magawa lang ang mga utos sa kanila. Hinahanda kasi ngayon nina Dr. Cisco at iba pang mga doktor ang buong facility para sa pagdating ng mga tauhan na ipinadala ni Finnegan. Sa dami yata na nangyari sa mga nakaraang linggo ay nakalimutan na nila ang tungkol sa imbestigasyon na gagawin ng mga ito sa kanilang facility. Kaya labis labis na nataranta sila nang may tumawag kay Dr. Cisco para ipaalam na patungo na roon ang mga dayo. Agarang sinabihan naman nila ang mga gabay na susundo sa mga ito na bahagyang pabagalin muna nila ang pagpunta ng mga dayo sa facility hanggang hindi pa sila tumatawag sa kanila. Ngayon ay halos matapos na ang madalian nilang paghahanda. "Sinigur

